Kryz Uy naiyak sa reaksyon ng eldest son niyang si Scottie noong magpapaalam siya ditong siya ay lalabas ng bansa ng ilang araw para sa trabaho.
Mababasa dito ang mga sumusunod:
- Kryz Uy and son Scottie emotional goodbye talk.
- Mga sentiments ni Kryz sa pagiging mom of two.
Kryz Uy and son Scottie emotional goodbye talk
Trending ngayon sa social media ang nakakaiyak na pag-uusap ng vlogger na si Kryz Uy at eldest son niyang si Scottie. Si Kryz nagpapaalam sa anak na si Scottie dahil siya ay mawawala ng ilang araw para mangibang bansa at dumalo sa isang event. Ang nakakaiyak na pag-uusap nila ng anak ni Scottie ay ibinahagi ni Kryz sa kaniyang Instagram account.
“Not gonna lie, work has been fun but I’ve been crying every single day this trip cause I miss my boys. This was the hardest goodbye I’ve ever had to do.”
Ito ang caption ni Kryz sa kaniyang IG post.
Sa video ay maririnig na mahinahong kinakausap ni Kryz ang anak na si Scottie isang araw bago siya umalis.
“Tomorrow mommy’s gonna ride an airplane na. I won’t see you for a long time. I’m going to miss you. I’m going to miss you a lot. Are you going to miss mommy?”
Ito ang tanong ni Kryz sa anak na si Scottie.
View this post on Instagram
Si Scottie nang marinig ito ay makikitang naging seryoso na ang itsura. Nagsimula ngang mangilid ang luha nito at tuluyang naiyak sa kasunod pang sinabi ni Kryz.
“I’m going to be so sad without you and Shoti. Mommy’s gonna be sad. I’m going to call you okay? I’m going to think of you every day.”
Si Kryz napayakap at naluha na rin ng makita ang reaksyon ng anak sa kaniyang mga sinabi.
“Don’t cry. I’m gonna come back. I’ll come back. And I bring you, what do you want Mommy to buy for you. I love you so much. You’re gonna make me cry.”
Ito ang sabi pa ni Kryz.
Ang anak niyang si Scottie, agad namang sinagot ang sinabi na ito ng ina na mas lalo pang nagpaluha sa mommy vlogger.
“I don’t want it. I don’t want mommy to cry,” ito ang sabi ni Scottie kay Kryz habang patuloy ito sa pag-iyak.
Mga sentiments ni Kryz sa pagiging mom of two
Sa pinakabagong vlog episode ni Kryz ay ibinahagi niya ang naging preparasyon niya sa nasabing pangingibang bansa. Ito umano ang unang pagkakataon na mawawalay si Kryz ng ilang araw sa mga anak na sina Scottie at Sevi.
Kuwento ni Kryz sa kaniyang vlog, kung noong una ay very confident siya at excited sa mga biyahe niya, ngayon daw ay iba ang naging pakiramdam niya. Nakaramdam siya ng anxiety dahil parang hindi niya kayang mawalay sa anak.
Dagdag pa ang pag-alala niya na baka ang ilang araw niyang pagkawala ay makaapekto sa breast milk supply niya. Lalo na’t kuwento ni Kryz hindi tulad noon kay Scottie ay mahina ang let down o paglabas ng gatas niya para sa anak na si Sevi.
Para nga mawala ang pag-aalala ay kumonsulta si Kryz sa kaniyang lactation consultant. Ito ang naging payo nito sa kaniya.
“My lactation consultant said that “you should try to look at baby photos or try to smellyour baby clothes, while you are away. That’s what I am doing I’ll be bringing a pajama of Sevi that he already worn. And when I’m pumping I will smell it and hopefully that will trigger the letdown reflex and my milk will come out.”
Ito ang pagbabahagi ni Kryz.
Nakakaramdam rin daw ng mom guilt si Kryz dahil dito. Pero ang mister niyang si Slater all out ang pagsuporta at pag-cheer sa kaniya.
“Slater is reminding me, you know it’s all your hormones, its mom guilt. It’s just that different. Because with Scottie you didn’t have work and he is out first kid and wala tayong yaya and now everyone is helping us.”
Ito daw ang sinasabi ni Slater sa kaniya sa tuwing kinukwestyon niya ang sarili sa pagbibigay ng kaniyang liquid gold o breast milk sa anak na si Sevi.
Ibinahagi rin ng mommy vlogger ang ilan sa naging pagbabago sa kaniyang katawan na dulot ng pagbrebreastfeed at pagbubuntis. Sa ngayon ay tila nakukuba daw siya dahil laging nakayuko siya para mapasuso ng maayos ang anak.
May mga pagbabago rin sa kaniyang balat dulot ng pagbubuntis niya sa bunso niyang si Sevi. Pero magkaganoon man, si Kryz sinabing sobrang na-ienjoy niya ang pagiging isang ina. At higit sa ano pa man number one sa priority niya ang mga anak at kanilang pamilya.