Ibinahagi ng ate ni Kris Aquino na si Ballsy Aquino sa interview ng non-governmental organization na Banyuhay Aotearoa ang health update ng actress/host. Ayon kay Ballsy, nadagdagan ang mga autoimmune disease na dinaranas ni Kris Aquino.
Mababasa sa artikulong ito:
- Health update ni Kris Aquino: Autoimmune diseases nadagdagan
- Kris Aquino patuloy na lumalaban sa illness para kay Bimby at Josh
- Ano ang autoimmune disease?
Health update ni Kris Aquino: Autoimmune diseases nadagdagan
Sa naganap na interview kay Ballsy Aquino, ibinahagi nito na mayroon na ngayong tinatayang apat na autoimmune illness si Kris Aquino. Na-diagnosed umano ang mga karagdagang sakit matapos na sumailalim sa mga medical test sa United States.
“When she left, she had two autoimmune diseases. I think now there are four,” pahayag ni Ballsy.
Dagdag pa sa health update ni Kris Aquino, patuloy umanong sinusubukan ng mga doktor sa US na bigyan ang aktres ng tamang paggamot. Marami raw kasing allergy si Kris Aquino kaya naman nahihirapan ang mga doktor sa paggamot dito.
“She has so many allergies that all the medicines they’ve been trying haven’t been working, or maybe they did but then the side effects—they were not too happy about,” saad ni Ballsy.
Ang ilang medical treatment na maaari umanong makagamot kay Kris Aquino ay hindi pa posibleng gawin hangga’t mababa pa ang timbang ni Kris. Ani Ballsy, wala pa raw 90 pounds ang timbang ng kaniyang kapatid.
“She’s not even 90 pounds now, she’s like 85 or 86. For the other treatments that they want to try, she has to put on more weight. She has to get a little bit stronger,” kwento pa ni Ballsy Aquino.
Kris Aquino patuloy na lumalaban sa illness para kay Bimby at Josh
Sa kabila ng hirap na dinaranas ni Kris Aquino ayon sa latest health update mula sa kaniyang kapatid, patuloy umano itong lumalaban.
Matindi man ang hirap ay pinipilit nitong huwag sumuko. Salaysay ng ate ni Kris Aquino, dumating na ang aktres sa punto na gusto na nitong sukuan ang karamdaman. Pero napapagod man sa epekto ng illness si Kris ay lumalaban ito para sa mga anak.
Ani Ballsy Aquino, “But in the past days she’s been in good spirit.”
Tuwing nakikita raw kasi ni Kris Aquino ang mga anak na sina Bimby at Joshua sa personal man o sa picture ay pinipilit nitong maging malakas.
“When she looks at the picture of her sons or when she sees them then she knows she still has to fight,” kwento ni Ballsy.
Alam naman umano ng lahat na special boy si Joshua at 15 taong gulang pa lamang si Bimby kaya naman, hindi pa handa si Kris Aquino na iwan ang mga anak.
“As you know, Joshua is a special boy and Bimb is only 15 so that’s keeping her.”
Nagpasalamat naman si Ballsy Aquino sa mga nangangamusta at nagdarasal para sa kaniyang kapatid na si Kris.
“Hopefully she’ll get better,” pagwawakas nito.
Matatandaang nito lang Mayo ng kasalukuyang taon, pinabulaanan ni Kris Aquino ang mga rumor na nasa ICU siya at malapit ng pumanaw. Naglabas si Kris Aquino ng health update noong May 16 sa kaniyang Instagram page kung saan makikita ang mga medical treatment na isinagawa sa kaniya.
Sinabi rin ni Kris Aquino sa Instagram post na totoong life threatening ang kaniyang condition.
“‘Yung chismis na na-confine ako, na nasa ICU, na nag-aagaw buhay ako — masyado kayong advanced,” ani Kris Aquino.
“Para klaro ang lahat at dahil gusto niyong patayin na ako, well, I’m not yet dead. I’m going to fight to stay alive,” dagdag pa ng aktres.
Sa naturang May 16 post ay binanggit ni Kris Aquino ang dalawa niyang autoimmune disease. Ito ay ang chronic spontaneous urticaria at autoimmune thyroiditis and vasculitis.
“They are all worried about organ damage in my heart [and] in my lungs. Kaya lahat ng paraan sinubukan Houston soonest,” pahayag ng aktres.
Ano ang autoimmune disease?
Ang autoimmune disease ay uri ng karamdaman kung saan ang natural defense system ng katawan ay hindi malaman ang pagkakaiba ng mga normal cell sa katawan at mga foreign cells na dulot ng sakit. Kaya naman, pati ang mga normal cell sa katawan ay inaatake ng defense system.
Ilan sa mga pangkaraniwang autoimmune diseases ay ang:
- Lupus
- Type 1 diabetes
- Psoriatic arthritis
- Psoriasis
- Rheumatoid arthritis
Depende sa genetics, kapaligiran, o personal na kalagayan ng kalusugan kung gaano kalala ang epekto ng sakit na ito sa katawan. Mayroong mga nakararanas nito nang matindi, mayroon din naman na mild lang ang sintomas na nararanasan.
Kahit iba’t iba ang kondisyon ng mga nabanggit na autoimmune disease, pare-parehong maaaring makaranas ng:
- pamamaga ng glands
- pananakit ng tiyan
- problema sa balat
- labis na pagod
- pabalik-balik na lagnat
- pananakit ng kasukasuhan
Kung makaramdam ng mga ganitong sintomas, mahalagang kumonsulta agad sa iyong doktor para malaman ang sanhi ng nararamdaman.