Hindi madali ang karanasan na mawalan ng anak. Maari itong magkaroon ng seryosong epekto sa mental health ng isang ina. Kaya naman narito ang ilang stillbirth support group in the philippines kung kailangan mo ng makikinig at makakaintindi sa’yo.
Stillbirth support group in the Philippines
Iba-iba ang paraan ng pag-cope ng mga inang nakaranas ng stillbirth o miscarriage. Pero isang tiyak na paraan na makatutulong ay kapag mayroon siyang mga nakilala na talagang makakaintindi sa kanyang pinagdadaanan at handang gumabay. Narito ang ilang support groups kung saan mayroong mga ina na marahil ay pareho ang naranasan katulad sa iyo.
Image from Freepik
Kung kailangan mo ng mga mommies na gagabay sa iyo para malagpasan ang lungkot o sakit na iyong nararamdaman, ang group na ito ay bukas para sa mga nais magbahagi ng kanilang kuwento at karanasan. Makakaasa ka rin na walang manghuhusga sa iyo at makakakuha ka ng suporta na iyong kailangan.
Kung nais mo namang i-appreciate ang iyong little angel, puwede kang magpost ng iyong mensahe para sa kanya sa group na ito.
Sa group naman na ito, mayroong rule na hindi puwedeng magbahagi ng tungkol sa pagbubuntis. Ito ay maari kasing makaapekto sa mga inang nagmu-move on pa lamang mula sa kanilang sitwasyon. Ito rin ay para masigurong exclusive ang grupo para sa mga inang pare-pareho ang pinagdadaanan.
Ito naman ay isang public group, kaya kung hindi ka kumportable na sumali sa mga exclusive groups o gusto mo lamang makabasa ng mga istorya ng ibang ina, ito ay pwede para sa iyo. Hindi mo rin kailangan na makipag-engage kung hindi ka kumportable na gawin ito.
Benepisyo ng support groups
Image from Freepik
Sa paanong paraan nga ba nakatutulong ang mga support groups? Sa pamamagitan ng pagbabahagi o pakikinig sa istorya ng ibang mga tao na pareho ang pinagdadaanan, mararamdaman mong hindi ka nag-iisa. Mas mararamdaman mo ang comfort sa mga support group dahil sensitive din sila sa iyong nararamdaman. Hindi ka makakaramdam ng panghuhusga dahil naiintindihan nila kung saan ka nanggagaling.
Ang pagsali sa mga support group ay mayroong iba’t ibang benepisyo para sa mga ina o maging sa pamilya.
Emotional Support
Sa support group, tiyak na makakilala ka ng mga taong may kaparehong pinagdaraanan sa iyo. Ang pagbabahagi ng experience sa’yong kapwa ay maaaring makagawa ng sense of understanding at empathy na mahirap mahanap sa mga taong iba ang pinagdaraanan sa atin.
Kung makikipag-usap tayo sa mga taong nakaranas din ng experience natin, matutulungan ka nitong ma-validate ang iyong pakiramdam at reaksyon. Sa pamamagitan nito, mababawasan ang lungkot, isolation at guilt.
Shared Experiences
Maaari din tayong matuto sa kapwa natin mommy na nakaranas ng stillbirth. Makapagbibigay sila ng insights sa kanilang grieving process at coping strategies na maaaring makatulong sa ating paghilom.
Karaniwan sa mga support group ay nagbibigay ng practical advice tulad ng coping strategies, pag-alaala sa iyong baby at pag-navigate ng challenges na kaugnay ng pagluluksa.
Bukod pa rito, mayroong mga support group kung saan ay may myembrong professionals, tulad ng counselors o therapists, na pwedeng makapagbigay ng guidance sa pag-manage ng iyong grief at healing.
Education at advocacy awareness
Nagbabahagi rin ang ilang mga myembro ng support groups ng mga impormasyon at resources tungkol sa grieving process, na maaari makatulong upang mas maintindihan mo ang iyong emosyon.
Dagdag pa rito, pwede ring magbahagi ng healthcare information ang bawat myembro upang mas maunawaan ng bawat isa ang sanhi ng stillbirth. Pati na rin ang mga paraan upang ito ay maiwasan.
Panghuli, makatutulong din ang pagkakaroon ng support group upang makapag-raise ng awareness tungkol sa stillbirth. Puwede rin itong mag-advocate ng research, resources, at policies na makatutulong sa pagsuporta sa mga apektadong pamilya.
Coping with loss
Image from Freepik
Bukod sa mga stillbirth support group in the Philippines, ano pa nga ba ang ibang mga paraan upang makapag-cope sa ganitong sitwasyon?
Maaring makatulong din sa iyo ang pagiging malapit sa pamilya. Subukang maging mas present kung ikaw ay mayroong ibang anak o di naman kaya ay mag-spend ng time kasama ang iyong asawa.
Magdiskubre ng bagong hobby. Maganda itong distraction at kapag nalagpasan mo na ang mahirap na sitwasyon na ito, puwede mo pang magamit ang hobby na ito bilang pagkakakitaan.
Pero mommy, kailangan mong malaman na hindi naman sa bilis ng pag-recover nasusukat ang healing. Hindi mo kailangang madaliin ang iyong sarili na maging okay. Kung sa tingin mo ay may mga araw na hindi mo talaga kayang bumangon, mag-relax lamang at ipahinga ang sarili. Ang mahalaga ay handa kang tulungan ang iyong sarili at hindi mo hahayaan na wala kang matutunan sa dagok o karanasan na ito.
Karagdagang impormasyon mula kay Jobelle Macayan
Basahin:
4-day-old baby biglang hindi huminga
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!