May bagong kidnapping modus sa mga bata online! Ito ang babala ng isang magulang na ibinahagi ang karanasan niya at ng kaniyang anak.
Posibleng bagong kidnapping modus gamit ang online game na Minecraft
Image from NY Post
Trending ngayon sa social media ang isang paalala mula sa isang magulang na may anak na Grade 5 student mula sa isang exclusive all-boys school dito sa Pilipinas. Base sa paalala, ang kaniyang anak muntik ng maging biktima ng posibleng bagong kidnapping modus. Ito’y sa pamamagitan ng online game na paborito niyang laruin, ang Minecraft.
Ayon sa paalala ng naturang magulang na makailang ulit naring naibahagi sa social media, katabi niya ang anak ng matuklasan ang bagong kidnapping modus gamit ang online game na Minecraft. Mabuti na lamang habang nilalaro ng bata ang online game, gumagamit pala ito ng online voice chat ang kaniyang anak. Kaya naman naririnig niya ang mga pag-uusap ng kaniyang anak at mga kalaro nito.
Babala mula sa karanasan ng isang magulang at kaniyang anak
“Hi Parents. Just want to share with you all what happened tonight. My son Clark was playing Minecraft using his iPad and meron siyang online voice chat. He usually plays Minecraft and use voice chat with children from other countries playing Minecraft din. As we all know internet dami na nagagawa.”
Ito ang bungad na pahayag ng magulang. Pero ng gabing iyon ay natatangi at kakaiba. Dahil ayon sa concerned na magulang, may kalaro at kausap ang anak na isang matanda. Isang bagay na naging kahina-hinala para sa kaniya.
“Pero tonight he was chatting with this guy and I was beside him that’s why I overheard the conversation. The guy sounded like 30 yrs. old or something and I was wondering why would a man at this age play Minecraft.”
Kalaro ng anak sa online game nanghihingi ng personal information nito
Image from Freepik
Mas lalo umanong nakuha ang atensyon niya ng mag-tagalog na ang kausap ng anak; nagsimula umanong magtanong ang kausap ng kaniyang anak, sunod-sunod ang pagtatanong na iyon na labis niyang ikinabahala.
“Afterwards nagtagalog ‘yung lalake so I realized Pilipino ‘yung kausap ni Clark. Then the guy started to ask Clark personal questions like do you have a Facebook account. Saan ka nakatira, ano work ng mama and papa mo, sino madalas mo kasama sa bahay and the last question was kelan wala dyan parents mo punta ako laro tayo.”
Dahil sa nababahala na sa naririnig, dito na kinuha ng ama ang iPad mula sa kaniyang anak. Saka siya naman ang nagtanong. Dito niya narinig ang usapan sa kabilang linya ng kalaro at kausap ni Clark na nagbigay sa kanya ng ideya na posibleng bagong kidnapping modus ito sa mga bata.
Agad din nitong pinutol ang usapan ng malamang katabi niya ang anak
“That’s the time na kinuha ko iPad nya and I ask the guy “ilang taon ka na?” Then he was talking to another person he said, “Pre katabi ‘yung Tatay.” Then the other guy from the background said “ala na ‘yan, hanap ka ng iba”, then he disconnected from the game.”
Kaya naman ang karanasan nais niyang ibahagi at maging babala sa ibang mga magulang.
“Just want to give you all a warning especially if your children are playing online games. I’m pretty sure you all know what I’m talking about and what could possibly happen.”
Sa ngayon ay patuloy pang biniberipika at iniimbestigahan ang detalye mula sa kumakalat na text at post na ito sa social media. Pero mula sa ibinahaging karanasan nang nasabing magulang ay mabuting bigyan din natin ng dagdag na pansin ang paglalaro ng ating mga anak online o ang interactions nila sa internet. Kaya naman mabuting isaisip at isagawa ang tips na ito kung paano mapoprotektahan ang iyong anak mula sa online predators o mga masasamang loob na ginagamit ang internet para isagawa ang kanilang mga krimen.
Paano mapoprotektahan ang iyong anak mula sa online predators
Image from Freepik
1. Kausapin ang iyong anak tungkol sa online predators.
Para maging aware ang iyong anak sa panganib na dala ng online predators ay kailangan mo siyang kausapin tungkol rito. Ipaliwanag sa kaniya ang panganib o masamang hangarin nila gamit ang mga halimbawa o karanasan ng ibang bata na makaka-relate siya. Ipaalala rin sa kaniya na minsan ang mga ito ay maaaring magpanggap na kapwa niya bata kaya dapat maging maingat sa kaniyang mga nakakausap online na hindi niya kilala. Kaya naman paulit-ulit na ipaalala sa kaniya para makaiwas na mabiktima ng mga ito ay huwag basta makikipag-usap o magbigay ng impormasyon sa mga taong hindi niya kilala. Ganoon din ang pagse-send ng kaniyang mga litrato sa mga ito.
2. I-discuss sa iyong anak sa panganib ng chatrooms sa mga online networking sites o apps.
Dahil sa nakokontak ng online predators ang mga bata online gamit ang chatrooms, mabuting paalalahan ang iyong anak sa paggamit nito. Makakatulong ang pag-i-install ng voice chat software sa gadget ng iyong anak o pag-iencourage sa iyong anak na gumamit nito. Ito ay para marinig mo ang mga pag-uusap ng iyong anak sa mga taong nakakausap niya online. Upang abantayan mo kung may mga pag-uusap ba silang dapat mong ikabahala o wala.
3. Maglagay ng surveillance software sa gadget ng iyong anak.
Kung mas nais na makasigurado o pakiramdam mo ay may sinisekreto ang iyong anak sa mga action o activity niya online ay mas mabuting lagyan ng surveillance software ang gadget niya. Sa ganitong paraan ay ma-monitor mo ang kaniyang mga ginagawa online. Ngunit mabuting siguraduhin mo na hindi niya ito alam upang wala siyang maitago sa ‘yo.
4. Sabihin at siguraduhin sa iyong anak na maaari siyang makipag-usap sa ‘yo sa lahat ng oras.
Para hindi magtago o magsikreto sa ‘yo ang iyong anak ay mabuting iparamdam sa kaniya na handa kang makinig o makipag-usap sa kaniya sa lahat ng oras. Iparamdam sa kaniya na puwede siyang magtanong sa ‘yo sa lahat ng oras at puwede siyang magsabi sa ‘yo ng mga problema at matutulungan mo siyang malutasan ito. Makakatulong din ng maglaan ng oras o makipaglaro sa iyong anak gamit ang kaniyang paboritong online app o game. Ito ay para malaman mo kung paano isagawa at upang maka-relate ka sa mga nararanasan niya rito.
5. Limitahan ang paggamit ng gadget o pagiging online ng iyong anak.
Kung gusto mong mas makasigurado na ligtas sa kaniyang online activity ang iyong anak ay payagan lang siyang gawin ito sa tuwing kasama ka. Ito’y upang mabantayan mo ang kaniyang ginagawa. O kaya nama’y limitahan o orasan lang siya sa paggamit nito. Upang mabalanse ang kaniyang oras sa ibang bagay na dapat niyang gawin tulad ng kaniyang mga aralin.
Source:
BASAHIN:
Huwag hayaang masira ang mata ng anak mo dahil sa online classes
Parents’ Guide: Tips sa pag-intindi at pagturo ng learning modules sa mga bata
Teachers to parents: ‘Wag po niyong sagutan ang modules para sa anak ninyo