Kikiam recipe: Pina-healthy version ng Pinoy street food

Healthy meryenda na siguradong magugustuhan ng buong family. Subukan ng gumawa ng homemade Kikiam.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang Kikiam, maliit man sa inyong paningin, malaki naman ang sarap na binibigay sa kumakain nito. Marami sa ating mga Pilipino na gustong-gusto ang kikiam. Alam mo ba kung paano gumawa ng kikiam na tiyak na magugustuhan ng iyong anak?

Kikiam, healthy recipe para sa lahat

Kilala ang kikiam na kasama sa mga pagkaing  tinatawag na tusok-tusok o pagkaing ginagamitan ng bamboo stick at nabibili sa mga kanto. Kulay golden brown, maliit, at kulubot, ngunit malaki ang ambag sa street food sa Pilipinas.

Sinasabing ang salitang Kikiam ay hango sa isang Chinese Cuisine na Que Kiam na ang ibig sabihin ay giniling na baboy. Ito’y gawa sa pinagsamang giniling na baboy, hipon, at ibang sangkap. Nilalagyan din ito ng chinese five spice powder na nagbibigay rito ng kakaibang lasa at aroma. Binabalot sa taupe o bean curd (balat ng tokwa). Pinapausukan bago ipiniprito.

Sa nakasayang streetfood kikiam ng mga Pilipino, kung ikukumpara sa orihinal na Que Kiam ng mga Tsino, mas maliit ito at binibilang sa highly process food. Kung kayat nawawala ang nutrients na taglay nito. Kalimitan gawa ito sa cassava flour, artificial flavorings, msg, at maraming asin na hindi nakabubuti sa ating katawan.

Iba man ang tawag sa kinagisnan nating Kikiam sa orihinal, ang Pinoy version ay tinangkilik ng masa dahil sa bukod sa abot-kaya, mabibili rin ito sa mga pamilihan. Kalimitan din itong ginagawang toppings sa paborito nating pancit canton, lomi, at bihon. Ginagawang pamalit sa karne sa mga ginisang gulay para sa mga nagtitipid na mga nanay. 

Pero dahil ang kikiam ay processed food, hindi ito pinapayagan ng mga Nutritionist na kainin palagi lalo na ng kabataan. 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pero para sa mga chikiting natin na mapilit kumain ng kikiam, ituturo ko sa inyo ang pina-healthy na version na kikiam na pwede para sa buong pamilya. Hindi lang healthy, budget-wise pa para sa mga wais na mommy. Ang mga sangkap na ginagamit sa pagluluto nito ay natural at hindi ka mangangamba kung maparami ang kain ng mga bata. 

Mga sangkap sa paggawa ng Healthy Kikiam:

  • ¼ giniling na karne ng baboy
  • ¼ kilo fish fillet o hipon 
  • 5 butil ng bawang
  • 1 malaking sibuyas
  • 1 katamtamang laki ng carrots
  • ¼ tasang dahon ng malunggay
  • 1 itlog
  • 2 kutsarang all purpose flour
  • 2 kutsarang cassava flour
  • ½ kutsaritang 5 spice powder
  • ¼ kutsaritang paminta
  • ½ kutsaritang asin
  • 2 kutsaritang oyster sauce
  • Mantika (deep frying)

Larawan mula sa iStock

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

BASAHIN:

Kropek: Ang Malutong na Tsitsiryang Pinoy

Ang reyna ng streetfood na Kwek-kwek na pinasarap ng special manong sauce

Leche Flan Recipe: Ang egg-cellent dessert na puwedeng ipang-negosyo

Paraan ng pagluluto ng Healthy Kikiam:

  1. Linisin ang hipon, balatan at tanggalin ang ulo. Tadtarin at itabi. Kung gagamit ng fish fillet, hugasan muna maigi bago tadtarin.
  2. Gadgarin (grate) ang carrots, bawang at sibuyas. 
  3. Pagsamahin ang giniling na baboy, tinadtad na isda o hipon, carrots, dahon ng malunggay, sibuyas, at bawang. Isunod ang itlog, all purpose flour, cassava flour,5 spice powder, paminta asin at oyster sauce. Haluing mabuti sa loob ng 10 minuto gamit ang malinis na kamay. Mas maganda kung gagamit ng food processor para sa mas pino na texture.
  4. Rest ang mixture sa loob ng 15-20 minuto.
  5. Sa isang malalim na kawali, maglagay ng mantika. Painitin sa katamtamang apoy. 
  6. Ihulma ang kikiam mixture gamit ang siyansi at bread knife. Ilubog sa mantika ang nahulmang mixture.
  7. Lutuin hanggang maging golden brown. Hanguin at ilagay sa plato na may paper napkin para mabsorb ang excess na mantika.  Ihain kasama ang sweet sauce.

Narito naman ang mga sangkap at paraan sa sweet sauce ng Healthy Kikiam.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mga sangkap sa paggawa ng sweet sauce para sa Healthy Kikiam:

  • 2 tasang tubig
  • 2 kutsarang banana ketchup
  • ¼ tasang pulang asukal
  • 1 ½ kutsarang  cornstarch
  • Paminta
  • Asin

Paraan ng Pagluluto ng Sweet Sauce para sa Healthy Kikiam:

  1. Sa isang maliit na kaserola, ilagay ang tubig , cornstarch, at pulang asukal. Haluin hanggang matunaw ang asukal.
  2. Isunod  na ilagay ang banana ketchup. At isalang sa mahinang apoy habang hinahalo. 
  3. Kapag kumulo na at malapot na ang mixture, ilagay ang paminta at kaunting asin.  

Ang nalutong kikiam ay maaari ring ipamalit bilang pansahog sa mga ginisang ulam. Gawing toppings sa paboritong noodles o kaya naman ay ulamin.

Subukan mo nang gumawa ng home made kikiam para tiyak na healthy pa rin ang kakainin ng iyong chikiting!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement