Iya Villania sa pagiging COVID positive rin nina Leon at Primo: “Oh to be a mother. I’m glad I’ve pretty much recovered.”

May mahalagang payo si Iya sa mga magulang ngayon laban sa kumakalat na sakit.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Iya Villania may payo sa mga magulang laban sa kumakalat na sakit na COVID-19. “Get ready for the battle!”, ito ang nasabi ni Iya matapos magkasunod na magpositibo sa sakit ang dalawa niyang anak na sina Primo at Leon.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Pagpopositibo ng mga anak ni Iya Villania at Drew Arellano na sina Leon at Primo sa sakit na COVID-19.
  • Paano inaalagaan ni Iya ang mga anak na may sakit.

Iya Villania sa pag-aalaga sa mga anak na sina Leon at Primo na nag-positibo na rin sa sakit na COVID-19

Image from Iya Villania’s Instagram account

Nitong Martes, January 11 ay nag-post si Iya Villania sa Instagram ng larawan ng mga anak niyang sina Primo, Leon at Alana habang nasa labas ng isang glass door.

Ang larawan ay kuha mula sa labas ng isolation room ni Iya sapagkat siya ay nagpositibo sa COVID-19. Ganoon din ang mister niya at TV host ring si Drew Arellano noon.

Sa post ni Iya ay makikitang cool pa sina Primo at Leon bagamat gusto na ring pumasok sa kwarto kung nasaan si Iya. Habang ang bunso niya namang si Alana ay umiiyak na at tila naguguluhan bakit hindi siya makalapit sa kaniyang ina.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Iya Villania’s Instagram account

Si Iya, napaluha na lang umano sa tagpong ito. Pero siya ay walang magawa dahil sa kailangan niyang ma-isolate sa mga anak para masiguro ang kaligtasan ng mga ito mula sa kumakalat na sakit.

Leon unang nag-positibo sa sakit na COVID-19

Ngunit kahapon ng umaga ibinahagi ni Iya na pati ang pangalawa niyang anak na si Leon ay nagpositibo na rin sa sakit. Ito ay nagising na lang na may lagnat.

Maliban dito pati umano ang nag-aalaga sa bunso niyang si Alana ay nagpakita na rin ng sintomas ng sakit. Kaya naman ang mga ito ay kailangang ma-isolate na rin.

Mabuti na nga lang umano sabi ni Iya at umaayos na ang pakiramdam ni Drew. Dalawang beses na rin itong nag-negative sa antigen test na nangangahulugang hindi na infectious.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Leon woke up with a fever and also this morning. Geez… this Covid is so tricky ah! It’s not as simple as positives with positives and negatives with negatives.”

Ito ang pahayag ni Iya tungkol sa pagkakasakit ng anak na si Leon na unang lumabas na negative umano sa sakit. Umaasa nga rin i umano siya na sana ay hindi na mahawa pa sina Primo at Alana. Ganoon din ang dalawa nilang kasambahay na siyang nag-aasikaso ng mga kailangan nila ngayon sa loob ng bahay.

“Still hoping for the best for Alana, Primo and our 2 other ates who are keeping the home from falling apart while I’m isolated.”

Ito ang hiling pa ni Iya.

Makalipas ang ilang oras si Primo naman ang sunod na nagpakita ng sintomas ng sakit

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Iya Villania kasama ang anak na si Primo/ Image from Iya Villania’s Instagram account

Pero mukhang hindi natupad ang hiling na ito ni Iya. Sapagkat ilang oras makalipas ang post niya tungkol kay Leon, ang panganay niyang si Primo ang sumunod namang nagpakita ng sintomas ng sakit.

Bagama’t kuwento ni Iya ay tila naging happy pa si Primo na nag-positibo siya sa COVID at makakasama narin sa wakas ang kaniyang ina.

“Primo: (entering the covid ward here at home with a big smile on his face)
“I’m so happy I’m with you again, mama!””

“Me: “I’m not so happy love, coz that means you’re sick!””

Ganito raw ang naging eksena ng pumasok na rin si Primo sa isolation room. Pasalamat ni Iya mabuti nalang umano ay umaayos na ang pakiramdam niya at kaya niya ng alagaan ang mga anak na may sakit.

“Oh to be a mother. I’m glad I’ve pretty much recovered to be able to care for these monkeys.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Si Primo at Leon habang naka-isolate kasama ang kanilang inang si Iya Villania. /Image from Iya Villania’s Instagram account

BASAHIN:

LOOK: Iya Villania buntis sa pang-apat na anak—isang BABY BOY!

Matapos na mag-anunsyo na siya ay buntis, Iya Villania nag-positibo sa COVID-19

Positive at naka-isolate sa bahay? 5 benefits na maaaring makuha mula sa Philhealth

Payo ni Iya Villania sa mga magulang

Kaya naman dahil sa nararanasan, may payo si Iya sa iba pang mga magulang.

“Get ready for battle!”

Ito ang nasabi ni Iya. Mabuti umano na mag-prepare ng mga gamit na dapat ihanda sa oras na may magkasakit na miyembro ng pamilya. Dahil napahirap umanong kumilos at maghanap ng iyong kakailangan sa oras na naka-isolate ka na dahil sa sakit na COVID-19.

“Mamas! Papas! Make sure you have everything ready for the night. Meds, medicine cups or syringes, extra clothes (in case of vomit), nebulizer, necessary nebules, wet/cold towel, thermometer, oximeter, water and a lamp!

You might not need it but you’re better to be prepared than trying to find all of that in the middle of the night. Especially if you’re isolated and have limited access to things around the house.”

Ito ang payo ni Iya sa mga magulang.

Get well soon Iya, Primo and Leon!

Source:

Instagram

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement