Kristine Hermosa to Oyo Boy Sotto: “13 years of constantly being frenemies… yet we stick together no matter what.”

Ayon kay Kristine, tulad ng ibang mag-asawa ay may mga hindi rin sila pagkakaintindihan ni Oyo pero masaya siya na nalalampasan nila ito at nareresolba ng magkasama.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kristine Hermosa and Oyo Boy Sotto nagdiwang ng knowing 13th wedding anniversary. Aktres may sweet na mensahe sa mister na nagdiwang din ng 40th birthday nito.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Kristine Hermosa and Oyo Boy Sotto 13th wedding anniversary.
  • Mensahe ni Kristine kay Oyo.

Kristine Hermosa and Oyo Boy Sotto 13th wedding anniversary

Larawan mula sa Instagram account ni Kristine Hermosa-Sotto

Nitong January 12 ay nagdiwang ng kanilang 13th wedding anniversary ang mag-asawang sina Kristine Hermosa at Oyo Boy Sotto. Kasabay nito ay ang pagdiriwang rin ng 40th birthday ni Oyo. Kaya naman si Kristine may espesyal at sweet na birthday greeting sa mister.

Mensahe ni Kristine kay Oyo

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“To my beloved, getting older means more wisdom —- lets focus on the brighter side (dedmahin na ang signs of aging😅 ang importante mas gumagwapo ka sa paningin ko at sa paningin ni God☺️)

Our life together has never been easy, challenges were never absent.. but despite being in a fallen world, having you and our children made life extraordinary —- a taste of heaven on earth.. (naks!) 😉”

Ito ang pagbati ni Kristine sa mister na si Oyo para sa 40th birthday nito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram account ni Kristine Hermosa-Sotto

Dinugdutungan niya rin ito ng pag-greet din sa mister para sa kanilang 13th wedding anniversary. Tulad nga daw ng iba pang mag-asawa ay sinusubok din ang marriage nila. Pero masaya si Kristine na nalalagpasan nila ang mga problema ng magkasama. At ngayon niya sila ay going strong at very happy after 13 years ng maikasal kasama ang kanilang limang anak.

“And yes, here we are.. 13 years of constantly being frenemies… yet we stick together no matter what. ❤️ Mahal kita at alam ko mahal mo ako kahit napapadalas ang matinding hormonal attacks 😅 wag magpapatalo! 👊🏻 lalaban tayo mahal ko!😉🙏🏻

Happy 40th my dear husBy!👩🏻‍❤️‍💋‍👨🏻🎂🎉 Always grateful for your life 😘🙏🏻”

Ito ang pagbati pa ni Kristine kay Oyo sa Instagram.

Sa post niyang ito ay nag-comment ang ina ni Oyo na si Dina Bonnevie at kapatid niyang si Danica Pingris. Binati rin nila ang mag-asawa sa kanilang matatag na pagsasama at 40th birthday ni Oyo Boy.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram account ni Oyo Boy Sotto