Kumakain ng marumi ang bata? Nag-alala kung paano matitigil ang ginagawang ito ng iyong anak? Para sa isang ina na nagmula sa Phoenix, Arizona, USA, ay kabaligtaran ang paniniwala niya.
Mababasa sa artikulong ito:
- Bakit pinapayagan ng isang ina na pakainin ng lupa, bato at maduduming bagay ang baby niya.
- Tips kung paano matitigil ang bata sa pagkain ng madudumi.
Inang suportado ang pagkain ng dumi ng anak niya
Malamang bilang isang magulang, isa sa mga concern mo ay kung paano mapipigilan ang iyong anak sa paghawak at pagsubo ng maduduming bagay.
Para sa inang si Alice Bender mula Arizona, ito ay hindi isang bagay na dapat ipag-alala. Sapagkat si Alice hinahayaan ang kaniyang 8-month-old baby na si Fern na kumain ng marurumi.
Kabilang na ang bato, buhangin, sticks at pati na strap ng mga carts at trolley sa supermarket. Nakakabigla man pero ito ay totoo.
Sa katunayan, ang pagkain ng mga nabanggit na maduduming bagay ng kaniyang anak ay kinuhuhanan pa ng video ng 22-year-old na inang si Alice.
Ito nga ay ibinahagi niya pa social media app na TikTok na nag-iwan sa mga netizen na nakanganga at hindi makapaniwala sa nakikita nila.
Ang video nga na inupload ni Alice sa social media ay gumulat sa maraming mommies at caretakers. Sapagkat paniniwala nila dapat ay panatilihing malinis ang mga sanggol at ang kapaligiran nila sa lahat ng oras.
Habang may iilan din ang sinuportahan ang ginagawa ni Alice at sinabing ito ay paraan niya para ma-build ang natural immunity ng katawan ng kaniyang baby na si Fern.
Dinepensahan naman ng inang si Alice ang kaniyang ginagawa. Sabi niya walang dapat ikatakot sa mga dumi at natural lang na kumain ng mga ito ang mga baby tulad ng anak niya.
Larawan mula sa TikTok ni @comingupfern
Ayon sa ina hahayaan niyang gawin ito ng anak niya hanggang sa ito ay sumususo sa kaniya.
Ang video na ibinahagi ni Alice sa TikTok sa ngayon ay may higit sa 12 million views na. Habang hirit at sisi niya pa sa mga series of campaigns ng Western medicine na binago ng mga ito ang perspective ng publiko tungkol sa mga sanggol at bacteria.
Pagbabahagi ng inang si Alice pinapalaki niyang isang vegan ang kaniyang baby boy na si Fern. Ito rin ay hahayaan niyang kumain ng lupa, buhangin at iba pang maduduming bagay hangga’t ito ay exclusively breastfed sa kaniya.
Sa uploaded video na kinunan ni Alice ay maririnig pa itong nagsasabi na hindi siya natatakot sa bacteria. Sa katunayan ay wine-welcome niya pa umano ito. Sapagkat siya umano ay may tiwala sa kalikasan at sa anak niya.
Ang ginagawa nga umano na ito ng kaniyang anak ay natural instinct ng mga sanggol habang nagbe-breastfeed. Pahayag ni Alice,
“I do not fear bacteria. In fact, I welcome it. I trust nature and my baby. It is not a coincidence babies have this instinct while they are breastfeeding.”
Dagdag pa niya, ang mga sanggol ay dapat na ma-exposed sa mga bacteria habang sila ay pinapasuso. Sapagkat ang gatas naman umano ng ina ay nakakatulong para ma-build ang natural immune system ng kanilang katawan.
Hirit pa nga niya, ay dapat i-review at i-realize natin ang labis nating paniniwala sa pharmaceutical industry. Sapagkat mukhang mali ang ginagawa nating pagsunod sa mga sinasabi nila.
Dagdag pa ni Alice,
“Looking into the pharmaceutical industry as a whole made me realize so much of our society is built on us remaining customers to pharma. I think we all need to take a good look at our preconceived notions about health and figure out what made us this way.”
Image from TikTok by @comingupfern
Reaksyon ng mga netizens
Ang mga netizen ay may magkasalungat naman na opinion sa ginagawa ng inang si Alice. Bagama’t marami ang nagsabing inilalagay niya sa kapahamakan ang buhay ng anak niya.
Sabi ng isang netizen, “Hindi ka ba natatakot sa parasites? Ano ang gagawin mo para maprotektahan ang iyong anak sa posibilidad na makakain ng parasites sa duming isunusubo niya?”
Ganito rin ang pahayag ng isa pang netizen, “Lahat ng fun at games na iyong ginagawa ay mare-realize mong mali kapag nagkaroon na ng parasitic infection ang iyong anak.”
May mga netizens din naman sinuportahan ang ginagawa ng inang si Alice. Sabi pa nga ng isang netizen, “Ganito kung paano ma-build ang immune system ni baby. Go mom!”
Habang may isang netizen naman ang nagsabi na, “’Yong dumi hindi makakasakit. Pero ‘yong pangangatin mo siya ng belt sa grocery store hindi.”
Ito rin ang eksaktong ipinunto ng isang netizen. “Naiintindihan ko gusto mong i-build ang immune system ng anak mo. Pero paano naman kung masugat iyong tiyan niya sa mga stick at buhangin na kinakain niya?”
BASAHIN:
Anong ibig sabihin ng kulay ng dumi ni baby: Isang gabay para sa mga magulang
11 Pagkain na makakatulong para sa constipation ni baby
Kakaibang bacteria sa tiyan, posible raw sanhi ng autism sa bata
Benepisyong ibinibigay ng breastmilk sa mga sanggol
Baby photo created by valuavitaly – www.freepik.com
Oo nga’t ang breastmilk ay maraming benepisyong naibibigay sa mga sanggol. Sa unang buwan ng kanilang buhay ay dependent sila dito na kung saan nila nakukuha ang lahat ng nutrition requirements na kailangan nila.
Mas madali rin itong ma-digest kaysa sa formula milk at nagdadala ng mga antibodies para palakasin ang immune system ni baby.
Bagamat nakakagulat ay mayroong mga advocates talaga na nagsusulong na dapat ay pakainin ng dumi ang mga sanggol sa bata pa nilang mga edad. Ito nga ay mababasa sa 2016 book na “Let Them Eat Dirt” na nagpapaliwanag kung bakit kailangan nitong gawin ng mga sanggol.
Ang librong ito ay isinulat ni Brett Finlay at Marie-Claire Arrietta, mula sa University of British Columbia. Ayon sa kanila, ang pagkakaroon ng contact ng mga sanggol sa bacteria ay nakakatulong para ma-develop ang healthy immune system nila.
Ganito rin ang konklusyon ng isang pang libro na pinamagatang “Dirt Is Good”. Ito naman ay nailathala noong 2017 at isinulat nina Jack Gilbert at Robert Knight mula sa University of San Diego.
Bakit kumakain ng lupa ang mga bata?
Mahalagang malaman na natural talaga sa mga bata na kumain ng dumi o lupa. Ito ay dahil mas nagiging curious sila habang lumalaki sa mga bagay na nasa kanilang paligid.
Dito rin nila magagamit ang kanilang sensory organs para makahawak, makakita, makaamoy at makalasa ng kanilang mga kinakain.
Pero sa katagalan ay ititigil rin ito ng isang bata. Ngunit kung ito ay kaniyang ginagawa pa sa oras na siya ay pumapasok na sa eskwelahan, maaaring ito ay palatandaan na ng iron, zinc o calcium deficiency. Ito ang nagtutulak sa mga bata na kumain ng kung ano-ano na hindi naman dapat.
Siyempre, ang pagkain ng lupa ng mga sanggol ay napakadelikado. Halimbawa, ang malalaking bato ay maaring magbara sa kanilang maliliit pang bituka. Habang ang mga parasites naman at pesticides na nasa lupa ay maaaring maglagay sa seryosong panganib sa buhay nila.
Flower photo created by freepic.diller – www.freepik.com
Kumakain ng marumi ang bata? Ito ang dapat gawin upang ito ay matigil na.
Kung kumakain ng dumi, lupa, o bato ang iyong anak, narito ang mga dapat mong gawin upang ito ay matigil na.
- I-mop ang sahig ng antiseptic liquid kaysa sa walisan lang ito.
- Linisan o tanggalan ng alikabok ang iyong bahay ng madalas.
- Panatilihing malinis mula sa dumi ng hayop ang lupa sa inyong bakuran.
- Mas mainam na i-baby proof ang inyong garden.
- Siguraduhing mahugasan agad ang kamay at legs ng iyong sanggol matapos maglaro sa dumi.
- Kung ang iyong ang anak ay nakakain ng lupa at tila hindi mapalagay ay mabuting dalhin agad siya sa isang pediatrician. Bagamat madalas ito ay isa lamang phase na kusa ring lilipas.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!