Paulit-ulit na sinasabi ng mga duktor ang importansya ng tamang pagkain sa kalusugan ng bata. Kinakailangan kasi nila ng tamang nutrisyon sa kanilang development at paglaki.
Mababasa sa artikulong ito:
- Vitamin deficiency
- Maaari bang mabalik ang kaniyang paningin?
- 4 na sintomas ng kakulangan sa bitamina A
- Payo sa mga magulang
Mayroon kasing mga masamang epekto kapag nagkukulang ang kinakain ng mga ito. Ito ang masaklap na nangyari sa isang 11-taong bata dahil sa kakulangan sa Bitamina A.
Vitamin deficiency
Ayon sa isang ulat na lumabas kamakailan, isang 11-taong gulang na lalaki ang unti-unting nawala ang kaniyang paningin dahil sa kakulangan sa Bitamina A.
Mayroon kasing allergy sa pagkain ang bata na nagiging sanhi ng eczema. Sa kagustuhang makontrol ang allergy ng bata sa pagkain at ang eczema nito, nagdesisyon ang nanay ng bata na limitahan ang mga kinakain ng kaniyang anak.
Kumakain lang ang bata ng mga pagkain na hindi siya allergic katulad ng baboy, lamb, patatas, mansanas, pipino, at Cheerios (cereals).
Dahil sa kakulangan ng ibang masusustansiyang mga pagkain katulad ng mga gulay, lubhang nagkukulang sa sustansya ang pagkain ng bata.
Kinalaunan, dinala ang bata sa isang ospital sa Toronto, Canada. Sa pag-aaral ng mga doktor, napag-alaman nilang naranasan ng bata ang mga sumusunod na sintomas:
- Unti-unting pagkawala ng paningin
- Night blindness o hindi na makakita pag-gabi
- Sensitibo sa ilaw
- Dry eyes
Ayon sa isa sa mga doktor na tumingin sa bata na si Dr. Dustin Jacobson, lubha umano kasi ang eczema na nararanasan ng bata tuwing may allergic reaction ito sa pagkain.
Karaniwan nang tinatanggal ang ibang mga pagkain na nagiging sanhi ng allergy sa diet ng pasyente. Mas lalo na ang mga pagkain na madaling maka-trigger ng allergic reaction tulad ng soy, milk, at peanuts.
Ganito naman ang ginawa ng nanay ng bata dahil nga sa lubhang epekto ng mga pagkain sa anak niya. Ngunit sadyang sobrang nalimitahan ang kinakain nito, bukod pa sa mapili ito sa pagkain.
Sa kasamaang palad, huli na nang madala siya sa ospital para matignan. Naging malabo na nang tuluyan ang kaniyang paningin at nakikita na lamang ang mga bagay na 30 cm ang layo mula sa kaniyang mukha. Sa depinisyon ng batas ay legally blind na. Nang lumaon, tuluyan nang nawala ang kaniyang paningin.
Maaari bang mabalik ang kaniyang paningin?
Matapos ma-diagnose ng maayos ang kaniyang karamdaman, sinimulan ang bata na bigyan ng supplements ng Bitamina A. Binigyan siya ng dalawang mega dose ng Bitamina A ng dalawang araw at saka inulit ito muli matapos ang dalawang linggo. Ang isang mega dose ay naglalaman ng 100 times na suggested na daily intake ng Bitamina A.
Ayon sa doktor, bumuti ang lagay ng paningin ng pasyente ngunit hindi pa alam kung tuluyan na maibabalik ang kaniyang paningin. Dagdag pa niya na may posibilidad na habangbuhay na ang pasyente na may visual impairment.
Sa mga pag-aaral, sinasabing ang paglabo ng mata ay puwedeng ma-correct ngunit sa kaso ng pasyente masyadong matagal bago ito natignan ng mga doktor kaya walang kasiguruhan ang paggaling nito.
BASAHIN:
7 na mga pagkain na mayaman sa VITAMIN D
STUDY: Pagkain ng chocolate ng bata, nakabubuti sa kanilang brain!
Mahilig mag-gadget ang bata? Ito ang masamang epekto nito sa kaniyang mga mata
4 na sintomas ng kakulangan sa bitamina A
Narito ang ilang sintomas ng kakulangan sa bitamina A na dapat niyong malaman.
1. Dry Skin
Napakahalaga ng Vitamin A para sa re-creation at pag-repair ng skin cells natin. Nakakatulong din ito upang labanan ang inflammation o pamamaga ng balat dahil sa ilang skin issues.
Ang hindi sapat na pagkonsumo ng vitamin A ay maaaring ay maaaring mauwi sa pagkakaroon ng eczema at iba pang sakit sa balat.
Ang Eczema ay isang kundisyon sa balat kung saan nagiging dry, makati, at inflamed ang balat. Ilang mga clinical studies ang nagpapakita na ang alitretinoin, isang prescription medication na may vitamin A ay makakatulong at epektibong gamot para sa eczema.
Sa isang 12-week study, ang mga taong may chronic eczema na uminom ng alitretinoin na may 10-40mg kada araw ay nakaranas ng 53% na reduction sa kanilang sintomas.
Tandaan na ang dry skin ay maraming sanhi, pero ang pagkakaroon ng chronic vitamin A deficiency ay maaaring isa sa mga dahilan nito.
2. Dry Eyes
Larawan mula sa Shutterstock
Ang pagkakaroon ng eye problem katulad na nga nangyari sa 11-anyos na bata ay maaaring sanhi ng pagkakaroon ng vitamin A deficiency.
Sa ilang mga malalalang mga kaso, ang hindi pagkakaroon ng sapat ng vitamin A sa katawan ay maaaring magdulot ng tuluyang pagka-bulag o pag-dry ng corneas ng mga mata, na nangyari sa sa bata.
Ang pagkakaroon ng dry eyes o hindi pagkakaroon ng abilidad para makapag-produce ng luha, ay isa sa mga unang senyales ng vitamin A deficiency.
3. Night Blindness
Isa pa sa mga sintomas at senyales na may kakulangan sa bitamina A ay pagiging night blindness.
Ilang mga pag-aaral ang nagsabi na mayroon umanong mataas na report patungkol sa prevalence ng night blindness sa ilang mga bansa.
Dahil sa extent ng problemang ito, gumawa ng paraan ang mga health professional para ma-improve ang vitamin A levels sa mga taong mataas ang risk sa pagkakaroon ng night blindness.
Sa isa pang pag-aaral na ginawa, ang mga babaeng may night blindness ay binigyan ng bitamina A. Sa pamamagitan ng food supplements. Ang forms ng vitamin A ay nakapagpa-improve sa kanilang kundisyon.
4. Throat and Chest Infections
Ang pagkakaron ng madalas ng throast at chest infection ay maaaring sanhi din ng kakulangan sa bitamina A. Ang mga vitamin A supplements ay makakatulong para sa mga respiratory tract infections. Subalit hati ang mga pag-aaral patungkol rito.
Isang study ng sa mga bata ang ginawa sa Ecuador na nagpapakita na ang mga underweight na bata na nagkonsumo ng 10,000 IU vitamin kada linggo ay may fewer respiratory infections.
Samantala, isang review ng mga study sa mga bata ang isinigawa at nalaman nilang ang vitamin A supplements ay maaaring makapagpataas ng risk para sa developing throat at chest infection ng 8%.
Inirerekomenda ng mga awtor na ang supplements ay dapat lang ibigay sa mga totoong may deficiency.
Payo sa mga magulang
Kung mayroon mang aral na makukuha sa insidenteng ito, ito ay ang pagiging strikto na masustansiya dapat ang kinakain ng mga anak. Ang kakulangan ng Bitamina A ay nakakaapekto sa kalusugan ng mata, balat, at immune responses. Inilista namin para sa inyo ang mga pagkain mataas ang Bitamina A.
Larawan mula sa Shutterstock
Ilan sa mga pagkain na rich sa Bitamina A ay:
- Kalabasa
- Kamote (may balat pa)
- Dilaw o orange na mga gulay
- Green leafy vegetables
- Gatas
- Keso
- Liver
- Itlog
- Mangga
- Brocolli
- Dried apricots
- Tomato Juice
- Mackerel
- Salmon
- Tuna
- Butter
Tandaan mahalaga pa rin na balanse ang sustansiyang natatanggap ng ating mga anak. Kung mayroon siyang allergy sa pagkain mainam na kumonsulta sa doktor para malaman anong dapat gawin sa diet ng iyong anak para hindi siya makulangan ng sustansiyang kailangan niya.
Sources:
JAMA, Global News, Healthline
Isinalin sa wikang Filipino ni Candice Venturanza mula sa artikulong mula sa theAsianparent Singapore
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!