Hindi talaga biro ang pagbubuntis ngayong panahon ng pandemic mga moms, isa na nga sa mga naranasan ang hirap na ito ay si Isabel Oli. Kaniyang ibinahagi sa kaniyang YouTube channel ang kaniyang karanasan sa pagbubuntis at panganganak during pandemic.
Mababasa sa artikulong ito:
- Pregnancy journey ni Isabel Oli
- Karanasan niya sa panganganak
Dahil nga pandemic ngayon marami ang health protocols na kailangan sundin para ma-ensure ang safety ni mommy at baby. Delikado lalo na para kay mommy at baby ang ma-expose sa sakit na ito. Kaya doble ingat dapat. Iyan nga ang ginawa ni Isabel Oli.
Pregnancy journey ni Isabel Oli
Sa kuwento ni Isabel Oli, marami talaga siyang pinagdaanan sa pagbubuntis. Medyo maraming challenges ang kaniyang hirap at ni baby.
“Sa first part pa lang ng pregnancy ko, first trimester, medyo mga challenges na. Like there’s a blood around the sac, so pwede mawala talaga siya (yung baby). My OB Dr. Valerie Guinto you’re the best. Feeling ko instrument siya na ginamit God kasi sobra talagang smooth yung lahat kahit maraming challenges. Hindi ko masyadong naramdaman.”
Dumaan pa siya ulit sa lipids shots ng mas maraming beses kaysa sa mga na una niyang pagbubuntis, “I had to go through lipids again. which is ginawa na namin to kay Freeda pero once lang. Ito talaga every 4 weeks, 3 weeks, 2 weeks, ganiyan.”
Dagdag pa riyan kailangan pa niyang mag-inject ng innohep sa kaniyang tiyan araw-araw,
“And I had to inject innohep everyday sa tummy ko and we had LIT na na-involved pa talaga yung asawa ko kasi yung white blood cells niya kailangang intransfer sa akin. Which is very very painful. But at the end of the day its all worth it. Its kinda expensive kaya sabi namin “tama na.” Well, I’m just being practical sana na ito na yung last namin, kasi dapat dalawa lang eh. “
Para kay Isabel Oli blessing talaga ang pagdating ng kanilang bunso na si Forest. Kahit hindi umano nila ito plinano ng asaawa na si John Prats. Kahit na maraming challenges. Blessing pa rin umano ito. Bed rest din umano si Isabel Oli ng matagal. Dahil nga best rest si Isabel marami ang mga dapat hindi gawin,
“Bawal akyat baba, at the end of the day kung saan safe si baby dun tayo ‘di ba?”
Ang nagpahirap pa umano sa kaniya ay nang magkaroon siya ng ubo noong ika-36 weeks niya, sa kuwento niya, “Nung 36 weeks naman ako I had a cough and andun na ‘yung pandemic eh may COVID-19 na nun. So, pina-swab ako, so na try ko 4x yung swab. Sabi ko nga sa inyo guys kakaiba talaga ‘to. Sobra, nagpakatatag ako.”
Dagdag pa niya nagpahirap pa umano sitwasyon na wala sa kaniyang tabi ang asawang si John Prats nang mga panahon na iyon,
“Siyempre wala yung asawa ko. Naka-lock in taping pa siya nung time na kailangan akong i-swab ‘di ba ang ganda lang ng timing.”
Nagkaroon pa siya ng mga anxiety attack dahil rito. Aminin natin hindi talaga biro ang kabang mararanansan mo sa panahon na ito, at naranasan nga ito ni Isabel Oli.
“Nagka-anxiety attack ako nung 36 weeks. Hindi ako makahingi parang puno yung sa nose ko, parang ang sakit ng dibdib ko. iba talaga, tapos parang I was scared. Nagkaka-nightmares na rin ako. Paano kapag manganak ako without John beside me.”
Pag-aalala rin ni Isabel Oli ang pagsusuot ng mask dahil nga kahit wala umanong COVID-19 ay hirap na siyang huminga kapag nanganganak. Iniisip niya na paano pa kaya kapag nanganak siya. “Tapos paano ‘to naka-mask daw eh hindi ako nakakahinga nung 2 pregnancies ko nga nung wala pang pandemic wala pang COVID sobrang hirap na kong huminga how much more ito?”
BASAHIN:
#TAPTalks: Ryza Cenon, nagbahagi ng struggles niya bilang new mom
Buntis ba ako?: Masakit na boobs maaaring senyales ng pagbubuntis
LOOK: Phoemela Baranda, nasa 2nd trimester na ng pagbubuntis sa edad na 40!
Delivery of Lila Forest Prats
Hindi rin naging madali para kay Isabel Oli ang delivery o panganganak niya sa kaniyang bunso na si Forest. Kuwento ni Isabel,
“Nung 38 weeks nung nagpa-ultrasound ako si baby was breach. Tapos may cord na nakapalibot dunsa neck niya. and the placenta nasa likod naipit pa niya.” Kaya naman daw nung sumunod na araw ay naka-schedule na agad siya para sa kaniyang CS-delivery.
“CS for me is really okay. Hindi talaga negative iyon for me but sinabi kasi sa akin na I had to quarantine my self and the baby for 14 days. So, inisip ko kung isi-CS ako, paano ako makakakilos.”
Kaya naman katulad ng iba parang nag-question siya umano kay God, dahil nga sa mga pagsubok na kaniyang kinahaharap. Subalit tinapangan ni Isabel at sinunod ang payo ng mga doktor niya, ayon sa kaniya, “Pero sinabi ko na bahala na kung saan safe si baby dun nga dapat tayo.
The unexpected miracle
Pero may hindi inaasahan si Isabel Oli, hindi niya inakala na mangyayari sa kaniya at ni baby sa panahon ng pandemic, sa kuwento niya, “So, naka-schedule na ako nandun na sa OR and then the doctors, and ready na talaga ako and then na-ready na nila ako, i-inject na nila yung epidural or anesthesia. and then I was like telling my doctor, Doc Valerie can you like check baka naman may miracle. Nagjo-joke lang talaga ako.”
Hindi niya inasahan ang sumunod na pangyayari pagkatapos niyang banggitin iyon,
“So, paghawak niya agad-agad, instantly, na ano niya nahawakan niya the head of the baby na nasa baba. So, that for me was a big miracle.”
Kahit umano ang kaniyang mga doktor ay hindi maipaliwanag kung bakit iyon nangyari. Hindi nila maipaliwanag kung bakit nakalipat agad ng pwede si baby Forest. Sa kabuuan ayon kay Isabel miracle talaga ang kaniyang pagbubuntis at panganganak. Kaya lubos ang kaniyang pasasalamat sa Diyos.
“The giving was really okay. I considered it another miracle kasi sobrang bilis lang talaga I had like 3 hours lang yata na labor. Tama lang yung sakit, sakit din siya…Again I think it was really God andun lang siya with my angels.”
Kahit na umano mag-is alang siya sa room nung siya’y manganak at wala ang kaniyang asawa, nakayanan naman umano niya. Kaya mensahe ni Isabel Oli sa iba pang mga mommy na buntis at manganganak during this time of pandemic,
“Nung nag-labor ako mag-isa lang talaga ako sa room. Which is sana mawala na talaga ‘tong COVID kasi sobrang hirap talagang mabuntis at manganak during pandemic, sobra. It such a challenge pero kapit lang talaga yung mga moms na manganganak and sobra kapit lang.”
Kaya mga mommy kapit lang kahit mahirap makakayanan niyo rin iyan. Don’t lose hope at huwag panghinaan ng loob para sa iyo at kay baby, kaya malusog at maligayang pagbubuntis sa mga moms natin na buntis ngayon at safe delivery.
Source: