Jodi Sta Maria ibinahagi kung paano siya nag-adjust sa paghihiwalay nila ng dating mister na si Pampi Lacson. At sa kung paano nila napanatiling maayos ang kanilang relasyon para sa anak nilang si Thirdy.
Mababasa dito ang sumusunod:
- Sikreto sa blended family set-up nila Jodi at dating mister na si Pampi
- Jodi Sta Maria sa pagbibigay ng maayos na buhay sa anak na si Thirdy.
Sikreto sa blended family set-up nila Jodi at dating mister na si Pampi
Kahit hiwalay na, isa sa mga hinahangaan ng pamilyang Pilipino ay ang pagsasama nila Jodi Sta Maria at dating mister na si Pampi Lacson. Dahil base sa mga social media post ni Jodi ay makikitang magkasundo sila ng ka-relasyon ngayon ni Pampi na walang iba kung hindi ang aktres rin na si Iwa Moto.
Taong 2010 ng tuluyang maghiwalay si Jodi at Pampi. Si Jodi ibinahagi sa isang panayam kung paano sila nag-comeup nila Pampi at Iwa sa isang maayos na set-up para sa anak na si Thirdy.
“Para siyang naiipit sa dalawang nag-uumpugang bato. I kept thinking, I failed to give my son a complete family, I don’t want to deprive him of a peaceful life. I, at least, want him to have parents who can be civil to each other, who can get along.”
Ito ang sabi ni Jodi sa panayam.
Larawan mula sa Instagram account ni Jodi Sta. Maria
Jodi Sta Maria sa pagbibigay ng maayos na buhay sa anak na si Thirdy
Kuwento pa ni Jodi napagkasunduan nila ni Pampi na unahin ang kapakanan ng naak nilang si Thirdy. Dahil sa naging paghihiwalay nila ay ito naman ang pinaka-apektado. Sa tulong ng ganitong mentality ay pareho nilang nagagawa ang kanilang role bilang mga magulang ni Thirdy kahit sila ay hiwalay na.
“We were able to set aside our personal interests and turned our attention to what our son needed. Which is a peaceful environment. While I know this is not the ideal setup. I realized that it’s also not ideal to continue bickering, to try to hide your children from their other parent.”
Ito ang sabi pa ni Jodi Sta Maria.
Larawan mula sa Instagram account ni Iwa Moto
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!