Ano ang kahulugan ng panaginip tungkol sa cheating? Kung buntis ay ito ang umano ang dahilan ayon sa isang eksperto.
Mababasa sa artikulong ito:
- Kahulugan ng panaginip tungkol sa cheating.
- Tips para magkaroon ng mas mahimbing na tulog sa gabi.
Kahulugan ng panaginip tungkol sa cheating
Ang mga babaeng buntis ay maraming kakaibang panaginip. Minsan nga ang mga panaginip na ito ay nagiging dahilan para magising sila sa pagtulog sa gabi at parang totoo itong nangyari.
Karamihan ng mga panaginip na ito ay walang sense. Pero ang ilan naman ay maaaring makaapekto sa damdamin ng isang buntis. Tulad na lamang na sila ay nagtsi-cheat o kaya naman ay nagtsi-cheat ang mister o partner nila.
Bagama’t ito ay masamang panaginip at sadyang nakakabahala, ayon sa mga eksperto ang pananaginip tungkol sa cheating ng buntis ay normal.
Sa katunayan, karamihan ng mga babaeng buntis ay nararanasan ito. Kaya kung may ganito kang panaginip at nagdadalang-tao ay wala ka dapat ipag-alala o ikahiya.
Girl photo created by lookstudio – www.freepik.com
May kinalaman ang panaginip ng buntis sa pagbabago sa katawan na kaniyang nararanasan
Ayon kay Dr. Neil Stanley, isang sleep expert, ang panaginip ng mga babaeng buntis tungkol sa cheating ay may kaugnayan sa hormonal changes nilang nararanasan. Pati na rin ang anxiety, discomfort at mga pagbabago sa kanilang katawan dulot ng pagdadalang-tao.
Ang nagti-trigger ng panaginip na ito ayon kay Dr. Stanley ay ang excessive anxiety na nararanasan ng buntis. Ito ang nagiging dahilan kung bakit nanaginip siya ng mga nakakastress na bagay o pangyayari. Kabilang na ang pangangaliwa ng kaniyang asawa.
Ayon naman sa dream expert na si Alice Sottochero, ang pananaginip ng buntis tungkol sa pangangaliwa o cheating ng kaniyang asawa ay may kaugnayan sa kung paano niya tingnan ang kaniyang sarili.
Ito ay palatandaan din na siya ay may mababang self-esteem. Ito ay dahil sa mga pisikal na pagbabago sa kaniyang katawan dahil sa pagbubuntis.
Tulad na lamang ng dagdag na timbang, pagiging dry ng balat, paglalagas ng buhok at pagkakaroon ng pimples sa mukha dahil sa hormonal changes na kaniyang nararanasan.
Palatandaan din ito ng mababa niyang self-esteem
Maliban sa pagbabago sa katawan ng buntis, ang panaginip ng cheating ay naiiugnay rin sa kasulukyang estado ng relasyon nilang mag-asawa. Ito ay dahil natatakot siya na baka makaapekto ang pagbabago sa kaniyang itsura sa pagsasama nila.
Buntis at ito ang iyong naiisip? Maaaring nasa isip mo lang iyan at labis kang nag-aalala.
Paano naman kung ikaw na buntis ang nanaginip na nagtsi-heat? Bagama’t nakakabahala, ayon sa isang pag-aaral ay walang dapat ipag-alala.
Sapagkat karamihan ng mga panaginip ng buntis ay nagtataglay ng negative elements. Maaaring ito ay nakakatakot, masakit o nakakagalit.
Habang nagde-develop o nagpapatuloy ang pagbubuntis ang mga panaginip na ito ay mas nagiging negatibo at akala mo ay parang totoong-totoo.
BASAHIN:
Natanggalan ng ngipin sa iyong panaginip? Ito umano ang maaaring kahulugan, ayon sa mga eksperto!
Wet dreams? 9 na panaginip tungkol sa pagtatalik at mga ibig sabihin nito
8 bagay na puwedeng gawin para maayos ang pagsasama na nasira dahil sa cheating
Ano ang dapat gawin kung nanaginip tungkol sa cheating?
Ang una mong dapat gawin ay ang kausapin ang iyong mister tungkol sa mga panaginip na ito. Wala kang dapat ipag-alala o ikahiya. Sa katunayan, makakatulong ito para gumaan ang pakiramdam mo.
Maaari ring ibahagi ito sa isang kapamilya, kaibigan o isang eskperto tulad ng doktor o isang psychologists. Sa ganitong paraan, mailalabas mo ang worries mo at mababawasan ang bigat ng nararamdaman mo.
Makakatulong din na bago matulog sa gabi ay pakalmahin ang iyong isip. Magsagawa ng mga relaxation techniques para maiwasang managinip ng masama o bangungutin.
Maliban sa mga nabanggit ay narito pa ang ilang paraan para maiwasang magkaroon ng mga kakaibang panaginip. Ganoon din upang magkaroon ng maayos at mahimbing na tulog. Ang mga ito ay ang sumusunod:
Tips para magkaroon ng mahimbing na tulog sa gabi
- Iwasan ang pag-inom ng labis na tubig sa gabi. Ito ay para hindi masyadong maging madalas ang pagtayo at paggising sa gabi para umihi. Dahil ang madalas ng pag-ihi ay makakaistorbo sa pagkakaroon mo ng maayos na tulog.
- I-adjust ang room temperature ng inyong kwarto para maging komportable.
- Patayin ang mga gadgets o electronic devices para hindi maistorbo ang iyong tulog.
- Iwasan ang pagtulog ng masyadong mahaba sa araw upang hindi mahirapang matulog sa gabi.
- Gumawa ng fun activity bago matulog. Gaya na lang ng pagbabasa ng libro, pakikinig ng music at paghinga ng malalim.
- Magpakonsulta at humingi ng ibang tips sa iyong doktor kung paano makakatulog ng mas mahimbing sa gabi. Ganoon din sa kung paano makakaiwas na magkaroon ng kakaibang panaginip.
Nasagot ba ang katanungan mo tungkol sa kahulugan ng panaginip tungkol sa cheating? Kung buntis ay maari ka ng mag-relax sa ngayon pero para mas makasiguro ay mas mainam na makipag-usap na kay mister.
Source:
Romper, Very Well
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!