X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

First time may sleepover ang inyong anak? 4 advice na dapat tandaan ng mga parents

4 min read

Kung nagpapasya na ang inyong kids for a sleepover narito ang ilang advice para maging safe at fun ang kanilang experience.

Mababasa sa artikulong ito:

  • First time may sleepover ang inyong anak? 4 advice na dapat tandaan ng mga parents

First time may sleepover ang inyong anak? 4 advice na dapat tandaan ng mga parents

kids sleepover

Narito ang ilang guide kung dapat na bang payagan ang kids sa isang sleepover. | Larawan mula sa Pexels

Hindi mananatiling bata ang iyong anak. Sa paglipas ng panahon, kasabay ng paglaki ng kanyang pisikal na pangangatawan ay ang kanyang pagma-mature. Makikita mong maraming changes ang kanyang pagdadaanan physically, emotionally, at mentally. For parents, mahalaga na ine-expect at ini-embrace ang ganitong kaganapan dahil parte ito ng kanilang development.

Kabilang sa changes na iyan ang pagsisimulang matutunan ng iyong anak na malayo sa inyong piling. Natutunan nilang maging independent sa ilang pagkakataon. Magandang opportunity ito dahil nalalaman niya ang ilang life skills na helpful sa kanya lalo kung wala ka sa kayo sa kanilang tabi.

For sure, maririnig mo diyan ang kanilang pagpapaalam sa isang overnight with friends. Hindi dapat ito maging daan upang pagalitan o awayin ang anak, maaari pa nga itong maging chance sa isang conversation. Ang pagtatanong niya kasing ito ay nangangahulugang handa na siya na mag-explore sa ibang bagay sa sarili niyang paa.

Mayroon kasing sariling pagpapasya sila kung kailan nila gusto itong simulan.

“It’s not necessarily about the age, but more about the readiness.”

Ayon sa isang licensed marriage at family therapist na si Megan Romano.

kids sleepover

Magandang pinapayagan ang anak sa sleepover para maging independent. | Larawan mula sa Pexels

 

Para naman kay Linda Snell, isang licensed clinical social worker, positibong senyales daw kung ang bata ang nauunang mag-explore. Kung nararamdaman mong unti-unti siyang umaalam ng mga unfamiliar space ay mabuting attitude raw ito,

 “A child who demonstrates confidence in their ability to navigate new, unfamiliar spaces with a curious attitude while being able to follow directives is a positive sign of readiness.”

Kung sakali namang nagwo-worry ka pa rin kung dapat bang payagan ang anak, ito ang mga kailangan tignan upang malaman kung handa na siya:

  • Nakakatulog ang bata nang mag-isa at hindi na nangangailangan pa ng bantay.
  • Kaya na niyang mag-solve ng problema nang mag-isa.
  • Dapat ay hindi siya nagigising sa gabi at nahihirapang makatulog.
  • Wala rin dapat senyales ng separation anxiety lalo kung sa inyo mawawalay.
  • Tinitignan niya ang mundo bilang “safe space” at hindi siya madalas matakot.
  • Dapat din na maayos siyang nakakapag-overnight sa bahay ng ibang kamag-anak.
  • Flexible ang kanyang attitude lalo kung magbabago ang mga plano.
  • Marunong na siyang makipag-communicate nang maayos sa ibang tao tungkol sa kanyang pangangailangan.
  • Natutunan na rin niyang i-regulate ang kanyang emotions nang walang gabay ng kanyang magulang.

4 advice na dapat tandaan ng mga parents sa sleepover ng kids

kids sleepover

Positive na attitude ng bata ang mag-initiate ng sleepover ayon sa experts. | Larawan mula sa Pexels

    Kung lahat ng nabanggit sa taas ay taglay na ng iyong anak, it just means one thing: ready na siya for a sleepover. Para naman sa parents, narito ang ilang advice na maaaring gawin para kampante kang payagan na siya:

    Ituro ang kahalagahan ng boundaries.

    Nakakatakot naman talaga na mawalay ang kids sa piling ng mga magulang. Una kasing inaalala diyan ang danger na maaari niyang maranasan. Dito dapat mahalagang tinuturo ang personal boundaries. Kailangan alam nila kung ano ang mga bagay na nakakalabag na sa kanilang personal space.

    Ipadala ang kanyang “comfort thing.”

    Dapat lang din na mayroon siyang bagon na makakapagbigay sa kanya ng comfort. Tandaan na ang bagay na ito ay dapat nakakapagbigay sa kanya ng calmness lalo kung nasa unfamiliar space siya. Maaaring ito ay ang kanyang favorite na laruan, kumot, o kaya naman picture.

    Ipaliwanag kung ano ang kanyang mga kailangang i-expect

    Kung minsan napapangunahan ng excitement ang mga bata. Kapag naroon na sila sa place for sleepover ay natatakot o kaya naman hindi na komportable. Kaya nga sa pagkakataong ito kailangan ng parents na ituro sa kanila kung ano ang mga kailangan nilang i-expect para hindi sila magulat sa kanilang pupuntahan.

    Ipaalam sa kanila na ok lang na umuwi sa inyong bahay

    Mayroon ding mga pagkakataong, sa last minute ay may hesitation pa rin ang kids na umalis. Kung nakararamdam ka ng uneasiness sa kanila, mahalagang maunawaan mong kinakabahan din sila sa unang beses na mawawalay sa inyong tahanan.

    Partner Stories
    Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
    Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
    From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
    From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
    This SPAMtastic™ Christmas Gift Idea Will Surely Be a Hit
    This SPAMtastic™ Christmas Gift Idea Will Surely Be a Hit
    Give Yourself the Care You Deserve!
    Give Yourself the Care You Deserve!

    Sa kabilang banda, parati ring ipaalala na ayos lang na bumalik sa inyong bahay. Sabihing kung nakararamdam sila ng hindi komportableng feeling o hindi sila confident sa kanilang pinuntahan ay mas mabuting umuwi na. Ito ang safest way na maituturo sa kanila.

    Very Well Family

    May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

    img
    Sinulat ni

    Ange Villanueva

    Maging Contributor

    • Home
    • /
    • Pagpapalaki ng anak
    • /
    • First time may sleepover ang inyong anak? 4 advice na dapat tandaan ng mga parents
    Share:
    • REAL STORIES: "1-year-old pa lang ang anak ko pero marunong na siyang mag-ipon!"

      REAL STORIES: "1-year-old pa lang ang anak ko pero marunong na siyang mag-ipon!"

    • STUDY: Epekto ng baby talk sa mga sanggol, nakabubuti!

      STUDY: Epekto ng baby talk sa mga sanggol, nakabubuti!

    • 12 dahilan kung bakit walang pasaway na anak ang mahigpit na nanay

      12 dahilan kung bakit walang pasaway na anak ang mahigpit na nanay

    • REAL STORIES: "1-year-old pa lang ang anak ko pero marunong na siyang mag-ipon!"

      REAL STORIES: "1-year-old pa lang ang anak ko pero marunong na siyang mag-ipon!"

    • STUDY: Epekto ng baby talk sa mga sanggol, nakabubuti!

      STUDY: Epekto ng baby talk sa mga sanggol, nakabubuti!

    • 12 dahilan kung bakit walang pasaway na anak ang mahigpit na nanay

      12 dahilan kung bakit walang pasaway na anak ang mahigpit na nanay

    Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
    • Pagbubuntis
      • Unang trimester
      • Pangalawang trimester
      • Pangatlong trimester
    • Gabay ng Mga Magulang
      • Safety ng bata
      • Payo sa pagpapalaki ng anak
      • Payo para sa mga magulang
      • Gamit ng sanggol
    • Relasyon
      • Mag-asawa
      • Biyenan
      • Kasambahay
    • Pagpapasuso at formula
      • Tamang pagpapasuso
      • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
      • Formula
    • More
      • TAP Community
      • Advertise With Us
      • Contact Us
      • Maging Contributor


    • Singapore flag Singapore
    • Thailand flag Thailand
    • Indonesia flag Indonesia
    • Philippines flag Philippines
    • Malaysia flag Malaysia
    • Sri-Lanka flag Sri Lanka
    • India flag India
    • Vietnam flag Vietnam
    • Australia flag Australia
    • Japan flag Japan
    • Nigeria flag Nigeria
    • Kenya flag Kenya
    © Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
    About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
    • Tools
    • Articles
    • Feed
    • Poll

    Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

    Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

    theAsianparent heart icon
    Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.