Nasawi sa sinapupunan at napugutan ng ulo ang baby, ito ang nangyari sa isang sanggol sa Abra. Ina ng sanggol hindi daw nasabihan na napugutan ng ulo ang anak niya.
Sa artikulong ito ay mababasa ang mga sumusunod:
- Kuwento ng napugutan ng ulo ang baby sa Abra.
- Ano ang stillbirth at paano ito maiiwasan.
Nasawi sa sinapupunan at napugutan ng ulo ang baby
Background photo created by v.ivash – www.freepik.com
Ito ang malungkot na kinahantungan ng isang sanggol sa Bangued, Abra. Ang sanggol ay ipinanganak sa Abra Provincial Hospital. Ayon sa mga opisyal ng ospital patay na sa sinapupunan ng kaniyang ina ang sanggol. At para mailigtas ang kaniyang ina sa peligro ay ginawa nila ang lahat para maipanganak ng ina ang kaniyang stillborn baby.
Pero ayon sa ina ng sanggol hindi siya nasabihan na napugutan ng ulo ang baby niya. Ang alam niya lang ay nasawi umano ito habang nasa kaniyang sinapupunan. Nalaman niya nalang ang nangyari at sa pagkakapugot sa ulo nito maiuwi na nila sa bahay ang bangkay ng kaniyang sanggol.
Kaya naman dahil dito ay magsasampa ng reklamo ang ina sa kinahinatnan ng anak niya. Handa naman daw itong tanggapin at harapin ng mga opisyal ng ospital na pinag-anakan ng sanggol.
Sa ngayon ay wala pang tukoy na impormasyon kung paano napugot ang ulo ng sanggol. Wala paring malinaw na detalye kung ano talaga ang nangyari o gaano kalala ang naging damage sa ulo nito. Pati na ang tunay na dahilan ng pagkakasawi nito sa loob ng sinapupunan ng kaniyang ina.
Ano ang stillbirth?
Base sa data na nakalap ng UNICEF nitong 2019, nasa 2 milyon ang naitalang kaso ng stillbirths sa buong mundo. Nasa 29,758 sa mga kasong ito ang nagmula sa Pilipinas. Ayon sa CDC, ang stillbirth ay tumutukoy sa pagkamatay ng sanggol matapos ang 28 weeks ng pagbubuntis. Ito ay maaaring bago o habang siya ay ipinanganak.
Maraming iniuugnay na dahilan kung bakit nakakaranas ng stillbirth ang isang buntis. Ayon sa CDC maaaring ito’y dahil sa sumusunod:
- Pagkakaroon ng mga medical conditions tulad ng pagiging obese, pagkakaroon ng diabetes at high blood pressure.
- Pregnancy conditions tulad ng pagbubuntis ng higit sa isang sanggol.
- Pagkakaroon ng liver condition na kung tawagin ay intrahepatic cholestasis of pregnancy o ICP.
- Pagkakaroon ng impeksyon ng ina, ni baby o ng placenta.
- Komplikasyon sa naunang pagbubuntis tulad ng premature birth, preeclampsia o fetal growth restriction. O kaya naman ay pagkakaranas na ng stillbirth o miscarriage sa nakalipas na pagbubuntis.
- Edad ng babae, kung siya ay mas bata sa 20-anyos at higit sa 35-anyos na.
- May bisyo tulad ng pag-inom ng alak, paninigarilyo at paggamit ng bawal na gamot.
- Na-expose sa mga uri ng polusyon o kemikal habang nagbubuntis.
Baby photo created by Racool_studio – www.freepik.com
BASAHIN:
Is it possible to get pregnant after period ends? Here’s what you must know
STUDY: Stillbirth mas mataas ang tiyansang maranasan ng buntis na nakakaranas ng stress at pang-aabuso
Study finds one cup of coffee a day may increase risk of stillbirth
Paano maiiwasan ang stillbirth?
Samantala, para maiwasan ang stillbirth ay narito ang limang hakbang na dapat gawin ng isang babaeng nagdadalang-tao.
Kids photo created by serhii_bobyk – www.freepik.com
- Magpa-prenatal checkup upang masubaybayan ang kalusugan at kalagayang ng ipinagbubuntis na sanggol.
- Agad na sumailalim sa treatment kung may nararanasang medical condition.
- Siguraduhing nasa malusog na timbang bago magbuntis.
- Regular na magpa-checkup para masiguradong nasa ayos o walang problema ang pagbubuntis.
- Bantayan ang bilang ng sipa o pag-galaw ng sanggol.
- Huwag manigarilyo, uminom ng alak at gumamit ng bawal na gamot habang nagdadalang-tao. Ang mga nasabing bisyo ay may malaki at masamang epekto sa buhay ng pinagbubuntis na sanggol.
- Kung makaranas ng pananakit sa tiyan o pagdurugo sa pwerta ay agad na ipaalam sa iyong doktor.
- Subukang manganak sa tamang oras o due date na magagawa sa pamamagitan ng pagsunod sa mga payo ng iyong doktor.
Para sa dagdag na kaalaman tungkol sa stillbirth at paano ito maiiwasan ay makibahagi sa aming Project Sidekicks. Tumutok lang sa theAsianparent app, website at Facebook account para sa mahahalagang impormasyon upang maiwasan ang stillbirth at masigurong magiging malusog ang iyong pagdadalang-tao.
Source:
GMA, CDC, Healthline
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!