Kyla to husband Rich sa kanilang 10th anniversary: "Hanggang ngayon kinikilig pa rin ako"

Sa isang sweet post binati ng singer na si Kyla ang kaniyang asawa na si Rich Alvarez para sa kanilang 10th anniversary.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sampung taong pagsasama bilang mag-asawa, Kyla Alvarez, kinikilig pa rin.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Sweet message ni Kyla Alvarez kay Rich
  • Rich and Kyla Alvarez love story

Sweet message ni Kyla Alvarez kay Rich

Nag-share ng long and sweet message ang singer na si Kyla Alvarez sa asawang si Rich Alvarez sa kanilang 10th anniversary.

Kinikilig at natataranta pa rin ang singer sa tuwing nakakatanggap ng message mula sa asawa.

Kyla Alvarez at Rich Alvarez. | Larawan mula sa Instagram account ni Kyla Alvarez

Hanggang ngayon, kinikilig pa rin ako kapag hinahatid mo ako sa trabaho. Natataranta pa rin ako lumabas ng studio kapag nare-receive ko ang message mo na, “I’m waiting outside”, tuwing sinusundo mo ako.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Parang dati lang nuong nililigawan mo pa lang ako 16 years ago kapag sinasabi mong, “I’m outside your house.” Tumatakbo ako palabas ng gate para salubungin kita.

Nae-excite pa rin akong marinig ang, “I’m home!” kapag galing ka sa trabaho. Hindi ko na kailangan sabihin, pero ikaw lang nakakapagpa-taranta sa akin ng ganito.

You can ask everyone i know, it’s the truth. Mahal kita simula pa lang nung unang araw na nakita kita. Yihee!!! Kilig ka, noh? Haha! Pero totoo. I love you my sweetheart! Happy 10th year to us! @rich_alvarez.”

Samantala, nag-iwan naman ng short but sweet message si Rich kay Kyla.

“Always praying you live your best life and stay happy. I love you @kylaalvarez

Si Kyla at Rich may isa nang anak na si Toby.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Rich Alvarez, Toby Alvarez, at Kyla Alvarez | Larawan mula sa Instagram account ni Kyla Alvarez

BASAHIN:

Kyla Alvarez after third miscarriage: “I’d have dreams about me carrying a baby”

7 signs na mayroon kang anxiety sa relasyon ninyong mag-asawa

6 na epekto ng stress na pumapatay sa relasyon ng mag-asawa

Rich at Kyla Alvarez love story

Sa isang interview kay Kyla, ibinahagi niya kung paano sila nagkakilala ni Rich. Unang nagkakilala ang dalawa sa isang concert. Hanggang sa ipinakilala sila sa isat-isa ng kanilang common friend.

Ayon kay Kyla, si Rich ang unang lalaking nakitaan niya ng sincerity at hindi ika ito takot na harapin ang kaniyang mga magulang. Pagkukuwento ni Kyla,

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Before our first date, he asked my parents first to go on a dinner with him before he asked me. He really pursued me.

Dagdag pa ni Kyla, si Rich umano ang unang lalaki na naging sincere sa kaniya. Binibisita umano siya ni Rich noon halos araw-araw at hindi umano ito takot na harapin ang kaniyang mga magulang.

Kyla Alvarez at Rich Alvarez. | Larawan mula sa Instagram account ni Kyla Alvarez

“I was really happy about that. He has such high regard for his parents and I admire that about him kasi ganun din ako.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Si Rich ay ideal man para sa singer. Sa unang pagkakataon na nakita ni Kyla si Rich ay nagkaroon na siya ng special feeling para sa kaniya.

“From the moment I met him, I already liked him so so much. He’s not a perfect guy pero para sa akin, as cliche as it may sound, he’s perfect.

All the things that I like about a guy, he has it. Kumbaga, parang siya yung ideal man. He’s a family man, he loves God, he respects his parents, which is very important to me, my parents.”

Dagdag pa ni Kyla, hindi nakakalimutan ng asawa ang responsibilidad nito sa kaniya. Consistent ito simula pa noong sila ay magkarelasyon.

“It’s a breath of fresh air when I met him kasi iba siya. He’s very sweet, very thoughtful, even up to now as my husband, he never forgets responsibilities niya to me and to my son.

I love that about him na parang consistent siya from start up to now na parang “How can you not love this person?””

Pitong taon silang naging mag-boyfriend at girlfriend bago nag-propose si Rich kay Kyla.

Unang kinasal bilang civil wedding ang dalawa noong April 2011 at ikinasal sa simbahan noong November 2011.

Kasalukuyang may isang anak si Kyla at Rich – si Toby – at maayos ang pagsasama nila bilang mag-asawa. Sa katunayan, sinabi ni Kyla na hindi nagtatagal ang misunderstanding nila ni Rich. Agad nilang nireresolba ito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kyla Alvarez at Rich Alvarez. | Larawan mula sa Instagram account ni Kyla Alvarez

“We would have misunderstandings but then parang nareresolve siya kaagad within a few minutes. We face it right away. Tapos hindi kami natutulog nang magkagalit kami. ‘Yong isa sa amin, it’s either him or me, talagang magi-give in kaagad.”

“Parang ako, hindi ko kaya na galit siya sa akin or galit ako sa kanya nang matagal, parang matagal na yung isang oras, parang ganun din siya sa akin. It’s either magso-sorry ako or siya yung magso-sorry tapos tatawa na kami.”

Ilang taon man ang ibilang sa pagsasama ng mag-asawa, mahalagang maging matatag ang relasyon para sa mas matibay na pagsasama ng pamilya.

Happy 10th anniversary Rich at Kyla Alvarez.

Source:

Instagram

Sinulat ni

Kyla Zarate