Jhong Hilario, magiging tatay na!

Jhong Hilario, magiging tatay na!

Jhong Hilario at kaniyang girlfriend na si Maia Leviste Azores ay masayang ibinalita ang bagong blessing sa kanilang buhay.

Magiging daddy na nga ang “It’s Showtime” host, dancer, aktor at isa ring member ng Makati City Council na si Jhong Hilario. Masayang ibinahagi ni Jhong ang balita sa kaniyang Instagram account na inaasahan nila ng kaniyang girlfriend na si Maia Leviste Azores ang kanilang unang anak.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Pagbabalita ni Jhong Hilario na siya’y magiging tatay na
  • Relasyon ni Jhong Hilario sa kaniyang girlfriend

Pregnancy announcement

Parehas nag-post ang dalawang magkasintahan patungkol sa masayang balita na ito sa makikita sa post ni Jhong Hilari kung gaano siya nagpapasalamat sa bagong blessing sa kanila ni Lord.

Makikita pa nga ang #SamplePrince or #SamplePrincess sa caption. Dahil nga nakilala si Jhong Hilario bilang “sample king” sa It’s Showtime.

Ganito rin halos ang caption ng kaniyang girlfriend na si Maia Leviste Azores sa Instagram account niya nang isinapumbliko nga nila ang masayang balita na ito.

Marami sa mga kaibigan at kasamahan sa It’s Showtime ni Jhong Hilario ang nagpaghayag ng kanilang tuwa sa balita. Ilan sa mga bumati kina Jhong Hilario at Maia Leviste Azores ay sina Anne Curtis, Vhong Navarro, Kim Chiu, Amy Perez, Jugs Jugueta, Ryan Bang, at Ion Perez.

BASAHIN:

#TAPTalks: Aicelle Santos-Zambrano: “Wear your stretch marks proudly”

10 healthy tips na nakapagpabago ng buhay ni Andi Eigenmann

LOOK: Phoemela Baranda, nasa 2nd trimester na ng pagbubuntis sa edad na 40!

Pinagdaanan ni Jhong bago makilala si Maia

Mas matanda kasi si Jhong Hilario ng 15 years kay Maia. Sa kwento noon ni Jhong sa isinagawang interview sa kaniya dati na hindi nag-work out ang relasyon niya sa dating kabiyak na isang British citizen.

Nakilala niya umano ang dati nitong asawa nang siyang nagtrabaho bilang dancer sa Miss Saigon noon. Ang kaniyang asawa naman dati ay isang dresser doon. Nagpakasal sila taong 2005 pero naghiwalay din matapos ang pitong taon.

“Mahirap din kasi yung long-distance. ‘Di mo makita kung compatible ba kayo sa isa’t isa. Nalaman ko din sa kanya na ayaw niya dito. ‘Di ko din makita ang future ko doon sa England. Ano ang magiging trabaho ko doon. That time nakapasok na ako sa Showtime. Bumalik na ‘yung career ko. Naisip ko ‘yung iiwan kong pamilya.  Di ko alam kung paano ko sila iiwan,”

Muntik na ngang umalis nang bansa si Jhong noon para sa kaniyang dating kabiyak. Pero hindi naman ito natuloy. Hindi umano pinagsisihan ni Jhong Hilario ang relasyon niya dati kay Michelle. Dagdag pa niya,
“Nasa tamang edad na ako nun sinabi kong magpapakasal ako. Pero natutunan ko din naman na hindi porket kasal kayo, eh magiging kayo na forever.”

Relasyong Jhong at Maia

Taong 2014 nang inanunsyo ni Jhong Hilario ang kaniyang relasyon kay Maia. Sabi pa ni Jhong sa kabila umano ng kaniyang celebrity status. Hindi naging madali para sa kaniya na mapatunayan sa mga magulang ni Maia na siya’y seryoso sa dalaga.

 

jhong hilario

“Ito kasi ‘yong babaeng ipinaglaban ko talaga kahit sinabing hiwalayan na. Mali ko lang din kasi nag-aaral pero no’ng nalaman ng family na ako ‘yong boyfriend. And siyempre dumaan sa masusing pag-iimbestiga ‘yan, kung ako ba ‘yong Gary sa Mara Clara, pero na-prove ko naman sa kanila na malinis ang intensyon ko,” 

Dahil sa nga nakaraan ni Jhong at agwat ng edad nila nahirapan umano si Jhong na patunayan sa mga magulang ni Maia na malinis ang intensyon niya sa kanilang anak. Ipinaglaban umano talaga ni Jhong si Maia.

Vocal si Jhong sa kaniyang relasyon kay Maia Azores na isang cabin crew sa isang airline company sa bansa. Ayos sa mga report ang tawagan ng dalawa ay “Pangs”. Makikita rin sa kanilang mga Instagram accounts kung gaano kamahal ni Jhong at Maia ang isa’t isa dahil sa kanilang sweet photos together.

Ngayon nga’y magiging parents na sila sa kanilang unang anak together. Congratulations Jhong at Maia!

 

Source:

ABS-CBN

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

Sinulat ni

Marhiel Garrote

Article Stories
app info
get app banner