Jodi Sta Maria nagcelebrate ng pasko kasama ang pamilya ng ex husband niyang si Pampi Lacson. Anak nila na si Thirdy nagdiwang din ng 18th birthday.
Mababasa dito ang sumusunod:
Jodi Sta Maria Christmas with ex husband family
Larawan mula sa Instagram account ni Iwa Moto
Muli na namang pinahanga ng aktres na si Jodi Sta. Maria ang kaniyang mga fans sa latest nitong Instagram post. Si Jodi bumati ng maligayang pasko sa kaniyang mga followers kalakip ang larawan na nagpapakita kung gaano kahanga-hanga ang pagiging isang ina ng aktres. Dahil si Jodi ipinagdiwang ang pasko kasama ang pamilya ng kaniyang ex husband na si Pampi Lacson.
Makikita sa larawan ang anak niyang si Thirdy na may hawak na cake. Ganoon din ang ama nito na si Pampi at ang bagong kinakasama nito na si Iwa Moto pati ang kanilang mga anak. Si Jodi may maganda ring caption sa kaniyang post. Ito ang kaniyang sinabi ukol sa larawan.
“We are blended not broken ❤️
God has created something beautiful out of brokenness.
The relationship we have with each other as a blended family was made possible by His love and mercy. 🙏🏻 It is only thru His grace that our family was redeemed, repaired, and renewed.
Thank You Lord for this beautiful gift. Thank You for Your love. ❤️”
Ito ang sabi ni Jodi kasunod ng pagbati ng Merry Christmas sa lahat.
View this post on Instagram
Birthday message ni Jodi sa anak niyang si Thirdy
Larawan mula sa Instagram account ni Jodi Sta. Maria
Nitong December 23 ay nag-celebrate rin ng kaniyang 18th birthday ang anak ni Jodi na si Thirdy. Ang aktres may iniwan ring sweet na mensahe sa kaniyang unico hijo. Dito ay sinabi niya kung paano niya pinagdasal ang anak at kung paano nito nabago ang buhay niya. Ito ang bahagi ng birthday message ni Jodi sa anak niyang si Thirdy.
“Being a mom to you has been my life’s greatest joy and know that I will always be here for you no matter what.
I love you with all my heart and soul, anak.
HAPPY BIRTHDAY ❤️❤️❤️”
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!