STUDY: Pagtingin ng baby may kahulugan daw ayon sa experts

Alam niyo ba na may kahulugan ng tingin ng baby sa atin? Alamin kung ano ito ayon sa mga eksperto sa artikulong ito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Talaga nga namang nakakatuwa ang mga bagay na ginagawa ng mga sanggol. Lalo kung sila ay nakikipag-interact sa atin. Ang kanilang pagtawa ay nakakapagod ay nakakapawi ng pagod.  Pero ang pag-iyak naman nila ay nakakatunaw ng puso.

Siyempre kapag sa simpleng pagtitig nila ay nakakatuwa tila parang may gusto sila sa ating sabihin. Alam mo bang ang pagtitig pala nila ay mayroon umanong kahulugan ayon sa experts?

Mga mababasa sa artikulong ito:

  • Ano ang kahulugan ng social referencing at anong koneksyon nito sa pagtingin ng bata?
  • Mga laruang nakatutulong sa development ng bata

Kahulugan ng tingin ng baby: Ano ang kahulugan ng social referencing at anong koneksyon nito sa pagtingin ng bata?

Larawan mula sa Shutterstock

Sa tuwing tumitingin ang bata ay paraan nila ito upang makipag-usap dahil wala pa silang kakayahang magsalita. Maraming ibig sabihin ito, maaaring gusto nilang malaman kung ano iyong bagay na kanilang nakita, narinig, o naamoy.

Pwede rin namang nanghihingi siya ng tulong sa kung paano ang dapat niyang iaakto sa partikular na kaganapang hindi siya pamilyar. Dito papasok ang malaking role ng parents sa pagtugon sa ganitong scenario.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang social referencing ay ang tool na nakatutulong sa bata upang malamang kung ang environment ay ligtas o hindi. Ito ay tumutuwang upang ma-navigate nila ang comolex na mundo. Kadalasang nade-develop ito sa edad na unang taong gulang ayon sa isang journal ng Infancy.

Halimbawa ay kung ang isang laruang tumutunog at narinig ng bata ay titingin ito sa kanyang mga magulang. Ito ay paraan nila para malaman kung ligtas o hindi ang isang bagay. Pupuntahan ito ng bata kung ngingiti ang magulang at iiwasan naman kung sila ay hindi ngingiti.

Malaki ang maitutulong ng mga laruan para sa social referencing ng bata. Partikular na dito ang mga robots o mga remote control toys.

Ayon sa eksperto, ang mga laruang ganito raw kasi ay nagbibigay ng unpredictability.  Halimbawa ay kung gagalaw ang robot ay maeengganyo ang bata na tumigin nang madalas sa kanyang mga magulang. Nagbibigay rin kasi ito ng cause-and-effect play activity.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kahulugan ng tingin ng baby: Photo by Daniel Reche

Mga laruang nakatutulong sa development ng bata

Ang paglalaro ay common na gawain ng bata. Lingid sa kaalaman ng lahat hindi lang pang-aliw at pampalipas ng oras ang paglalaro para sa mga baby.

May iba’t ibang benefits at purpose din ito sa kanilang development. Maaaring mapaunlad nito ang physical, emotional, at mental growth nila. Para malaman kung ano-ano ang larong nakabubuti sa kanila ito ang ilang laro na pwedeng subukan:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

1. Music and songs

Fun at sobrang entertaining ang paglalaro with music and songs. Nadedevelop nito ang hearing ni baby dahil sa mga kanta. Nagagawa nilang marecognize sa murang edad ang iba’t ibang  melody at rhythm. Habang sa pagsayaw naman ay napauunlad ang physical growth dahil sa kanilang paggalaw ng kanilang katawan.

Pwedeng gawin ng parents ay i-tap ang tummy ni baby habang pinatutugtog ang kanta o tunog. Maaari ring isabay ang paggalaw sa kanya sa rhtyhm nito.

BASAHIN:

STUDY: Epekto ng baby talk sa mga sanggol, nakabubuti!

Sanggol na nasawi habang nasa sinapupunan ng ina, napugutan pa ng ulo ng maipanganak

Sanggol hindi man lang napangalanan ng mga magulang niyang nasawi dahil sa COVID-19

2. Peekaboo

Sure kang maririnig ang giggle ni baby dito. Bukod sa engaging both sa parents at baby good din ito para sa kanilang development.

Napauunlad nito ang social development dahil nagkakaroon siya ng ideya sa interaction with the people. Bukod dito, masasama rin ang development nila sa aspeto ng emotional, lalo’t nag-eenjoy sila dito.

Halimbawa ay nasa good mood si baby, maaaring gawin ang peekaboo para mauplift lalo ang kanyang emosyon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

3. Gentle tickles

Kahulugan ng tingin ng baby: Larawan mula sa Shutterstock

Hindi lang peekaboo ang makakapagbigay ng giggle sa iyong baby, pwede rin ang mga gentle tickles. Nade-develop nito ang kanyang sense of touch.

Ang mga bagay na may iba’t ibang textures ay pwedeng gamitin. Gaya na lamang ng feathers, foam at ano pang material na pwede sa kanyang skin.

4. Shapes and colors

Good investment ang mga laruang nag-eengage sa shapes and colors. Nadedevelop kasi nito ang recognition ng bata sa iba’t ibang basic na mga hugis at kulay habang bata pa. Maging ang reach at grasp ay napapractice rin ng mga laruang ito. Getting ready na rin ito para sa pagpasok niya sa eskwelahan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang mga laruang tulad ng cubes, blocks, at puzzles na may kasamang halo-halong kulay ang maaaring ipalaro.

5. Big toys

Pwede nang hayaang subukan nila ang malalaking laruan. Mate-train kasi sila dito ang kanilang pisikal na katawan. Mapa-practice si baby sa paggapang, pagtayo, at maging paglalakad.

Ang mga laruang tulad ng bola at malalaking kahon ay makatutulong din.

 

 

Sinulat ni

Ange Villanueva