Iba’t ibang kulay ng plema at ibig sabihin nito

Sa pagbabasa ng artikulong ito ay maging pamilyar sa ibig sabihin ng iba’t-ibang kulay ng plema at mga sakit na maaring nagdudulot nito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Narito ang iba’t ibang kulay ng plema at ibig sabihin nito.

Ano ang mucus at plema?

Normal sa ating katawan ang mag-produce ng mucus at plema. Ang mga ito ay nagsisilbing taga-sala ng ating ilong at bibig sa mga viruses at bacteria na ating nalalanghap.

Ngunit sa oras na tayo ay nagkakasakit ang produksyon ng mucus at plema ay mas dumadami. Ito ay isang indikasyon na nilalabanan ng ating katawan ang impeksyon o sakit na ating nararanasan.

Ang mucus at plema ay parehong gawa sa tubig, antibodies enzymes, proteins at salt. Sila ay parehong nagdadala ng dead cells, dust at debris mula sa ating ilong at lungs.

Sa itsura ang mucus at plema ay halos magkatulad. Ngunit sila ay magkaiba. Sapagkat ang mucus ay ang manipis o malabnaw na secretion na nagmumula sa ating ilong at sinus. Habang ang plema naman ay mas makapal o malapot at nagmumula sa ating lalamunan at baga.

Mga posibleng sanhi ng pagkakaroon ng plema

1. Maaaring may allergy

Ang pagkakaroon ng allergy ay maaaring sanhi ng pagkakaroon ng plema. Bukod dito, ang iba pang sintomas na maaaring maranasan kapag may allergy ay pangangati ng mata, sneezing, paninikip ng dibdib, at pag-ubo. 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kadalasan ang reaksyon ng katawan sa mga may allergy sa mga airbone allergy ay nagmumula sa lungs. Katulad na lamang kung allergic ang isang tao sa pollen, o dust mites. 

Maaari itong maging sanhi ng pagkakaroon ng plema o mucus. 

2. Pagkakaroon ng acid reflux

Isa pa sa dahilan kung bakit mayroong plema ang isang tao ay ang pagkakaroon ng acid reflux. Ang acid sa iyong tiyan ay pumupunta papunta sa iyong esophagus papunta sa iyong throat o lalamunan. Maaaring magresulta ito ng iritasyon na nagdudulot ng plema. 

3. Mayroong asthma

Isa sa sintomas ng asthma ay hirap sa paghinga at paninikip ng dibdib na maaaring maging sanhi rin sa pagkakaroon ng plema o mucus. 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

4. Maaaring sanhi ng bacterial at viral infections

Ang pagkakaroon ng impeksyon mapa-viral o bacterial man ay maaaring magdulot o maging sanhi ng pagkakaroon ng plema. Maaaring dahil ito sa flu, bronchitis, pneumonia, tonsilitis, at iba pa. 

Iba’t ibang kulay ng plema at ibig sabihin nito

Naiiba-iba ang color at consistency ng mucus at plema na nagbibigay ng clue sa nangyayari sa loob ng ating katawan. Pero ayon kay Dr. Laura Tully, isang ENT-otolaryngologist, ang pagbabago sa mucus color o phlegm consistency ay hindi naman agad na indikasyon na may sakit na ang isang tao.

Ngunit hindi ito dapat isawalang bahala. Dahil ito ay isang palatandaan na lumalaban sa nag-dedevelop na sakit o sa posibleng pagkakaroon ng bacterial illness ang katawan.

Paliwanag ni Dr. Tully, 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Patients think that because mucus is a color other than clear – like yellow or green – that means they have a sinus infection.”

“Just because your mucus starts out green or yellow, that’s very common with a typical viral cold, and doesn’t necessarily mean you have a bacterial illness.”

“Eventually a cold can morph into something like an acute sinusitis that is bacterial.”

Ngunit magkaganoon man mahalagang malaman ang iba’t ibang kulay ng plema at ibig sabihin nito. Ito ay upang agad na malunasan ang sakit na nararamdaman at maiwasan na itong lumala pa.

Ayon nga sa mga eksperto narito ang iba’t ibang kulay ng plema at mucus pati na ang mga sakit na may kaugnayan sa mga ito. Ito ang mga kulay ng plema at ibig sabihin nito: 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kahulugan ng mga kulay ng plema at ibig sabihin nito

Clear

Ang pagkakaroon ng clear na mucus o plema ay normal sa ating katawan. Ngunit kung tila mas dumami ang produksyon nito ay nangangahulugan ito na sinusubukan ng katawan na mag-flushout ng irritant o virus na nararanasan.

Madalas ang mga sakit na may kaugnayan sa pagkakaroon ng clear na plema ay ang sumusunod:

  • Allergic rhinitis o nasal allergy na minsan ay tinatawag ring hay fever. Dulot ito ng pagkakalanghap ng allergens tulad ng pollen at alikabok. Para maibsan ang sintomas ng allergic rhinitis ay maaring uminom ng antihistamines, decongestants at maraming tubig.
  • Viral bronchitis o ang inflammation sa bronchial tubes ng ating lungs. Madalas ang sakit na ito ay nagsisimula sa isang ubo na may clear na plema. Ngunit maaring mabago ang kulay nito at maging yellow o green. Para maibsan ang sintomas ng viral bronchitis ay makakatulong ang pag-inom ng maraming tubig. Habang iniiwasan ang pag-inom ng kape at alcohol. Makakatulong rin ang pag-inom ng pain reliever at paggamit ng humidifier upang guminhawa ang pakiramdam.
  • Viral pneumonia o impeksyon sa baga. Ang mga sintomas ng sakit na ito ay lagnat, dry cough at pananakit ng kasu-kasuan. Maibsan naman ang mga sintomas ng sakit sa pamamagitan ng pagmumumog ng maligamgam na tubig na may asin. Ito ay upang maalis ang labis na mucus sa lalamunan at maibsan ang iritasyon nito. Makakatulong rin ang pag-inom ng over-the-counter pain relievers para sa lagnat at sakit ng katawan.

White

  • Nasal congestion. Ang puting mucus ay palatandaan ng pagkakaroon ng nasal congestion. Kapag may nasal congestion ang tissues sa nasal cavity ay namamaga na nagpapabagal sa pagbaba ng mucus sa respiratory tract. Ang paliligo gamit ang maligamgam na tubig ay isang paraan upang malunasan o maginhawaan ang isang taong nakakaranas nito.
  • Viral bronchitis. Palantaan rin ito ng pagkakaroon ng viral bronchitis na maaring mauwi sa bacterial infection. Iwasan itong lumala sa pamamagitan ng pag-inom ng mga over-the-counter medications na sasabayan ng pag-inom ng maraming tubig at pagpapahinga.
  • Ang pagkakaroon ng GERD o Gastroesophageal Reflux Disease ay isang dahilan rin ng pagkakaroon ng ubo na may puting plema. Para maibsan ang sintomas nito ay iwasan ang maanghang at acidic na pagkain o inumin. Kumain ng maraming fiber at pagkaing may taglay na probiotics.
  • Sintomas rin ng COPD o Chronic obstructive pulmonary disease ang pagkakaroon ng puting plema. Lunasan ito sa pamamagitan ng pagkakaroon ng healthy at clean air sa inyong paligid. Habang kumakain ng masusustansiyang pagkain.
  • Congestive Heart Failure. Kung ang puting plema ay sinasabayan ng hirap sa paghinga, ito ay maaring palatandaan ng sakit na congestive heart failure. At ito ay dapat agad na mabigyan ng medikal na atensyon upang hindi na lumala pa.
Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Freepik

Yellow o green

Ang kulay dilaw o green na plema ay nanganguhulugan na ang immune cells ng katawan ay lumalaban sa isang impeksyo o isang uri ng inflammatory insult. Ilan sa mga sakit na may kaugnayan sa pagkakaroon ng dilaw na plema ay ang sumusunod:

  • Ito ay maaring dulot ng sakit na bronchitis na nagsisimula sa dry cough na nagdedevelop sa ubong may plema.
  • Ito rin ay maaring dulot ng sakit na pneumonia na maliban sa ubong may plema ay sasabayan ng lagnat, pangangatog ng katawan at hirap sa paghinga.
  • Maaring dulot rin ito ng sinusitis na dulot ng allergies, infection at bacteria. Lunasan ito sa tulong ng saline drops o paglanghap ng usok mula sa mainit na tubig o steam vapors.
  • Cystic fibrosis. Ang yellow o green na plema ay maaring dulot rin ng cystic fibrosis na isang chronic lung disease. Pag-inom ng maraming tubig, pag-iexercise at pagtigil sa paninigarilyo ang mga pangunahing paraan upang maibsan ang sintomas ng sakit na ito.

Red o pink

Ang pink o pulang plema ay palatandaan ng pagkakaroon ng dugo sa plema na isang indikasyon ng pagkakaroon ng seryosong medikal na kondisyon. Ang mga ito ay ang sumusunod:

  • Pneumonia o impeksyon sa baga na kung saan ang ubo na may mapulang plema ay sasabayan ng lagnat, pananakit ng dibdib at pangangatog ng katawan. Ang pangunahing lunas sa pneumonia ay pag-inom ng antibiotics na papatay sa bacteriang nagdudulot ng sakit.
  • Ang dugo sa plema ay maaring dahil rin sa nakakahawang sakit na tuberculosis. Lalo na kung ito ay sasabayan ng pagkakaroon ng lagnat at pagpapawis ng malamig o nightsweats. Upang malunasan na sakit na ito ay kinakailangang makumpleto ng isang pasyente ang required treatment na nakadepende sa kaniyang kondisyon.
  • Congestive heart failure. Ito ay maaring dulot rin ng sakit na CHF o congestive heart failure. Ito ay nangyayari kapag hindi na maayos na nagpupump ng dugo ang puso sa ating katawan. Maliban sa pink o red na plema ang sinumang nagtataglay ng sakit ay makakaranas rin ng hirap sa paghinga.
  • Pulmonary embolism. Isa pang sakit na nagdudulot ng red o pink na plema ay ang pulmonary embolism. Ito ay nangyayari kapag ang pulmonary artery sa ating baga ay nabarahan. Nalulunasan ang sakit sa pamamagitan ng oxygen therapy at anticoagulant medications.
  • Lung cancer. Ang red o pink na plema ay palatandaan rin ng seryosong kondisyon ng lung cancer. Ito ay maaring malunasan sa pamamagitan ng surgery, chemotherapy at radiation therapy.

Brown

Ang brown na plema ay palatandaan rin ng posibleng nakaranas ng bleeding ang ating baga. Habang ang red o pink na plema naman ay nangangahulugan na posibleng nakakaranas ng bleeding ang baga ng katawan. Ilan sa sakit na maaring magdulot nito ay sumusunod:

  • Bacterial pneumonia na nagsisimula sa yellow o green na plema na maaring magkulay brown kapag lumala na.
  • Bacterial bronchitis na nag-proproduce rin ng brown na plema kapag lumala na.
  • Cystic fibrosis na palatandaan rin ng paglala ang pagkakaroon ng brown na plema.
  • Pneumoconiosis o ang pagkakalanghap ng mga iba’t-ibang uri ng dust tulad ng coal, asbestos, at silicosis na nauuwi sa hindi na nalulunasan na lung disease.
  • Lung abscess o ang pagkakaroon ng nana sa baga. Maliban sa brown na plema ang iba pang sintomas nito ay night sweats, loss of appetite at ubong may plemang mabaho. Nalulunasan naman ang lung abscess sa pamamagitan ng pag-inom ng antibiotics.

Black

Ang itim na mucus color ay indikasyon naman ng pagkakaroon ng fungal infection. Agad na dapat itong maipaalam sa isang doktor lalo na kung ang taong nakakaranas nito ay may mahinang immune system.

Maliban sa fungal infection ang itim na kulay ng plema ay maaring dahil rin sa sumusunod:

  • Paninigarilyo.
  • Pneumoconiosis o black lung disease na madalas na nararanasan ng mga taong nai-expose sa coal dust. Maliban sa pag-ubo ng maitim na plema nakakaranas rin ng hirap sa paghinga ang nagtataglay ng sakit na ito. Nalulunasan naman ito ng mga gamot na kung tawagin ay bronchodilators na nagbubukas sa lung passages.

Gamot sa plema sa lalamunan

Ang ating katawan ay laging nagkakaroon o nagpoprodyus ng mucus, o plema kung tawagin. Ang sobrang produksyon nito sa ating lalamunan ay kadalasang nagreresulta ng minor illness na hindi dapat balewalain, at nararapat ng agarang lunas.

Kaya’t importante na alam ang mga gamot at medication sakaling maramdaman ang pagkakaroon ng mucus o plema sa lalamunan.

Isa na maituturing sa self-care tips ang pag-inom ng mga over-the-counter na mga gamot upang mas mapangasiwaan ng maayos at maging maganda ang pakiramdam.

Tulad ng decongestant, na may iba’t-ibang uri. Maaaring ito ay isang tablet o capsules, liquid o syrups, at mga flavored powders. Mayroon ding mga nasal spray na decongestant na mabibili sa merkado.

Maaaring subukan ang Guaifenesin (Mucinex, Robitussin) na mapaninipis ang makapal na produksyon ng mucus o plema sa lalamunan. Tinatawag na expectorant ang ganitong uri ng gamot na tumutulong para sa kaluwagan ng paghinga at pakiramdam.

Para naman sa mga prescripted medicines, maaaring inumin ang mga Mucolytics, tukad ng hypertonic salin (Nebusal) at dornase alfa (Pulmozyme). Ito ay mga nakatutulong din para sa plema sa lalamunan na siyang lalanghapin mula sa nebulizer.

Ang mga over-the-counter treatment na ito ay tumatagal ng labindalawang oras, ngunit maganda pa ring sundan ang mga package instructions.

Dagdag na gamot din para sa plema sa lalamunan ay ang paggamit ng mga chest rubs, tulad ng Vicks VapoRub na mayroong eucalyptus oil na nakababawin ng potensyal na pagkakabuo-buo ng mga plema.

Maaari itong ipahid sa dibdib at leeg, tatlong beses bawat araw. Tandaan lamang na ang mga batang may mura at mas batang edad ay hindi dapat gamitin ng sobra ang chest rub na ito.

Self-care tips kung mayroong plema sa lalamunan

Ilan sa mga sumusunod ay ang paraan na maaaring gawin upang mabawasan ang maraming produksyon ng mucus o plema:

  • Magmumog ng mainit na tubig na may asin. Makatutulong ito hindi lamang sa pagbawas ng plema, kundi ang pagpatay din ng mga mikrobyo sa lalamunan.
  • I-humidify ang hangin. Makatutulong ito upang mapanipis ang makapal ng produksyon ng plema.
  •  I-elevate ang ulo.
  • Kung naninigarilyo ka, subukan itong itigil. Ang pagtigil sa paninigarilyo ay nakakatulong, lalo na sa malalang sakit sa baga tulad ng hika o COPD.
  • Iwasan ang mga irritant, pabango, kemikal, at polusyon. Ang mga ito ay maaaring makairita sa mga mucous membrane, na nagbibigay ng senyas sa katawan na gumawa ng mas maraming mucus o plema.
  • Uminom ng maraming tubig.

Larawan mula sa iStock

Halamang gamot para sa plema sa lalamunan

1. Luya

Ang luya ay mayroong therapeutic properties, kaya naman madalas itong ginagamit upang gamutin ang mga sipon. Ang luya ay nakakatulong na mapawi ang mga ubo at pinapaginhawa ang daanan ng hangin, habang gumagawa din ito ng paraan upang maalis ang matigas na plema.

2. Cayenne pepper

Ang sobrang ubo at plema ay maaaring maalis sa tulong ng cayenne pepper. Ang capsaicin ay isang compound sa cayenne pepper na tumutulong sa pagnipis ng mucus.

3. Bawang

Maaaring gamitin ang bawang bilang natural na expectorant na makakatulong sa pagbagsak ng plemang nabuo. Ang mga katangian ng anti-microbial ng bawang ay makakatulong sa paglaban sa mga impeksyon sa viral, fungal at bacterial na nagiging sanhi ng respiratory glands upang makagawa ng mas maraming plema.

Ang pagsasama ng mas maraming bawang sa iyong diyeta ay makakatulong sa pag-alis ng labis na plema sa katawan.

4. Pinya

Ang pinya ay isang prutas na makakatulong sa pag-alis ng plema. Ang pineapple juice ay naglalaman ng pinaghalong enzyme na tinatawag na bromelain.

Mayroon itong malakas na anti-inflammatory properties na makakatulong sa mga problema sa paghinga na nauugnay sa hika at allergy. Ang pineapple juice ay naglalaman din ng mucolytic properties na maaaring makatulong sa pagpapaalis at pagsira ng mucus.

5. Sibuyas

Ang pagbabad ng sibuyas sa tubig nang humigit-kumulang 6 hanggang 8 oras at ang pag-inom ng 3 hanggang 4 na kutsara ng tubig nito ay makatutulong sa pagpapabuti ng kalusugan at maiwasan ang pagkakaroon ng labis na plema dulot ng ubo, sapagkat kaya nitong pangasiwaan at alisin ang matinding ubong nararanasan.

6. Honey

Ang honey at mayroong antibacterial at antifungal na katangian na may magandang epekto sa paglilinis ng bara dulot ng plema. Hindi lamang ito ang kaya nitong gawin, kaya din nitong bawasan ang pangangati ng lalamunan mula sa plema. 

Tandaang kapag matagal nang masakit ang lalamunan o kaya naman may plema pa rin nang lagpas isang linggo mas mainam na magpagamot na sa isang doktor. 

 

Karagdagang ulat mula kay Jasmin Polmo

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.