LOOK! Korean stars Hyun Bin at Son Ye Jin bumiyaheng USA para sa honeymoon

Hyun Bin and Son Ye Jin sweet na sweet bago umalis at bumiyahe para sa kanilang honeymoon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Newlyweds at Korean superstars na sina Hyun Bin and Son Ye Jin bumiyahe na para sa kanilang honeymoon. Ang destinasyon ng bagong kasal ay sa Los Angeles at New York sa USA, ayon sa mga reports.

Mababasa sa artikulong ito ang mga sumusunod:

  • ‘Crash Landing on You’ stars wedding
  • Hyun Bin and Son Ye Jin honeymoon
  • Love story nila Hyun Bin and Son Ye Jin.

‘Crash Landing on You’ stars wedding

Image from Vast Entertainment’s Instagram account

Marami ang natuwa nang ang love story on screen nina Se-ri at Captain Ri sa Korean drama na Crash Landing On You ay nagpatuloy sa totoong buhay. Ito ay nang kumpirmahin ng mga Korean actors na sina Hyun Bin at Son Ye Jin ang kanilang relasyon noong January 1, 2021.

Higit isang taon matapos nilang aminin ang kanilang relasyon, inanunsyo naman ng dalawa na sila ay ikakasal na.

“Probably many of you have guessed, right? It’s true. I have made the important decision of marriage and am cautiously taking steps toward the second stage of my life. I have made this promise with the woman who always makes me laugh (Son Ye Jin): to always walk together in the days that lie ahead.”

“The ‘Jung Hyuk and Se Ri’ who were together in the drama will take the first step together in that future. I believe that people will rejoice and celebrate our first steps together with the same affection and warmth that you have shown us so far.”

Ito ang bahagi ng statement noon na inilabas ni Hyun Bin tungkol sa kasal nila ni Son Ye Jin na orihinal na naisulat sa Korean language.

Matapos mailabas ang statement na ito ni Hyun Bin, sunod rin na naglabas ng statement niya si Son Ye Jin.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mula sa salitang Korean, ito ang English translation ng bahagi ng statement ni Son Ye Jin tungkol sa kasal at relasyon nila ni Hyun Bin.

“I had thought that a man and a woman meeting, sharing their hearts, and promising each other the future was somewhat out of the range of imagination. But we naturally approached that point to get here.”

“Thank you to everything that turned our relationship into destiny. Everyone, please congratulate the future that we’re going to make together.”

Nito lang March 31, 2022, ang pinaka-aabangang kasal ng dalawang Korean superstars ay naganap na. Ito ay ginanap sa Aston House, Walkerhill Hotels & Resorts sa Seoul, South Korean na dinaluhan ng malalapit nilang kaibigan at miyembro lang ng kanilang mga pamilya.

Present din sa wedding nila ang iba pang kilalang artista sa Korea tulad nila Song Yoon Ah, Ko So Young, Jang Dong Gun, Uhm Ji Won at Lee Min Jung.

Ang mga litrato sa kanilang naging kasal ay ibinahagi ng kani-kanilang management agency.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Base sa isang Korean news outlet, ito ang naging wedding vows nina Hyun Bin at Son Ye Jin sa isa’t-isa.

Son Ye Jin: “Hello, honey. Today is finally our wedding day. I still can’t believe it.”

Hyun Bin: “Let’s understand each other, enjoy each moment, laugh a lot, and be thankful for all these things that have been given to us.”

Hyun Bin and Son Ye Jin honeymoon

Samantala, kahapon, April 11, ay may bagong balita tungkol kay Hyun Bin at Son Ye Jin na muling nagpakilig sa kanilang mga fans. Ito ay ang naging paglipad nila papuntang Amerika para doon mag-honeymoon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ayon sa mga Korean reports ay sa Los Angeles at New York ang punta ng dalawa para sulitin ang mga unang araw nila bilang mag-asawa.

Base parin sa mga reports, medyo na-delay ang honeymoon ng dalawa. Ito ay dahil sa may mga personal schedules silang kailangang tapusin bago makaalis sa Korea.

Kahit nga sa pagpunta sa airport ay hindi magkasabay na dumating sina Hyun Bin at Son Ye Jin. Nauna umanong dumating si Hyun Bin na sinundan ni Son Ye Jin. Sila ay nagkita sa loob ng airport na.

Hanggang sa loob ng airport ay sinundan ng Korean press sina Hyun Bin at Son Ye Jin. Doon nga ay naispatan ang sweetness ng dalawa. Si Hyun Bin ang nagbitbit ng bag ni Son Ye Jin, habang si Son Ye Jin ay dinala ang jacket ng kanyang mister.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Newsen

BASAHIN:

Jamie nagsalita na sa dahilan ng pagtatalo nila ni Baron Geisler: “Grabe ang pag-relapse niya lately”

Baby Felize one-year-old na! McCoy de Leon pens sweet birthday message: “Lahat gagawin ko para mapasaya ka lang, anak”

LOOK: Donita Rose ipinakilala na ang lalaking nagpatibok sa kaniyang puso!

Love story nina Hyun Bin at Son Ye Jin

Bago pa man magkasama sa Korean drama na Crash Landing on You, una ng nagkasama sa pelikulang Negotiation sina Son Ye Jin at Hyun Bin. Doon ay nakita na ang kanilang chemistry.

At hindi inakala ng marami na magiging daan para sila ay tanghaling “married couple of the century” sa ngayon.

Image from Son Ye Jin’s Fan page

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement