Malaking problema ng mga magulang kapag ang kanilang anak ay nagkaroon ng kuto sa kanilang buhok o lice kung tawagin sa English. Ngunit sa kaso ng isang 12 years old na bata, hindi nito nagawang makaligtas dahil sa naging impeksyon dala ng pagkakaroon ng madaming kuto.
12-anyos, namatay sa kumplikasyon dahil sa sobrang daming kuto
Pumanaw noon lamang August 26 ang isang 12 years old na batang babae na si Kaitlyn Yozviak dahil sa cardiac arrest at severe anemia. Habang ang mga magulang nito ay naaresto dahil sa kasong murder dahil na rin sa suspetya ng kapabayaan sa pag-aalaga kay Kaitlyn.
Ayon sa imbestigasyon ni Special Agent Ryan Hilton ng Georgia Bureau of Investigation, nagkaroon ng madaming kuto ang batang babae bago ito mamatay. Hinihinala na tatlong taon ng may kuto si Kaitlyn at hindi ito nasusulusyunan.
12-anyos, namatay sa kumplikasyon dahil sa sobrang daming kuto | Image from Youtube
Dahil sa sobrang dami nitong kuto, naging dahilan ito ng pagbaba ng kaniyang iron level at kinalaunan ay nagkaroon na ito ng severe anemia. Anemia at cardiac arrest ang ikinamatay ng batang babae.
Bukod dito, napag-alaman na hindi naligo ng halos isang linggo si Kaitlyn bago mamatay.
Nang pumunta sa bahay nila ang mga imbestigador, nakita nilang madumi ang kama, mga laruan at iba pang gamit sa loob ng kuwarto ni Kaitlyn. Hindi na rin ito nakikita sa labas na naglalaro ng kanilang mga kapitbahay ng halos dalawang buwan na.
Inaresto ang mga magulang ng batang babae sa kasong murder dahil sa pagpapabaya sa kanilang anak.
12-anyos, namatay sa kumplikasyon dahil sa sobrang daming kuto | Image from Unsplash
Kuto o lice sa ulo
Ang kuto (in English ay lice) sa ulo ay isang insekto na maliit at naninirahan sa ating mga buhok. Sila ay nabubuhay sa pagsipsip ng dugo at madaling maipasa sa ibang ulo. Walang dala na bacteria o delikadong sakit ang mga kuto ngunit nakakapagdala ito ng uncomfortable feeling sa taong mayroon nito.
Sintomas ng kuto sa ulo
- Pangangati ng ulo – ito ang pinakakaraniwan na sintomas ng pagkakaroon ng kuto sa buhok. Kung napapansin mong laging nangangati ang ulo, leeg o tainga ng iyong anak, tignan agad kung may kuto ito. Ang pangangati ay dulot ng allergic reaction sa kuto.
- Pagkakaroon ng kuto – kung may makikita kang gumagapang na maliit sa ulo ng iyong anak, tignan agad ito at patayin kung nakumpirmang kuto.
- Pagkakaroon ng itlog ng kuto – mahirap makita ang itlog ng kuto dahil maliliit ito. Ngunit kadalasan silang makikita sa bandang tainga at hairline ng leeg.
- Pamumula – isa pang senyales na ang anak mo ay may kuto kapag nakakita ka ng maliliit na pulang bump sa ulo nito. Dala ito ng kagat ng kuto at pangangati.
12-anyos, namatay sa kumplikasyon dahil sa sobrang daming kuto | Image from Unsplash
Kadalasang napagkakamalan na itlog ng kuto ang balakubak, tuyong hair product o ibang insekto na nasa ulo. Kung sakaling mapansin mong may kuto ang iyong anak, ‘wag agad itong patagalin dahil mabilis itong dumami at maaaring makahawa pa sa ibang tao.
Maraming mabibili na shampoo na pampatay ng kuto sa mga botika.
‘Wag mag-atubiling pumunta sa doktor kung mapapansin mong kakaiba na ang pagkakaroon ng kuto ng iyong anak.
Source:
Daily Mail, Mayo Clinic
BASAHIN:
Kuto sa buhok: Sanhi, sintomas, at lunas
Mga batang ni-rescue, punong-puno ng kuto at sakit sa balat
Ito ang epekto sa bata kapag nakikita niyang nag-aaway ang magulang
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!