X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Tatay, ibinenta ang baby at ginamit ang pera sa mga babae online

3 min read
Tatay, ibinenta ang baby at ginamit ang pera sa mga babae online

Pag-papaampon ng bata sa hindi tamang proseso, itinuturing na kaso ng child trafficking na maaring maging kapalit ay 20 years na pagkakabilanggo.

Ibinenta ang anak saka inubos ang kaniyang pera sa mga babaeng vloggers online. Ito ang ginawa ng isang ama sa China matapos umano siyang iwan ng kaniyang misis pati ang dalawang anak niya.

ibinenta ang anak

Image from Freepik

Amang ibinenta ang anak niya

Hindi sana mabubuko ang ginawang ito ng nasabing ama na kinilalang si Lu. Kung hindi pa nahuli ang mag-asawang pinagbentahan niya ng anak niya. Ito ay matapos silang gumamit ng pekeng birth certificate sa pakuha ng ID ng kanilang inampong anak ni Lu na isang babae.

Dahil sa ginawang krimen ay naikwento ng mag-asawa ang pinag-ugatan ng kanilang problema sa mga pulis. Dito na dinampot si Lu sa illegal na transaksyon na kaniyang nagawa.

Ayon kay Lu, nagawa niya daw ito dahil iniwan siya ng kaniyang asawa. At hindi niya alam kung paano bubuhayin at aalagaan ang dalawang anak niyang naiwan sa poder niya.

Nang makita ng mga pulis ang pinarmihang child adoption contract ni Lu at ng mag-asawang nag-ampon sa anak niya, nalamang ibinenta niya pala ito sa halagang 80,000 yuan o lagpas kalahating milyong piso. At ng tanungin kung saan napunta ang nakuhang pera, inubos niya daw ito sa pagbibigay ng mga virtual gifts sa mga babaeng vloggers online.

Sa ngayon ay nakakulong si Lu, ang amang ibinenta ang anak niya na isang kaso ng child trafficking.

Child trafficking sa Pilipinas

Sa Pilipinas ang pagbebenta ng bata sa kahit anumang dahilan, gawin man ito ng kaniyang magulang o ng sinumang tumatayong guardian ng bata ay itinuturing na kaso ng child trafficking. Ito ang nakasaad sa Section 4 ng Republic Act 9208 o Anti-Trafficking in Persons Act.

Ang sinumang mapatunayang guilty sa paglabag sa batas na ito ay maaring makulong ng hanggap 20 years at mag-multa ng hindi bababa sa isang milyong piso.

Kaya naman para sa mga mag-asawa gustong mag-ampon ng isang bata ipinapayong gawin ito sa legal na paraan. Ito ay sa pamamagitan ng tulong ng Department of Social and Welfare Development. Dahil sila ang  may sapat na kaalaman sa proseso at requirements upang maisagawa ito.

“Ang adoption process ay hindi tedious… Para hindi tayo magkamali sa ating journey ng adoption, magpunta tayo sa mga opisina ng DSWD para mas mapabilis ang proseso ng adoption.”

Ito ang mensahe ng panghihikayat ni DSWD assistant secretary Glenda Relova sa mga gusto at nagbabalak mag-ampon. Maliban sa kanila ay mayroon din ilang private organizations ang tumutulong sa mga mag-asawang gustong mag-ampon. Ngunit makakabuti kung titingnan o ichecheck muna sa kanilang ahensya ang legality ng mga ito para makaiwas sa problema.

Source: The Asianparent Singapore, ABS-CBN News, GOV PH

Photo: Freepik

Basahin: Proseso ng pag-aampon sa Pilipinas: Mga hakbang at kwalipikasyon

Partner Stories
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagpapalaki ng anak
  • /
  • Tatay, ibinenta ang baby at ginamit ang pera sa mga babae online
Share:
  • Babae, ibinenta ang 2-anyos na apo ng kapitbahay para sa iPhone 11

    Babae, ibinenta ang 2-anyos na apo ng kapitbahay para sa iPhone 11

  • Mga pagkain na nakakabawas ng talino ng bata

    Mga pagkain na nakakabawas ng talino ng bata

  • Maricel Laxa noong ipakilalang pamangkin ng amang si Tony Ferrer sa mga kapatid niya: “It was a major pain that I'd experienced.”

    Maricel Laxa noong ipakilalang pamangkin ng amang si Tony Ferrer sa mga kapatid niya: “It was a major pain that I'd experienced.”

  • Mom shocked to discover second pregnancy just three months after delivery

    Mom shocked to discover second pregnancy just three months after delivery

  • Babae, ibinenta ang 2-anyos na apo ng kapitbahay para sa iPhone 11

    Babae, ibinenta ang 2-anyos na apo ng kapitbahay para sa iPhone 11

  • Mga pagkain na nakakabawas ng talino ng bata

    Mga pagkain na nakakabawas ng talino ng bata

  • Maricel Laxa noong ipakilalang pamangkin ng amang si Tony Ferrer sa mga kapatid niya: “It was a major pain that I'd experienced.”

    Maricel Laxa noong ipakilalang pamangkin ng amang si Tony Ferrer sa mga kapatid niya: “It was a major pain that I'd experienced.”

  • Mom shocked to discover second pregnancy just three months after delivery

    Mom shocked to discover second pregnancy just three months after delivery

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.