Inihaw na liempo recipe: Ang sikreto sa masarap na marinade nito

Inihaw na Liempo, paborito ng pamilyang Pilipino at laging present sa mga handaan pati na sa mga outing.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Isa sa pangunahing street food na makikita mo sa bawat kanto ay ang inihaw. Mapa manok, lamang- dagat, at baboy. Kabilang na dito ang inihaw na liempo. Ang liempo ay parte ng baboy na matatagpuan sa tiyan o belly. Ito ay malaman, may halong taba, at may malarosas na kulay kapag sariwa.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Sangkap para sa pagluto ng Inihaw na Liempo
  • Paraan ng pagluluto sa Inihaw na Liempo

Ang inihaw ay ang paraan ng pagluluto sa uling. Sa ibang wika ito’y tinatawag ding sinugba ng mga Cebuano at inasal ng Hiligaynon sa Negros. Sinasabing ang pagluluto sa uling o pag-iihaw ay pinamana pa sa atin ng ating mga ninuno. Wala pang Kastila, pag-iihaw ang isa sa paraan ng kanilang pagluluto ng kanilang mga hinuli buhat sa pangangaso dahil sa kasaganahan ng punung kahoy na siyang ginagamit nila bilang panggatong .

Ang pag-iihaw ay hindi lamang parte ng kasaysayan natin, kundi maging ng ating mga hapag-kainan. Malimit na makikita ang Inihaw na Liempo na inihahanda kapag may espesyal na panauhin, may handaan o okasyon, may salu-salo ang buong pamilya, o kapag araw ng Linggo na kumpleto ang pamilya. 

Madalas ding makita ang Inihaw na baboy sa mga boodle fight, inuman, at mukbang na siyang nauuso ngayon sa ating mga Pinoy.

Ang sikreto ng Inihaw na Liempo ay nasa tamang mga sangkap (marinade) at tagal ng pagbabad (marinate). Isa pang sikreto malinamnam na Inihaw na Liempo ay ang Basting o iyong mixture na pinapahid habang iniihaw.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mga sangkap para sa sikreto ng masarap na Inihaw na Liempo:

Larawan mula sa iStock

  • 1 kilo liempo (pork belly)
  • 1 ulo ng bawang
  • 10 pirasong kalamansi
  • 3 kutsarang oyster sauce
  • 3 kutsarang asukal na pula
  • ¼ tasang toyo
  • ½ kutsaritang pamintang durog
  • Mga Sangkap para sa Basting:
  •  ¼ tasang oyster sauce
  •  ¼ tasang banana ketchup
  • 1 kutsarang asukal na pula
  • ¼ tasang mantika
  • ½ tasang tubig
  • Kaunting asin
  • Kaunting paminta

BASAHIN:

Inihaw na bangus: Pinasarap na version ng classic inihaw recipe

Chicken Sotanghon: Ang masarap na comfort food sa malamig na panahon

Chopsuey Recipe: Ang healthy all-veggie ulam ng pamilyang Pilipino

Paraan sa pagluluto para nito:

Paraan ng pagbabad o pag-marinate ng Inihaw na Liempo:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa iStock

  1. Sa pagpili ng liempo cut, kailangan mamula mula pa ang laman, puti ang balat, malaman, at walang ‘di kaaya-ayang amoy. 
  2. Hugasan ng dalawang beses ang nabiling liempo. Salain sa itabi.
  3. Dikdikin ang bawang, hiwain at pigaan ang kalamansi. 
  4. Sa isang bowl, pagsamahin ang dinikdik na bawang, katas ng kalamansi, asukal na pula, oyster sauce, toyo, at pamintang durog. Haluin ng kutsara hanggang malusaw ang asukal.
  5. Sa isang malapad na lalagyan, ihilera ang nahugasang liempo. Ilagay ang marinade mixture na ginawa. Siguraduhing nababalutan lahat ng parte ng marinade upang manuot ang sarap sa Inihaw na Liempo.
  6. Takpan ng clingwrap at ilagay sa refrigerator ng dalawang oras. Pagkatapos ng dalawang oras, baligtarin ang liempo upang magpantay ang lasa. Ipasok muli sa refrigerator sa loob ulit ng dalawang oras.

Pagluluto ng basting na sikreto ng masarap na Liempo:

  1. Sa isang saucepan, pagsamahin ang mantika, oyster sauce, banana ketchup, tubig, asukal na pula, kaunting asin, at kaunting paminta. Haluin.
  2. Isalang sa pinakamahinang apoy, habang hinahalo ng tuluy tuloy. Kapag medyo malapot na, i-off ang apoy at palamigin.

Paraan ng pag-iihaw ng Inihaw na Liempo:

Larawan mula sa iStock

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  1. Ilagay ang uling sa ihawan, paringasan hanggang sa umapoy. Kung walang ihawan, maaaring gumamit ng stove top grill o electric griller. Maaari ring gumawa ng improvised na ihawan gamit ang dalawang hollow blocks o bricks lagyan ng uling sa pagitan at patungan ng nabibiling grilling rack sa palengke. 
  2. Isalang ang binabad na liempo kapag stable na ang init mula sa uling o hindi na gaanong malakas ang baga. Baligtarin kada limang minuto habang pinapahiran ng basting upang lalong manuot ang lasa sa liempo. Malalaman mong luto na kapag wala ng lumalabas na dugo sa laman.
  3. Kapag luto na, ilagay sa plato na may dahon ng saging. Sabayan ng sawsawan at side dishes na paborito ng inyong pamilya.

Mga pagkaing maaaring side dish para sa sikreto ng masarap na Inihaw na Liempo:

  • Inihaw na talong na may sawsawang kamatis at bagoong
  • Itlog na maalat
  • Inihaw o nilagang okra
  • Ensaladang Pipino
  • Nilagang talbos ng kamote
  • Ginisang gulay

Mga sawsawan na sikreto ng masarap na Inihaw na Liempo:

  • Bagoong alamang na may kamatis at sibuyas
  • Bagoong isda na may kalamansi at sili
  • Sarsa ng lechon
  • Tinimplahang suka na may bawang at sili
  • Toyo, kalamansi, at sili
Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement