Kris Aquino gives new health update! Ayon kay Kris nabigyan siya ng bagong pag-asa ng kaniyang bagong doktor.
Mababasa dito ang mga sumusunod:
- Kris Aquino health update.
- Sakit ni Kris Aquino at buhay ngayon sa ibang bansa.
Kris Aquino health update
View this post on Instagram
Kahapon sa Instagram ay nagbigay si Kris Aquino ng update sa kaniyang kalusugan. Ayon sa tinaguriang Queen of All Media, siya ay nagkaroon ng bagong pag-asa na gumaling dahil sa kaniyang bagong doktor. Ito ay ibinahagi ng aktres kasunod ng pagpapasalamat niya sa mga taong patuloy na ipinagdadasal ang paggaling niya.
“For all of you, thank you for continuing to pray for me- i failed to ask his permission if i could name him, but my new doctor is considered among the BEST.”
Ito ang bungad ni Kris tungkol sa bagong doktor na tumututok sa kalusugan niya.
Pagpapatuloy pa ng aktres at TV host ay higit sa tatlong buwan ang hinintay niya para magkaroon ng face-to-face consultation sa naturang doktor. Pero nang makausap niya ito ay talaga nga daw sulit ang paghihintay niya. Siya ay nabigyan nito ng bagong pag-asa na gumaling mula sa sakit na nararanasan.
“I waited 3 & a half months to have a face to face consultation- and i know i made the right choice because after months of uncertainty, he gave someone like me, suffering from multiple autoimmune conditions the most important element needed: the renewed confidence to HOPE that although it will be a long process, i do have a strong chance of getting better.”
Ito ang sabi pa ni Kris.
Sa parehong IG post ay pinasalamatan rin ni Kris ang fashion designer na si Michael Leyva. Ito ay lumipad umano pa-Amerika para lang bisitahin siya. Pinatunayan din daw nito na isa siyang tunay na kaibigan at adopted kuya ng dalawa niyang anak.
Larawan mula sa Instagram account ni Kris Aquino
Sakit ni Kris Aquino at buhay ngayon sa ibang bansa
Si Kris ay na-diagnose na may sakit na kung tawagin ay autoimmune disease chronic spontaneous urticaria (CSU). Ito ay isang uri ng lupus o autoimmune disease na walang lunas.
Dahil sa tinataglay na sakit ay very sensitive ang kalusugan ni Kris. Kaya naman siya ay iniingatang hindi ma-expose sa anumang uri ng virus, allergens at bacteria. Maliban pa dito, si Kris ay natukoy rin na may sakit na erosive gastritis and gastric ulcer.
Abril ng nakaraang taon ng ibahagi ni Kris na magpupunta sila ng mga anak na sina Josh at Bimby sa Amerika para doon magpagamot. Ayon pa sa aktres at TV host, isang taon rin silang mawawala sa bansa ng mga anak para magpatingin sa eksperto at mahanapan ng lunas ang sakit niya.
Lumipad pa-Amerika si Kris at mga anak buwan ng Mayo 2022. Doon natuklasan ang pangatlong sakit ni Kris.
“Before I had 2—Autoimmune Thyroiditis and Chronic Spontaneous Urticaria, SLE or Lupus has remained a question mark—I am near the borderline, have 3 out of the 5 prerequisites that would absolutely confirm if I have it BUT 3 out of the 5 could just be a warning that it’s there, but for right now it’s still asleep.”
“My 3rd confirmed autoimmune condition is Vasculitis. I had to have a very rare type. It was formerly known as Churg Strauss Syndrome but now it’s EGPA.”
Ito ang bahagi ng pahayag ni Kris tungkol sa kaniyang karamdaman na ginawa niya sa Instagram. Dagdag pa niya, patuloy ang ginagawa niyang treatment at siya ay patuloy na lumalaban para sa mga anak niya. Bagamat bago matapos ang taong 2022 ay ibinahagi ni Kris na na-diagnosed na mayroon pa siyang pang-apat na autoimmune disease. Posible pa nga daw na may pang-lima dahil sa physical manifestations na ipinapakita niya.
Kris sinabing ang mga anak ang dahilan kung bakit siya patuloy na lumalaban
Sa Amerika, ay pinipilit mamuhay ni Kris ng normal sa kabila ng nararanasang sakit. Nito nga lang nakaraang linggo ay ipinakita ng aktres na bumubuti na ang kaniyang kalagayan. Ito ay matapos mag-share siya ng mga larawan niya at mga anak na si Josh at Bimby na namasyal sa isang themed park.
Sa isa paring Instagram post na kung saan nagbahagi si Kris ng picture ni Josh at Bimby, ay sinabi niyang ito ang mga dahilan kung bakit siya patuloy na lumalaban. At dasal niya, sana ay manumbalik na ang kaniyang lakas para magampanan niya na ang pagiging ina sa dalawang anak.
“i posted a picture of kuya & bimb- they are my REASONS kung bakit TULOY ANG LABAN, BAWAL SUMUKO: tinitiis yung matinding sakit (sagad sa buto) while allergic to all pain relievers; the constant fatigue, awful sense of balance, nonstop dry cough & shortness of breath; yung sobrang pag-iingat (i’m so immunocompromised- since June i’ve NEVER been to a restaurant, NEVER entered a store, supermarket, or a mall).”
“i pray for the blessing to be healthy enough to still be their mama-the one who would cook, travels for fun, goes to Church, and watches movies w/ them. All in God’s perfect time…”
Ito ang sabi pa ni Kris.