Ano ang kahulugan ng pagmamahal?
Laging laman na ng mga kanta, tula, nobela at musika ang kwentong pag-ibig. Subalit paano naman kapag siyensya na ang pag-uusapan dito?
Mababasa sa artikulong ito ang:
- Pagkakaiba ng pagkagusto, pagmamahal at pagiging “in love”
- Dalawang uri ng romantikong pagmamahal
- Ano ang kahulugan ng pagmamahal at paano ito nag-iiba?
Maraming pag-aaral noon pa lamang na mayroon nang “pag-big” sa iba’t ibang parte ng mundo. Nakita ang 147 sa 166 na kultura ang romantikong pagmamahal.
Ang kahulugan ng pagmamahal ay nakabase kung paano nila ito nararamdaman at kung paano ito nagbabago sa paglipas ng panahon.
Pagkagusto, pagmamahal o pagiging “in love”?
Sa mahigit 50 taon, napag-aralan din ang pagkakaiba ng pagkagusto sa isang tao, pagmamahal sa kaniya pati na rin ang pagiging “in-love”.
Ang pagkagusto sa isang tao ay ang pagkakaroon ng positibong pagtingin o pakiramdam sa isang tao at madali kang sumaya sa kanilang presensya. Bukod pa rito, nakakaramdam din ang taong may gusto sa ‘yo ng sigla at pagiging malapit.
Kapag naman mahal mo ang isang tao, nararamdaman mo rin ang positibong pagtingin at pakiramdam sa kanila. Ang pinagkaiba nga lang ay ramdam mong malalim na ang iyong nararamdaman o pagkikitungo sa isang tao.
Habang kabilang sa pagiging “in love” ang sexual arousal at attraction sa isang tao. Ngunit para sa ibang tao, iba-iba ang kahulugan ng pagmamahal para sa kanila.
BASAHIN:
I love being a mom pero minsan iniisip ko na lang ulit maging dalaga
10 Tips sa pagtatalik para manumbalik ang init ng inyong pagmamahalan ni mister
Pag-amin ng isang misis: Nang mahiwalay ako sa asawa, naging kabit ako.
Passionate vs companionate love
Ang romantikong pagmamahal ay mayroong dalawang uri: passionate at companionate na pag-ibig. Sila man ay heterosexual o same-sex.
Ang passionate love ay karaniwang nararamdaman ng mga taong “in love”. Kabilang rito ang pakiramdam ng passion at matinding pananabik sa isang tao.
Habang ang companionate love naman ay hindi mo mararamdaman ang matinding pananabik ngunit alam mong malalim ang ugnayan o koneksiyon sa iyong romantic partner.
Ano ang kahulugan ng pagmamahal at paano ito nag-iiba?
Ayon sa pag-aaral, kahit na nagsisimula sa mataas ang passionate na pag-ibig, may pagkakataon na bumaba ito sa gitna ng relasyon.
Maraming rason ang dahilan nito.
Nagkakaroon na ng “routine” sa isang relasyon pagkatapos nilang mapag-aralan o makilala ng mabuti ang isa’t isa. Ibig sabihin, ang kasabikan o kagalakan sa isang tao ay unti-unting bumababa dahil rito.
Hindi naman lahat ng couple ay nararanasan ito. Subalit ayon sa pag-aaral, tinatayang nasa 20-40% ang nakakaranas ng pagbaba ng kasabikan. Sinasabi ring ang mga mag-asawang kasal na ng mahigit sampung taon ay makakaranas ng “downturn” sa pangalawa nilang dekada.
Nakakaapekto sa pagsasama ang iba’t ibang kaganapan sa buhay pati na rin ang hindi kontroladong pagbabago. May iba na nakikipag kompetensya sa responsibilidad na nakasisira ng kanilang lakas. Isa sa masasabing halimbawa nito ay ang pagiging magulang.
Sa kaibahan nito, ang companionate na pag-ibig ay tumataas lagi.
Ano ang punto ng pag-ibig?
Ang “pagmamahal” ay isang emosyon at dahilan kung bakit konektado ang dalawang tao. Sa perspective ng siyensya, isanng dahilan kung bakit nagsasama ang mag-asawa na may mga anak dahil sa kanilang pag-ibig para sa isa’t isa.
Masasabi nating mahalaga ang pag-ibig para sa tao. Dahilan ito kung bakit nananatiling buhay ang isang tao ng mahabang panahon. Kung walang pag-ibig, magiging mahirap para sa atin ang maging mabuti. Ang pag-ibig ang isa sa mga dahilan ng pag-iral ng tao sa daigdig.
Biological foundation
Ayon sa neurophysiological studies, ang pagkakaroon ng romantikong pag-ibig ay ang dahilan ng aktibasyon ng utak ng mga tao.
Ang mga rehiyon ng utak mo ay naglalabas ng iba’t-ibang kemikal katulad ng oxytocin, vasopressin at dopamine na naglalabas ng kaligayano euphoria. May koneksyon din ito sa sexual arousal at pagkasabik ng isang tao.
Masasabing malaki ang pagkakaiba ng pagkagusto at pagmamahal. Sa madaling salita, kung gusto mo ang isang tao, hindi ibig sabihin nito ay mahal mo na siya.
Ano ang style mo sa pag-ibig?
Nalaman ng pag-aaral na may tatlong uri ng pagmamahal. Ayon kay John Lee na isang psychologist, ang mga love style na ito ay ang eros, ludus at storge.
Kasama rito ang iba’t-ibang paniniwala at attitude ng mga tao pati na rin kung paano ang pakikitungo nila sa isang relasyon.
Eros
Masasabing ito ay isang “erotic love” na nakatuon ang pansin sa pisikal na anyo at pakikipagtalik. Mayroong matinding damdamin sa bawat isa.
Ludus
Ang istilo na ito ay kapag nararamdaman mong malayo ang loob mo sa iyong partner. Kadalasan, ang mga couple na nasa ganitong uri ng relasyon ay hirap sa commitment at madali para sa kanilang wakasan ang pagsasama. Handa rin silang pumasok pa sa bagong relasyon nang hindi pa tinatapos ang nauna.
Storge
Ang uri ng pag-ibig na ito ay masasabing matured na. Nagpapakita ng parehong interes o affection sa isa’t-isa at hindi mahalaga ang pisikal na anyo.
Gery Karantzas, Associate professor in Social Psychology / Relationship Science, Deakin University
This article is republished from The Conversation under a Creative Commons license. Read the original article.
Translated with permission from theAsianparent Singapore
Translated in Filipino by Mach Marciano