Maaaring pagmulan ng isang malaking problema ang pagkakaroon ng bato sa apdo o gallstone sa wikang English. Sa artikulong ito, tutukuyin natin kung ano nga ba ang sintomas kung ang isang tao ay may bato sa apdo. Aalamin din natin kung ano nga ba ang sanhi at maaari mong igamot kung mayroon ka nito.
Bato sa apdo: Ano nga ba ang gallstones?
Alamin kung ano nga ba ang bato sa apdo, sintomas ng gallstones, at paano magamot ito sa iyong gallbladder. | Larawan kuha mula sa Pexels
Gallstones o ang bato sa apdo sa wikang Tagalog ay ang tinatawag na hardened deposits ng digestive fluid sa gallbladder ng tao. Tumutukoy naman ang gallbladder sa maliit at hugis peras na organ sa bandang kanan ng tiyan ng tao. Ito ay matatagpuan sa ilalim lamang ng liver. Ito ay parang pouch na nag-iimbak ng bile o iyong digestive fluid na tumutulong sa digestion.
Maaaring magkaroon ng issue sa iyong gallbladder kung mayroong nakabara sa bile duct, at ito ang tinatawag na gallstone.
Iba-iba ang maaaring maging laki ng gallstone at iba-iba rin ang dami ng maaaring tumubo sa katawan. Karaniwang sakit na ito ng mga tao at kung minsan pa nga ay asymptomatic. Sa datos, nasa tinatayang sampung porsyento ng taong diagnose na mayroong gallstone ay maaaring magpakita ng sintomas nito.
Karaniwan daw itong nakukuha bago pa man mag-edad ng 40 kabilang ang mga bata. Mas madalas na nakukuha ito ng mga babae dahil daw sa female hormones.
Dalawang uri ng bato sa apdo
Mayroong dalawang uri ng gallstones na maaaring tumubo sa iyong gallbladder. Ito ay ang:
- Cholesterol gallstones – Kadalasang binubuo ng hindi natunaw na cholesterol at nagtataglay rin ng maraming components. Kadalasang dilaw ang kulay nito at ang pinakacommon na type ng bato sa apdo.
- Pigment gallstones – Ito naman ay nabubuo kung ang bile ay mayroong sobra-sobrang bilirubin. Maaaring ito naman ay kulay brown o black.
Bakit nga ba nagkakaroon ng bato sa apdo?
Isa sa itinuturing na dahilan ng pagkakaroon ng gallstones ay ang chemical imbalance sa loob ng gallbladder. Hindi pa umano tiyak na matukoy ng researchers kung ano ang dahilan nito pero mayroon naman ilang posibleng rason kung paano. Ito ang sumusunod:
- Sobra-sobrang cholesterol sa bile – Maaaring magkaroon ka nito kung sobra-sobra na ang cholesterol na nasa bile mo. Nagiging dahilan ito para humina ang kakayahan ng bile na i-dissolve pa ang cholesterol dahil sa sobrang dami.
- Labis na bilirubin sa bile – Ito naman ay chemical na nagagawa dahil sa normal breakdown ng red blood cells. Sa ilang pagkakataon, lalo kung ikaw ay may liver damage o blood disorder ay sumusobra ito. Kaya kung dumarami na ang bilirubin, nabubuo na ang pigment gallstones.
- Concentrated bile – Nagiging concentrated ang bile kung hindi nae-empty ang gallbladder. Ito ang nagiging dahilan para magkaroon ng bato sa apdo.
Ano-ano ang mga sintomas ng pagkakaroon ng gallstone sa iyong gallbladder?
Mga sintomas ng gallstones kabilang ang pananakit ng tiyan tuwing kumakain. | Larawan kuha mula sa Pexels
Paano nga ba nalalaman kung nagpapakita na ang katawan mo ng ilang sintomas ng pagkakaroon ng gallstones o bato sa apdo sa Tagalog sa iyong gallbladder?
Maaaring makaranas daw ng pain ang taong may gallstones sa bandang taas ng kanilang tiyan sa kanan. Maaaari rin itong maramdaman sa gitna ng sikmura. Mararamdaman mo na masakit ang parte sa gallbladder kapag sumasakit ito kada kakain ng pagkain high in fat at fried foods.
Kadalasan sa mga taong may gallstones ay hindi nagpapakita ng kahit anong sintomas. Kung ang bato naman sa apdo ay nasa severe stage na at nagiging dahilan ng blockage, narito ang ilan sa maaaring sintomas:
- Biglaan at labis na pananakit sa bandang itaas na kanan ng abdomen
- Sobra-sobrang pananakit din sa gitna ng abdomen
- Pananakit ng kanang balikat
- Pagkaranas ng pagsusuka at pagkahilo
- Pagkakaroon ng back pain sa pagitan ng shoulder blades
- Mayroon nang mataas na temperatura
- Bumibilis ang pagtibok ng puso
- Paninilaw ng balat
- Pamumuti ng mata
- Pangangati ng balat
- Pagtatae o pagkakaroon ng diarrhea
- Pagkaranas ng chills
- Kawalan ng gana sa pagkain
Ang ilan sa mga sintomas na ito ay maaari ring signs ng pagkakaroon ng appendicitis at ng pacreatitis. Maaari rin namang infection o kaya naman inflammation sa gallbladder. Kaya mas mainam na kumonsulta na sa eksperto para sa masiguro kung ano ang iyong kundisyon.
Paano binibigyang lunas ang pagkakaroon ng bato sa apdo?
Ayon sa eksperto, sa maraming pagkakataon daw ay hindi mo naman kinakailangang gamutin ito hangga’t hindi nagdudulot ng sobra-sobrang pananakita. Marami raw kasing mga tao ang nakaka-survive sa gallstones nang hindi nila napapansin.
Kung minsan, nagpapayo ang mga eksperto na maggamutan para ito ay mawala. Kung ikaw naman ay nasa severe stage kinakailangan mong sumailalim sa operasyon.
Narito ang ilang paraan upang matanggal ang gallstones sa katawan:
- Endoscopy – Ipinalalabas nito ang mga bato sa pado sa pamamagitan ng long tube na dadaan sa iyong lalamunan.
- Laparoscopy – Gumagamit naman dito ng maliit na “keyhole incisions” sa iyong abdomen sa tulong ng maliit na camera.
- Open surgery – Ginagawa ito para sa ga taong mayroong mas complicated na condition pa.
Sa ibang kundisyon hindi na kinakailangan pa ng surgery o operasyon ngunit malaki ang posibilidad na bumalik ito at lalong dumami. Kaya kinakailangan na laging mapagbantay pa rin sa iyong katawan lalo kung nagkaroon ka na nito.
Ano ang risk factors para magkaroon ng gallstones?
Mayroong iba’t ibang risk factors kung bakit mas mataas ang tyansang magkaroon ka ng gallstone, narito ang mga sumusunod:
- Mayroon kang labis na timbang o obesity
- May sakit na type 2 diabetes
- Pagbilis ng pagbabawas sa timbang
- Pagkakaroon ng diet na high in fat or cholesterol
- Ipinanganak na female
- Mayroon sa pamilya na history ng gallstones
- Nasa edad na 60 taong gulang o mas matanda pa
- Pagiging buntis
- Pagkakaroon ng cirrhosis
- Pag-inom ng mga gamot na nagpapababa ng cholesterol
- Pag-inom ng birth controls
Paano maiiwasan ang pagkakaroon ng ganitong kundisyon?
Kinakailangang magpanatili ng healthy na timbang para maiwasan ang gallstones. | Larawan kuha mula sa Pexels
Katulad ng ibang mga sakit, mayroong iba’t ibang paraan upang maiwasang ang pagkakaroon ng gallstone. Inilista namin ang ilan sa kanila.
1. Huwag magmadali sa pagbabawas ng timbag.
Kung nais mong magpapayat o magbawas ng timbang, take it slow. Maaaring nasa 1 hanggang 2 pounds ang iyong ibawas sa timbang kada linggo para maiwasang magkaroon ng gallstone.
2. Kumain sa tamang oras.
Kinakailangan na mayroong usual na oras ang pagkain sa araw-araw. Malaking factor kasi ang pag-iskip o fasting para magkaroon ng bato sa iyong apdo.
3. Kumain ng pagkaing mayaman sa fiber.
Malaking tulong ang pagkain ng fiber-rich foods para makaiwas sa sakit na ito. Subukan ang mga prutas, gutas, at whole grains.
4. Bawasan ang pagkain ng labis na cholesterol.
Para hindi magbara sa bile, bawasan ang pagkain ng mamantika at fried foods.
5. Panatilihin ang healthy na timbang.
Gaya ng nabanggit sa risk factors, maaaring ang obesity ay makapagpataas ng chance na magkaroon ng gallstone. Subukang mag-ehersisyo araw-araw at healthy diet.
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!