Jennylyn Mercado appreciates Dennis Trillo on his birthday: "Salamat sa iyong napakatamis na pag-aalaga."

Narito ang naging takbo ng pagsasama nila Jennylyn at Dennis mula ng magsimula silang magkarelasyon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Jennylyn Mercado nag-thank you sa ginagawang pag-aalaga ni Dennis Trillo sa kaniya at sa kanilang mga anak.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Birthday message ni Jennylyn Mercado kay Dennis Trillo
  • Relationship timeline nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo

Birthday message ni Jennylyn Mercado kay Dennis Trillo

Image from Jennylyn Mercado's Instagram account

Nitong Huwebes ay ipinagdiwang ng aktor na si Dennis Trillo ang kaniyang ika-41st na kaarawan. Syempre, isa sa nangunang bumati sa espesyal na araw sa buhay ng aktor ay ang misis niyang si Jennylyn Mercado. Si Jennylyn ay nagbigay ng mensahe kay Dennis sa pamamagitan ng kaniyang Instagram account.

Sa mensahe ni Jennylyn para kay Dennis ay hindi niya lang basta binati ito ng happy birthday. Nagpasalamat rin siya sa napakatamis umanong pag-aalaga sa kanila ng kaniyang mga anak ng aktor. Ayon pa sa aktres, sa piling ni Dennis ang paggising sa kada araw ay isang blessing.

“Happy birthday to the husband and dad with the heart of gold @dennistrillo! We feel so blessed to have found true love in your arms. Salamat sa iyong napakatamis na pag-aalaga at hindi ka talaga nawala sa tabi namin from day 1. You make every waking hour a blessing! We love you!”

Nag-reply naman dito ang aktor ng matamis na “I love you.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Samantala nitong nakaraang Mother’s Day ay nagbigay rin ng sweet na greetings si Dennis kay Jennylyn.

Ayon kay Dennis, maswerte siya at kaniyang mga anak na magkaroon ng isang tulad ni Jennylyn sa mga buhay nila. Saludo rin daw siya sa mga sakripisyong ginagawa ni Jennylyn para sa kanilang pamilya.

“Salamat sa lahat ng hirap at sakripisyo mo, alam kong hindi naging madali. Saludo ako sayo at sa lahat ng mga nanay na kagaya mo. Kaya nirerespeto, pinapahalagahan at mahal na mahal kita.”

Ito ang mensahe ni Dennis para kay Jennylyn.

BASAHIN:

Dennis Trillo to Jennylyn Mercado: “Napakaswerte ng anak natin na ikaw ang Mama niya.”

Jennylyn Mercado nasorpresa sa biglaang panganganak: “Hindi kami ready!”

LOOK: Viy Cortez nagmukhang Greek goddess sa kaniyang maternity shoot

Relationship timeline ni Jennylyn Mercado at Dennis Trillo

Si Jennylyn at Dennis ay parehong may anak sa mga nauna nilang karelasyon. Si Dennis ay may 14-anyos na anak na si Calix sa dating beauty queen na si Carlene Aguilar. Habang si Jennylyn naman ay 13-anyos na ang anak na si Alex Jazz. Si Jazz ay anak nila ng aktor na si Patrick Garcia.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Taong 2006 ng unang magkasama sa isang proyekto sina Dennis at Jennylyn. Base sa isang panayam kay Dennis noon ay inamin niyang na-attract siya agad kay Jennylyn nang una silang magkakilala. Bagamat ng mga panahong iyon ay may kaniya-kaniya pa silang karelasyon.

Makalipas ang apat na taon, 2010 kinumpirma nina Dennis at Jennylyn na sila ay mag-boyfriend at girlfriend na. Ngunit hindi ito nagtagal at agad silang naghiwalay sa sumunod na buwan.

Matapos ang apat na taon ay muling nagkabalikan sina Dennis at Jennylyn. Noong una ay inilihim nila ito. Naging usap-usapan lang ito matapos magkalat sa social media ang mga larawan nilang magkasama.

Sa mga naturang larawan ay makikitang hindi sweet ang dalawa. Bagamat para sa kanilang mga fans ito ay may kahulugan na.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Taong 2016 ay umamin na sina Dennis at Jennylyn na sila nga ay nagkabalikan na.

Larawan mula sa Instagram account ni Dennis Trillo

Sa isang panayam ay ikinuwento ni Dennis na siya ang nag-first move. Na-miss niya daw ang pagiging maalaga ni Jennylyn. Dagdag pa na mahal niya daw talaga ito.

“Maalagain kasi siya tsaka maasikaso. Isa yun sa mga na-miss ko rin, siyempre, masarap 'yong feeling na ganun. Mas mararamdaman mo 'yong love, tsaka kung gaano ka kaimportante. Kaya nung nagkaroon ako ng chance na maging close ulit sa kanya at ayusin 'yong samahan naming dalawa, pinursige ko.”

Ito ang sabi noon ni Dennis.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mula noon ay nagtuloy-tuloy na ang relasyon nina Dennis at Jennylyn. Hanggang sa nitong 2021 ay inanunsyo ng dalawa na sila ay engaged na. Ibinahagi ng dalawa sa pamamagitan ng isang vlog ang naging proposal ni Dennis. Doon ay inanunsyo rin nila na sila ay magkakaanak na.

"Ikaw lang ang gusto kong makasama. Ikaw at yung bagong addition sa pamilya natin. Isa 'yon sa mga pangarap ko."

Ito ang ilan sa linyang sinabi ni Dennis kay Jennylyn ng mag-propose ito ng kasal sa aktres.

Larawan mula sa Facebook account ni Jennylyn Mercado

Sinagot naman ito ni Jennylyn ng matamis na yes. At sa sumunod na taon ay ikinasal sina Dennis at Jennylyn sa pamamagitan ng isang intimate civil wedding ceremony.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ginulat naman nila ang lahat sa isang magandang balita ng magsimula ang buwan ng Mayo. Si Jennylyn ipinanganak na ang baby girl nila ni Dennis.

Bagamat hindi pa nila ibinabahagi ang buong pangalan nito ay tinatawag nila itong Baby D. Ayon kay Dennis ay kamukha daw ito ng aktres at misis niyang si Jennylyn Mercado.