Nagkaroon na ng mga stereotype pagdating sa mga hot dads. Karamihan daw kasi sa kanila ay hindi fully-committed sa kanilang mga pamilya. Marami rin sa kanila ang kadalasang nangangaliwa. Pero gaano nga ba katotoo ito at ano nga ba ang mga katangian ng isang mabuting ama?
Bakit nga ba mas mabuti raw ang ama kapag hindi masyadong attractive?
Ayon sa research ng ilang psychologists, mayroong mga pag-aaral na nagli-link sa parenting at self-perceived attractiveness. Ang pagkakaroon daw kasi ng mindset na importante ang iyong looks ay isang implikasyon na gusto mong magkaroon ng maraming tyansa sa short term relationships.
“Men who perceive themselves as less attractive may devote more effort to parental care and less effort to short-term mating.”
Sinasabi rito na ang mga amang masyadong conscious sa kanilang pansariling katangian ay kadalasan ding nawawalan ng time at effort para sa pamilya.
Nagiging rason kasi ito ng pagiging narcissist o makasarili ng isang tao.
Katangian ng isang mabuting ama
Image from Freepik
Pero sa totoo lang, ang pagmamahal ng ama ay pagmamahal ano pa man ang sinasabi sa mga pag-aaral o research. Kaya mong mag-adjust para sa mga taong mahal mo. Kaya naman kung gusto mong maging mabuting ama, narito ang ilang mga bagay na puwede mong gawin.
1. Mahalin ang iyong asawa
Unang-unang katangian ng mabuting tatay ay pagiging mapagmahal nito. Mahalin ang iyong asawa nang walang reserbasyon—hindi mo magagawa ang higit pa para sa iyong mga anak kaysa rito. Kung hiwalay ka na, tratuhin pa rin nang may paggalang ang ina ng iyong mga anak.
2. Mahalin mo ang iyong mga anak nang walang pasubali
Tiyaking alam ng iyong mga anak na mahal mo sila kahit na ano mang mangyari. Huwag malito at ikumpara ito sa tinatawag na “permissiveness,” sapagkat ang pag-ibig na walang kondisyon ay hindi ine-encourage ang maling uri ng pag-uugali.
Sa katunayan, ang mga bata na secure sa pag-ibig ng kanilang tatay ay may posibilidad na kumilos nang mas kaunti at naaayon, hindi higit pa.
Image from Dreamstime
3. Umastang grown up at maging magandang modelo o halimbawa
Ang mga bata ay hindi kailangan ng isa pang kaibigan. Kailangan nila ng tatay, ng magandang halimbawa. Nais ng mga anak ay ang isang tatay na iniisip ang mga bagay-bagay nang mabuti, gumawa ng mga mahihirap na pagpapasya, at nakikibahagi sa buhay na may responsibilidad—isang tatay na maaari nilang asahan, masandalan, at magabayan sila.
Ang isang tatay ay nagpapakita ng pagmamahal, pakikiramay, at pasensya hindi lamang sa kanyang pamilya, kundi sa mga tao sa kabuuan.
4. Maging available para sa mga anak
Ang “quality time” ay maganda naman talaga at ito ang nararapat sa isang relasyon, pero walang-wala ito sa “quantity time.” Maglaan ng oras. Ang bawat tao’y may pare-parehong 24 na oras na nagagamit. Kung kaya’t ang sa iyo “make it count.” Isang nakamamahang katangian ng mabuting tatay ay ang talento nito kung paano balansehin ang kanyang oras.
5. Mag-provide para sa pamilya
Mag-provide as much as you can, ika nga nila. Ang materyal na bagay ay maaaring maging mahirap kapag ang trabaho ay biglang nawala at kung bigla ngang dumaan sa isang mahirap na panahon ang pamilya.
Gayunpaman, maaari ka pa ring magbigay o magtayo ng isang matatag na tahanan na may pag-ibig at pagmamahal.
6. Katangian ng mabuting tatay ang disiplinahin ang mga anak
Pinahahalagahan ng mga bata ang isang pantay na pagdidisiplina, balanse, may pananagutan, at kahit na ang “tough love” kung tawagin.
Image from Dreamstime
7. Ipakita ang kahalagahan ng edukasyon
Huwag lamang basahin sa kanila; basahin kasama nila. Huwag mag-alala tungkol lamang sa mga marka nila sa paaralan; makisali rin sa kanilang mga homework o assignment. At huwag lamang pag-usapan ang tungkol sa pag-aaral o karunungan; maging tagapagtaguyod mismo nito.
Ika nga nila, “Be always present when it comes to your children’s education.”
8. Palakihin ang mga anak nang maayos upang maging ready sila pag-alis nila ng bahay
Palakihin ang mga bata ng maayos at well-equipped sa buhay upang maging ready umalis ng bahay at maging matatag sa pag-establish nila ng sarili nilang mga buhay.
9. Turuan silang maging responsableng mga tao
Ang mga bata na natututo kung paano iwasan ang responsibilidad at iwasan ito ay kalaunan na babagsak sa kanilang mga sarili. Tinitiyak ng mapagmahal na mga tatay na alam ng kanilang mga anak kung paano mag-own up sa kanilang mga sarili, mag-clean up ng kanilang mga kalat sa buhay, at siyempre magpatuloy sa buhay pagkatapos. Katangian ng isang ama na itama ang mga magagawang mali ng isang anak.
10. Turuan silang mahalin ang buhay na ito at ang buhay nila
Katangian rin ng isang ama ang pagiging pinakamahusay na prediktor ng kaligayahan sa mga bata at kaligayahan sa kanilang mga magulang. Kung matututunan natin kung paano mahalin ang buhay na ito at pagkatapos ay ibigay ang blessing na iyon sa ating mga anak. Magiging handa sila at malalaman nila kung ano talaga ang tunay na kaligayahan na may satisfaction.
Ang pagiging isang ama ay nangangailangan ng emosyonal na pamumuhunan. Mahalin ang iyong pamilya dahil regalo sila sa iyo ng mundo.
Source:
Psychology Today
Basahin:
7 bagay na ginagawa ng mga magulang na may successful na anak
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!