X
TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Kris Aquino mas umaayos na ang kalusugan sa pagpasok ng 2023

4 min read
Kris Aquino mas umaayos na ang kalusugan sa pagpasok ng 2023

Kaibigan ni Kris Aquino na si Batangas Vice Governor Mark Leviste, nagbahagi ng mga larawan sa gumagandang kalagayan ng dating TV host. | Larawan mula sa Facebook post ni Mark Leviste

Marami ang natuwa nang makitang umaayos na nang unti-unti ang health dahil recovering ng dating TV host at aktres na si Kris Aquino.

Mga mababasa sa artikulong ito:

  • Kris Aquino mas umaayos na ang health sa pagpasok ng 2023
  • Queen of All Media may pinagdadaanang malubhang sakit

Kris Aquino mas umaayos na ang health sa pagpasok ng 2023

Marami sa mga artista ang nagbahagi ng kani-kanilang good news sa bungad ng taong 2023. Kabilang na sa mga ikinatuwa ng netizens ay ang balitang unti-unti nang umaayos ang kalagayan ng dating TV host at aktres na si Kris Aquino.

Naging usap-usapan ito nang magbahagi ng mga larawan sa kanyang social media account ang kaibigan ng TV host na si Batangas Vice Governor Mark Leviste. Makikita sa larawang all smile na si Kris Aquino kasama ito at ang dalawang anak na si Josh at Bimby.

Marami ang nakapansin na nadagdagan ang timbang ng TV host matapos lamang ang ilang linggong pagpapagamot sa Amerika. Masaya ang kanyang fans dahil mas maayos ang itsura nito kumpara sa dating mga larawan niya kung saan labis ang ibinaba ng kanyang timbang.

Sa Facebook post ng Batangas Vice Governor, sinabi niya ritong kasama niya si Kris Aquino sa pagse-celebrate ng bagong taon. Ang naturang post din daw ay kinuhanan mismo sa California, United States of America (USA).

kris aquino kasama ang kaibigan na si Mark Leviste

Netizens at followes ng dating TV host na si Kris Aquino, labis ang saya nang makitang recovering na ito. | Larawan mula sa Facebook ni Mark Leviste

“Spending the first day of the year with the Queen Kris Aquino.”

Advertisement

Marami naman sa fans ang nagpaabot ng pasasalamat sa kalagayan ngayon ni Kris Aquino. Ang ilan sa kanila ay nagpasalamat dahil nakita nilang muli ang iniidolo sa magandang kalagayan na nito. Ang ilan naman ay hiniling ang tuloy-tuloy na paggaling ng aktres.

“I’m sending a very special prayer to the Lord for her healing. God bless you Ms. Kris Aquino.”

“Glad to see Miss Kris in good spirit. Thank you vice for sharing some pictures of her. Get well soon Miss Kris. Happy New Year Vice Mark & Miss Kris.”

“Happy New Year po Gov. Mark Leviste! Happy New Year po Ms Kris Aquino!  Sana po tuloy tuloy na iyong paggaling.”

Queen of All Media may pinagdadaanang malubhang sakit

kris aquino kasama ang mga anak na si bimby at josh

Kris Aquino ibinahagi sa kanyang followers ang kanyang kundisyon. | Larawan mula sa Instagram account ni Kris Aquino

Maalalang nitong nakaraang Setyembre lamang ng taong 2022 anng ibahagi ng Queen of All Media na si Kris Aquino ang kanyang kalagayan. Ginulat niya ang netizens at 4.8 million followers sa Instagram patungkol sa kanyang diagnosis.

Ayon sa dating TV host, mayroon daw niyang fourth autoimmune condition na maaaring mapunta pa sa fifth. Nitong taon din na sinabing mayroong siyang late-stage 3 ng Churg Strauss Syndrome o iyong tinatawag ding EGPA (Eosinophilic Granulomatosis with Polyangiitis). Ang kundisyong ito ay isa sa mga rare na autoimmune illness.

kris aquino

Larawan mula sa Instagram account ni Kris Aquino

Naantig naman ang netizens sa pinagdadaanan ng aktres nang ibahagi niya sa post na kung minsan daw ay nais na niyang sumuko. Nanghihina raw siya sa tuwing nakikita niya ang mga pasa na bigla na lang lumalabas sa kanyang katawan. Nahihirapan na rin daw siyang kumain at iba-iba pain na rin ang nararamdaman ng kanyang katawan,

“There have been times I wanted to give up because of fatigue and being forever bedridden; the bruises all over my body that suddenly appear; my inability (since February) to tolerate solid food; headaches; bone-deep pain in my spine, knees, and joints in my fingers; and my constant flares, especially in my face that just keeps getting worse.”

Sinabi niya rin sa caption na, ang mga anak niyang si Bimby at Josh ang nagpapalakas sa kanya kasama ng mga patuloy na nagdadasal sa kanyang tuluyang paggaling,

“But I remind myself Kuya & Bimb still need me & mahiya naman ako sa lahat ng mga patuloy na nagdarasal para gumanda ang kalusugan ko if i just give up.”

Sa post niya ring ito ibinahagi ang kanyang mga pinagdadaanan para lamang magamot ang kundisyon,

“I am grateful to be blessed to have the means for us to move to another state, and have more tests done & go to other specialists; and finally start my immunosuppressant therapy.”

Sinabihan din daw siya ng mga doktor na posibleng magbago ang kanyang itsura at makalbo dahil sa kanilang gamutan,

“I was warned that the safest form of chemotherapy (i don’t have cancer) that can be used for my autoimmune conditions will make me lose my hair. Hair will eventually grow back but permanently damaged organs won’t- so dedma muna sa vanity.”

Hindi naman kinalimutan ng dating TV host na pasalamatan ang mga sumusuporta at tumutulong sa kanyang agarang paggaling.

Partner Stories
Hairfall Rescue for Every Mom: Real Benefits, Real Results
Hairfall Rescue for Every Mom: Real Benefits, Real Results
The Ultimate Guide to Nourishing Your Mind & Body for a Happy, Healthy Pregnancy
The Ultimate Guide to Nourishing Your Mind & Body for a Happy, Healthy Pregnancy
Acts of Love Poured into Every Glass
Acts of Love Poured into Every Glass
Building Bonds: How MIRA by RLC Residences Can Bring Families Together
Building Bonds: How MIRA by RLC Residences Can Bring Families Together

Instagram

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Ange Villanueva

Maging Contributor

Inedit ni:

Marhiel Garrote

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Kris Aquino mas umaayos na ang kalusugan sa pagpasok ng 2023
Share:
  • TUMI RELEASES LIMITED-EDITION 50TH ANNIVERSARY GOLD COLLECTION

    TUMI RELEASES LIMITED-EDITION 50TH ANNIVERSARY GOLD COLLECTION

  • We Took the Kia Carnival Turbo Hybrid on a Family Road Trip-And It Checked Off Every Box on Our Dream Family Car Checklist

    We Took the Kia Carnival Turbo Hybrid on a Family Road Trip-And It Checked Off Every Box on Our Dream Family Car Checklist

  • Okay, We Get It—You’re Child-Free. Pero 'Wag Naman Judgy Kay Mommy!

    Okay, We Get It—You’re Child-Free. Pero 'Wag Naman Judgy Kay Mommy!

  • TUMI RELEASES LIMITED-EDITION 50TH ANNIVERSARY GOLD COLLECTION

    TUMI RELEASES LIMITED-EDITION 50TH ANNIVERSARY GOLD COLLECTION

  • We Took the Kia Carnival Turbo Hybrid on a Family Road Trip-And It Checked Off Every Box on Our Dream Family Car Checklist

    We Took the Kia Carnival Turbo Hybrid on a Family Road Trip-And It Checked Off Every Box on Our Dream Family Car Checklist

  • Okay, We Get It—You’re Child-Free. Pero 'Wag Naman Judgy Kay Mommy!

    Okay, We Get It—You’re Child-Free. Pero 'Wag Naman Judgy Kay Mommy!

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2025. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko