Natural na sa mga nanay na kapag nalaman nilang buntis sila ay halos ipagsigawan na sa buong mundo dahil sa sobrang saya. Sa katunayan, mayroong mga ganitong ina at wala namang masama rito.
May iba namang mag-asawa na mas pinipiling isikreto muna ang announcement na ito hanggang sa tamang panahon. At kadalasan ito ay sa pagpasok ni misis sa kaniyang pangalawang trimester—kung saan bumababa ang tiyansa na makunan ang isang ina.
-
Kuwento ng isang ina na nakunan at kung paano ang naging reaksyon ng kaniyang asawa
-
Listahan ng support groups sa Pilipinas
Isang nanay ang nagbahagi ng kaniyang karanasan sa Reddit. Kuwento niya, nais niyang itago sa kaniyang asawa na siya ay buntis hanggang sa pangatlong trimester nito. Ngunit hindi inaasahang may mangyayaring ikadudurog ng puso niya.
Nakunan na buntis
Ipinaliwanag ng 31-year-old na ina kung paano siya nakunan noong 2018 kung saan siya ay nasa 10th week ng kaniyang pagbubuntis. At hindi niya inaasahan ang naging reaksyon ng asawa sa nangyari. “I was devastated and it affected my mental/physical state,” bahagi nito.
“When I told my husband he said things like ‘What did you do?, ‘We have two healthy kids so why did this happen?’, ‘How did you mess this up?’, ‘Why couldn’t you take care of the baby?'”
“I thought this was his way of grieving about the situation since people react differently, but it still hurt to hear. I felt like I failed at being a mother.”
Sumailalim sa D&C (dilation and curettage) mag-isa ang babae dahil masyado raw busy ang kaniyang asawa para samahan siya. Dagdag pa ng asawa niya, dahil siya ang nakalaglag sa baby, siya dapat ang magsabi sa kanilang kaibigan at pamilya.
“It was a miserable experience,” dagdag pa niya. “and while I received the comfort from my family and in-laws, my husband still didn’t care.”
BASAHIN:
Loss of unborn baby: Mga dapat at hindi dapat sabihin sa mga stillbirth parent
Paano kakausapin ang iyong asawa pagkatapos makaranas ng stillbirth o miscarriage?
Tuloy-tuloy na naging miserable ang babae hanggang siya ay nagkaroon ng depression. Payo ng kaniyang nanay, mas mabuting magpa-counsel siya. Habang “tamad” naman ang tawag sa kaniya ng asawa niya. Sinunod ng babae ang payo at nagpa-counsel din. Pinuna rin ang naging asal ng kaniyang asawa at sinabing hindi na babalik.
Naghiwalay din ang mag-asawa ngunit nagulat ito nang humingi sa kaniya ng tawad.
“He saw he was being a straight-up a**hole towards me and has profusely apologized since then, promised to never verbally abuse me anymore, and couldn’t believe how he got away with the nasty things he put me through,”
Sinabi nitong nakatulong ng malaki ang therapy sa kanilang pagsasama.
Ngayon, siya ay pitong linggong buntis at alam niyang hindi pa siya handa na sabihin ito sa kaniyang asawa.
“December 11th is my last day of the first trimester,”
“I want to announce it for Christmas, but what if it’s too early? TBH I want to keep this a secret until I’m 28 weeks. I don’t show until then and it would be better because third-trimester babies have a higher chance of survival if anything happens, but I know that’s too long of a wait. I also can lose the baby at anytime as well, that’s why I’m hesitant on saying anything at all.”
Tanong niya sa kaniyang sarili, “What if I have another miscarriage? What if I tell our families again only for my stupid body to lose another baby? Or worse, what if my husband blames me again and we split for good? I’m actually f**king scared.”
Pagsuporta sa isa’t-isa
Marami ang sumusuporta sa babae ngunit may iba rin na sinasabing hindi niya kasalanan na malaglag ang bata.
Tanong ng isang user, “If you don’t trust your husband enough to tell him that you are pregnant, what on earth are you doing have a baby with this person?”
Sumang-ayon din ang isa pang user at sinabing, “The way he treated her over her previous miscarriage is messed up – that would have been the end of a marriage for me.”
Isang babae naman ang nagkomento sa kaniyang post kung saan kapareho ng kaniyang pinagdaanan. Ngunit ang kaibahan lamang nito, karamay niya ang kaniyang asawa sa nangyari.
“My rainbow baby is five months old tomorrow, and I spent the entire pregnancy scared to death, and I’m sure you’ll spend a good portion of this one feeling the same. You wouldn’t be the a**hole if you kept it from him and everyone else until you feel comfortable. That could be today, tomorrow, or on the way to the hospital to give birth. Quite frankly, I’m impressed you even got close enough to him to get pregnant again because I would have noped my way out.”
Support groups in the Philippines
Iba-iba ang paraan ng pag-cope ng mga inang nakaranas ng stillbirth o miscarriage. Pero isang tiyak na paraan na makatutulong ay kapag mayroon siyang mga nakilala na talagang makakaintindi sa kanyang pinagdadaanan at handang gumabay. Narito ang ilang support groups kung saan mayroong mga ina na marahil ay pareho ang naranasan katulad sa iyo.
1. Miscarriage, Stillbirth, & Child Loss Support Group by theAsianparent PH
Kung kailangan mo ng mga mommies na gagabay sa iyo para malagpasan ang lungkot o sakit na iyong nararamdaman, ang group na ito ay bukas para sa mga nais magbahagi ng kanilang kuwento at karanasan. Makakaasa ka rin na walang manghuhusga sa iyo at makakakuha ka ng suporta na iyong kailangan.
2. Stillbirth and Infant Loss Support Group
Kung nais mo namang i-appreciate ang iyong little angel, puwede kang magpost ng iyong mensahe para sa kanya sa group na ito.
3. Pregnancy Loss, Stillbirth & Miscarriage support group
Sa group naman na ito, mayroong rule na hindi puwedeng magbahagi ng tungkol sa pagbubuntis. Ito ay maaari kasing makaapekto sa mga inang nagmu-move on pa lamang mula sa kanilang sitwasyon. Ito rin ay para masigurong exclusive ang grupo para sa mga inang pare-pareho ang pinagdadaanan.
4. Infant Loss, Still Birth & Pregnancy Loss Support Group (Philippines)
Ito naman ay isang public group, kaya kung hindi ka kumportable na sumali sa mga exclusive groups o gusto mo lamang makabasa ng mga istorya ng ibang ina, ito ay pwede para sa iyo. Hindi mo rin kailangan na makipag-engage kung hindi ka kumportable na gawin ito.
This article was first published in KidSpot and republished on theAsianparent with permission.
Translated with permission from theAsianparent Singapore
Translated in Filipino by Mach Marciano
Karagdagang impormasyon mula kay Mayie