Kropek: Paraan ng pagluluto ng malutong na tsitsiryang Pinoy

Swak na pulutan o meryenda o kahit habang kutkutin kapag nanunuod. Subukan na ang easy kropek recipe na ito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Hindi lang chicharon ang paboritong kutkutin o tsitsiryangng mga Pilipino, nariyan ang mani, fish crackers, butong pakwan, kornik, dilis, at kung ano-ano pa. Likas sa ating mga Pilipino ang pagkahilig kumain habang nanonood ng ating mga paboritong palabas, habang nagkukwentuhan o nag-iinuman. Kabilang sa madalas nguyain o meryendahin ay ang malutong na kropek. 

Kropek: Tsitsiryang pinoy

Ang kropek ay kalimitang gawa sa hipon, isda, o alimasag. Sinasawsaw sa sukang tinimplahan ng bawang at sili. Mabibili sa mga naglalako ng balot at penoy o mabibili ng hindi pa naluluto sa mga grocery.

Sa ngayon, mayroong iba’t ibang variety na ng kropek ang nabibili sa mga pamilihan. Mayroong shrimp crackers na siyang orihinal na flavor ng kropek, mayroon ding squid, fish, crab o iba pang seafood flavor. Mayroon na ring vegetable style kropek na gawa sa kalabasa malunggay, sibuyas, at patatas.

Pinaniniwalang noong pang 10th century naimbento ng mga sinaunang tao sa Indonesia ang paggawa ng kropek. Tinawag nila itong “krupuk udang” na ang ibig sabihin ay crispy shrimp o malutong na hipon. Kinalaunan, ang kropek ay lumaganap sa mga kapitbahay nila sa Southeast Asia tulad Malaysia, Thailand, Cambodia, Vietnam, at dito sa Pilipinas. Hanggang sa ang kropek ay naging bahagi na ng ating kultura.

Dito sa atin, ang kropek ay nag-evolve na rin kasabay ng pag-unlad ng ating pamumuhay. Hindi lang tsitsirya o kutkutin na maituturin ang kropek. Nilalagay na rin ito sa ating mga favorite dishes bilang pamalit sa chicharong baboy. Nilalagay sa palabok, lomi, chicken mami, o kaya naman ay nilalahok sa ginisang gulay. Sinasawsaw sa maanghang na suka o kaya naman ay inuulam.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kung ang hanap ninyong kropek ay masustansya at siguradong malinis, makakagawa ka ng iba’t ibang natural flavor na kropek sa inyong mga tahanan. Sundin lamang ang tamang sangkap at paraan ng pagluluto. Ang proseso sa paggawa at pagluluto nito ay nangangailangan mahabang oras at pasensya.

Mga Sangkap sa Paggawa ng Kropek:

  • ½ kilo cassava o tapioca flour
  • ¼ kilo ng hipon
  • 1 piraso ng malaking sibuyas
  • 4 na butil ng bawang
  • 1 kutsaritang asin
  • ½ kutsaritang paminta
  • ¼ tasang mainit na tubig
  • Mantika (deep frying)

BASAHIN:

Lumpiang Togue Recipe: Ang healthy spring rolls na masarap sa merienda

Nilagang Baka Recipe: Ang pinakasimpleng beef ulam ng mga Pinoy

Leche Flan Recipe: Ang egg-cellent dessert na puwedeng ipang-negosyo

Paraan ng Paggawa ng Dough para sa Kropek:

  1. Sa isang blender o food processor, ilagay ang hipon (kasama balat at ulo), sibuyas, at bawang. Siguraduhing durog na durog ang mga sangkap bago i-off ang blender. Maaaring maglagay ng 3 kutsarang tubig upang madali ang pagdurog.
  2. Sa isang malaking bowl, ilagay ang nadurog na mixture, timplahan ng asin at paminta. Ilagay nga paunti-unti ang cassava o tapioca flour. Kapag medyo tuyo ang dough. Lagyan paunti unti ng mainit na tubig.
  3. Kapag buo na ang dough, masahin sa loob ng 10 minuto. Hatiin sa apat na piraso at ihulma nang pahaba. 
  4. Ilagay ang mga nahulmang dough sa steamer na may parchment paper sa ilalim upang hindi manikit ang nalutong dough. Pausukan sa loob ng isang oras. Siguraduhing may tela ang takip ng steamer upang hindi matuluan ng tubig ang mga dough. 
  5. Pagkalipas ng isang oras, hanguin at palamigin. Ipasok sa refrigerator sa loob ng isang araw.

Paraan ng pagpapatuyo:

  1. Pagkalipas ng isang araw sa refrigerator, kunin ang mga dough at hiwain ng maninipis. 
  2. Ilatag sa isang baking tray na may parchment paper sa ilalim ang mga nahiwang dough. Ibilad sa araw sa loob ng dalawa hanggang tatlong araw upang matuyo. Kung may oven, maaari itong gamitin. Iset lang ang oven sa pinakamahinang temperatura at i-bake sa loob ng 3-4 na oras. Depende sa dami ng nahiwang dough.
  3. Kapag tuyung tuyo na dough, magiging matigas na ito at mas maliit. Pwede na itong iprito o itago kung hindi pa nais lutuin. Ilagay lang sa isang air tight container.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Paraan sa pagprito:

  1. Ilagay ang mantika sa isang malalim na lutuan. Kailangan katamtaman lamang ang lakas ng apoy upang hindi masunog ang nalutong kropek.
  2. Ilagay ang lima hanggang pitong piraso ng kropek. Huwag pupunuin upang lumaki ng tama ang kropek.
  3. Lutuin sa loob ng 30 segundo lamang. Ganun kabilis maluto ang mga kropek. Masusunog at papait kapag tinagalan ang pagluluto.
  4. Salain at ilagay sa plato na may paper napkin upang matanggal ang extrang mantika. Ihain kasama ang sawsawang suka.

Maaari ring ipamalit sa chicharon sa inyong palabok, lomi, o noodle soup.

Benefits ng pagkain ng kropek

Tsitsirya man o kutkutin ang kropek chicharon mayroon pa rin magandang benepisyo na makukuha mula rito.

Ang main material ng kropek chips ay starch. Mayaman ang starch sa bitaminang carotene. Bukod sa starch ay mayroon din itong shrimp flavor. Ang mga pagkaing may halong shrimp o hipon ay mayaman sa calcium na nagpro-promote ng bone growth.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Bukod pa rito, ang tradisyonal na proseso ng paggawa ng kropek ay tinatanggal ang excess oil sa pamamagitan ng low temperature frying. Ibig sabihin, less greasy na ito at mas nutritious.

Pero mahalagang tandaan pa rin na hindi dapat na sobra-sobra ang pagkain ng kropek chips. Dahil lahat naman ng sobra ay masama. Mahalaga rin na tandaang ang kropek ay fried food, at ang labis na pagkonsumo nito ay maaaring magdulot ng obesity.

Dagdag pa rito, kung mayroon kang allergy sa hipon o lamang-dagat, iwasan ang pagkain ng prawn crackers upang maiwasan ang allergic reactions.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

Karagdagang impormasyon isinulat ni Jobelle Macayan

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement