Anong ibig sabihin ng kulay ng dumi ni baby: Isang gabay para sa mga magulang

Green, yellow, red at black - ilan lamang ito sa mga kulay ng dumi na mapapansin sa mga sanggol. Pero bakit nga ba nagiiba-iba ang kulay ng kanilang dumi? Alamin sa tulong ng ultimate guide na ito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Isa sa mga healthy na gawain ang pagdumi, adult man iyan o sa baby. Narito ang iba’t ibang ibig sabihin ng mga kulay sa dumi ng baby. Ipapaliwanag din namin kung ano ang mga palatandaan na maaaring galing na pala ito sa sakit na kanyang nararanasan.

Ang pagdumi ni baby ang isa sa mga inaasahan mo bilang magulang. Kung first time mom or dad ka, magugulat ka sa kung ilang beses siya sa tumatae sa isang araw at kailangang magpalit ng diapers.

Baka ikagulat mo rin ang iba’t ibang itsura ng bawat dumi niya. Sa mga panahong ito mapapaisip ka kung ano kaya ang normal na dumi ng baby? Huwag mag-aalala dahil tutulungan ka namin sa usaping ito.

Paano masasabing normal ang dumi ng baby?

Gaya nga ng nabanggit, macucurious at maku-curious ka sa kung ano ang dapat itsura ng dumi ng bata. Normal lang na maguluhan ka sa una, dahil nagbabago ang itsura ng dumi depende sa maraming bagay. Malaking factor sa pagbabagong ito ang kanyang mga kinakain o iniinom.

Kaya naman nairito ang ilang guid kung ano ba ang i-eexpect mong makikita sa loob ng diaper ng iyong anak:

Kulay ng dumi ng baby: Meconium

Sa oras na pinanganak mo na ang baby, dapat ay makadumi agad ito sa loob ng 24 oras. Sa mga unang araw ng kanyang pagdumi, asahang meconium pa ang lalabas sa kanyang katawan. Ito ay isang dark-green at tar-like na substance. Mapapansin mo rin na para bang may sipon sa dumi ng baby.

Ang duming ito ay mula sa skin cells, mucus, lanugo hairs, at iba pang bagay na nalunok ng iyong anak kasama ang amniotic fluid habang nasa sinapupunan mo pa.

Ilang araw rin bago tuluyang mawala ang meconium sa katawan ng baby. Matapos nito, asahan nang regular na dumi dapat ang lumalabas kay baby. Magmula sa kulay na halos itim papunta sa yellow green. Ito ay dahil naman sa pag-onti na ng presence ng mucus sa kanyang sistema.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pagtapos ng meconium, ito naman ang dapat asahan sa dumi ng iyong baby:

  • Para sa breastfed babies – Mayroon pa ring kaunting mucus na makikita sa dumi niya pero hindi naman dapat ikabahala dahil normal ito. Nakadepende rin ang kulay at itsura ng dumi sa kung ano ang kinakain ng kanyang ina. Kung sakaling marami kang kinain na gulay, maaaring makakita ng kulay green sa kaniyang dumi.
  • Para sa formula-fed babies – Hindi katulad sa breastfed na babies, ang mga sanggol na formula-fed ay makararanas ng mas buong mga dumi. Malapot ito at may kulay na dark yellow o tan. Siguraduhin din na hindi raw ito sobrang lapot katulad ng sa peanut butter.
  • Para sa babies na nagsisimula nang kumain – Malaki ang pagbabago sa oras na maipakilala mo na ang solid foods sa iyong baby sa oras na tumuntong na siya nang anim na buwan. Mayroon na itong amoy at mas bumubuo na rin ang itsura. Samantalang ang kulay naman ay nakadepende pa rin sa kung ano ang kinakain niya.

Ano ang ibig sabihin ng kulay ng dumi ng baby?

Sa pagiging magulang, dumadating talaga sa punto na lahat na lang parang gustong malaman sa anak. Kabilang diyan ay kung normal ba ang timbang at laki ng baby sa kanyang edad.

Ano ba dapat ang pagkain na pinapakain sa kaniya na mas magsisiguro na siya ay malusog?  Malamang ay napansin mo rin na naiiba-iba ang kulay ng dumi ng iyong sanggol. Naitanong mo rin siguro sa iyong sarili na bakit ito nangyayari o ano kaya ang ibig sabihin nito?

Sa tulong ng artikulong ito ay matutulungan ka naming masagot ang mga katanungan mong ito. Mabibigyan ka nito ng kaalaman sa kung ano ang ibig sabihin ng kulay ng dumi ng baby at ang mga dahilan kung bakit naiiba-iba ang kulay ng kaniyang dumi.

1. Black

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa pagsilang ng iyong sanggol ay mapapansin mong kulay itim ang una niyang dumi. Ang substance na ito ay tinatawag na meconium. Gaya ng nabanggit na ito ay gawa sa skin cells, mucus at amniotic fluid na kaniyang nakakain noong siya ay nasa loob pa lamang ng iyong sinapupunan.

Bagama’t ito ay kulay itim, walang dapat ipag-alala dito. Sapagkat sa ito naman ay mawawala makalipas ang ilang araw.

Isa pang dahilan kung bakit nagiging maitim naman ang dumi ng isang sanggol ay maaaring dahil sa may dugo ito. Pero bago ka mag-panic, mabuting malaman mo na maaaring sa ‘yo nagmula ang dugong ito. Ito ay maaaring galing sa nagsugat o crack mong nipples na nag-aadjust palang sa pagpapasuso.

Kung ikaw ay first-time mom at bago sa pagpapasuso, dapat ay siguraduhin mo na nagla-latch ng maayos si baby. Sapagkat ang poor latching at maling posisyon sa pagpapasuso ang mga pangunahing dahilan kung bakit namamaga ang utong at nagkakaroon ng dugo ang breastmilk.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Para mabigyan ng sapat na kaalaman sa pagpapasuso ay makipag-usap sa isang lactation consultant. Makakatulong siya para maturuan ka sa tamang posisyon ng pagpapasuso ng iyong anak. Pero kung talagang nag-aalala ka sa itim na dumi ni baby ay mabuti ring magpakonsulta na agad sa doktor.

Huling dahilan kung bakit nagiging itim ang dumi ni baby ay dahil sa iron. Kaya kung binibigyan mo siya ng iron supplements ay asahan na ang maitim o kulay dark green na dumi. Pero kung hindi naman siya nagte-take ng iron supplement, mabuting i-check agad sa kaniyang pediatrician ang tunay na dahilan nito.

2. Mustard Yellow

Kung exclusively breastfed si baby, huwag mabigla kung ang kulay ng kaniyang dumi ay parang cream cheese na manilaw-nilaw. Sa katunayan ay mukha pa nga itong dumi na para siyang nagtatae. Pero kung hindi siya nilalagnat at hindi irritable, walang dapat ipag-alala.

Ang mga dumi ng mga breasfed baby ay mukhang nakakadiri kung titingnan pero hindi mabaho. Mapapansin din na ito ay may shade ng kulay ng pagkain na huli mong kinain. Kunyare kung ikaw ay kumain ng spinach, asahan na ang mga greenish yellow na dumi ni baby.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

3. Yellow Brown

Kung formula-fed naman si baby ay huwag na magtaka kung ang dumi niya ay kulay yellow brown na ang texture ay parang sa peanut butter. Ito rin ay mas mabaho kumpara sa mga breastfed babies. Ito rin ay maaaring mabago-bago na nasa brown color spectrum pa rin. Maaaring ito ay mag-green brown, yellow-brown o tan-brown.

4. White

Ang kulay puting dumi ay napaka-unusual. Dahil ang kulay ng dumi ng sanggol ay nakukuha niya sa apdo. Ang kawalan ng apdo ay maaaring magresulta sa chalky white na dumi.

Kaya naman mas mabuting dalhin na agad si baby sa doktor sa oras na mapansin na kulay puti ang dumi niya. Dahil ito ay maaaring indikasyon na siya ay may gallbladder o liver problem.

5. Red

Ang duming may bahid ng kulay pula ay walang alinlangang may dugo. Maliban na lamang kung siya ay napakain ng maraming beetroot o iba pang pagkain na may mamula-mulang kulay.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Bago mag-panic, isa pang dahilan kung bakit nagkukulay pula o may dugo ang dumi ng sanggol ay dahil rin sa breastmilk mong nasuso niya na may dugo. Tulad ng nauna ng nabanggit ito ay maaaring nagmula sa nagsugat mong nipples dahil sa maling pagpapasuso.

Kaya naman mas mabuting makipag-usap na agad sa isang lactation consultant upang maisaayos ito. O kaya naman ay ipakonsulta na si baby sa doktor para makasigurado.

Sapagkat ang duming may dugo ay maaaring dahil rin sa allergy, bacterial infections o kaya naman ay may sugat na siya sa butas ng puwit dulot ng constipation.

6. Bright green at frothy

Kung parang lumot ang kulay ng dumi ng baby ay malamang dahil ito sa foremilk na nakukuha niya ng mas marami kaysa sa hindmilk.

Ang foremilk ay ang low-calorie, thirst-quenching milk na nauuna niyang nakukuha sa simula ng pagpapasuso. Habang ang hindmilk naman ay ang nakakabusog at high calorie milk na mula sa breastmilk.

Kaya naman kung ang dumi ni baby ay kulay green at parang lumot, palatandaan ito na hindi siya nakakasuso ng maayos o sapat sa kada suso mo. Para maitama ito ay hayaan siyang magpatuloy sumuso, sa suso o breast kung saan siya huling natapos.

7. Watery yellow, green o brown

 

Napapansin mo na bang basa at kulay green ang tae ng iyong baby?

Kung ang sanggol ay nagtatae o may diarrhea, ang kaniyang dumi ay lamang na mas matubig kaysa sa solid. Ito rin ay kulay dilaw, green o brown na madalas na umaapaw pa sa diapers ng sanggol.

Ang mga palatandaang ito ay dapat hindi basta-basta binabalewala. Sapagkat sa ang pagtatae ay maaring mauwi sa dehydration. Kung hindi agad maagapan, ito ay maaaring mauwi sa impeksyon o allergy. Kaya naman mas mabuting dalhin agad si baby sa doktor kung green na ang kaniyang dumi.

8. Multi-colored

May maliit na piraso ng carrots na kulay bright orange sa dumi ni baby? O kaya naman ay kulay green na piraso ng green pea? Huwag masyadong mag-alala! Ito ay nangyayari dahil may mga pagkain na hindi pa kayang i-digest ng tiyan ni baby. Kaya naman makakatulong na bigyan siya ng mga pagkaing mas mabilis niyang malulunok o matutunaw agad sa kaniyang tiyan.

Pero kung ang semi-digested food sa dumi ni baby ay napapadalas, mas mainam na dalhin na agad siya sa doktor para matingnan. Ito ay para masiguro na ang kaniyang mga intestines sa tiyan ay nagpa-function ng maayos.

9.  Dark brown

Ang dark brown na kulay ng dumi ay nangangahulugan na si baby ay nagsisimula na sa pagkain ng mga solid foods. Ang pagbabagong ito sa kulay ng kaniyang dumi ay normal. Lalo na kung siya ay exclusively breastfed sa mga nauna niyang mga buwan.

Ang mga solid food poop ay mas soft at pulpy. Mas makapal ito kung titingnan sa peanut butter at may mas mabahong amoy.

Sana ay mas naliwanagan ka na sa ngayon tungkol sa kung ano ang ibig sabihin ng kulay ng dumi ng baby at kailan ka dapat mag-alala o mag-relax lang muna dahil sa ito ay palatandaan lang ng development o kaya naman ay dahil lang sa pagkaing nakain niya.

 

Muling nailathala na may pahintulot mula sa theAsianparent Singapore. At isinalin sa wikang Filipino ni Irish Mae Manlapaz para sa the theAsianparent Philippines.

Karagdagang ulat mula kay Angerica Villanueva

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.