Kylie Padilla on failed marriage with Aljur Abrenica: “Pinaglaban ko pa rin hanggang sa dulo na paninindigan ko ‘yung ginawa naming kasal.”

Si Kylie wala daw pagsisi sa naging marriage nila ni Aljur. Lalo na sa tuwing nakikita niya na may magandang relasyon ang mga anak niya sa kanilang ama.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kylie Padilla ibinahagi ang mga natutunan niya sa failed marriage nila ng mister na si Aljur Abrenica.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Kylie Padilla sa failed marriage nila ng mister na si Aljur Abrenica.
  • Mga natutunan ni Kylie sa kaniyang karanasan.

Kylie Padilla sa failed marriage nila ng mister na si Aljur Abrenica

Larawan mula sa Facebook account ni Kylie Padilla

Dalawang taon narin ang nakalipas ng kumpirmahin ng aktres na si Kylie Padilla na tuluyan na silang naghiwalay ng mister niyang si Aljur Abrenica. Sa panayam sa kaniya ng beteranong talkshow host na si Boy Abunda ay ibinahagi ni Kylie na hanggang ngayon ay may sakit at kirot parin sa kaniya ang naging hiwalayan nila ng mister. Pero hindi ito umano para sa sarili niya. Ito ay para sa mga anak niya. Dahil ang mga ito daw ang dahilan kung bakit ipanaglaban niya hanggang sa huli ang pagsasama nilang mag-asawa.

“Because I made the promise of marriage, sabi ko sa sarili ko, ‘If I’m unhappy now and magiging ganito na ‘yung setup namin, ipaglalaban ko pa rin para sa mga anak ko.'”

Ito ang bahagi ng pahayag ni Kylie sa panayam sa kaniya ni Boy Abunda.

Ang mga anak daw niya ang naging driving force ni Kylie noon para i-save pa ang pagsasama nila ni Aljur. Kahit pag-amin niya ay hindi na siya masaya at labis na nasasaktan na.

Mga natutunan ni Kylie sa kaniyang karanasan

Larawan mula sa Facebook account ni Kylie Padilla

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pag-amin pa ni Kylie, ay hindi naman talaga siya naniniwala sa kasal. Pero para sa mga anak ay nagpakasal siya at ginawa ang lahat para mabigyan sila ng buong pamilya.

“Galing ako sa broken family so ayokong matulad ‘yung mga anak ko.”

“I made a promise talaga to myself e, na kahit na I went through a postpartum no’n pinaglaban ko pa rin hanggang sa dulo na paninindigan ko ‘yung ginawa naming kasal. The fact that it wasn’t returned, masakit sa akin.”

Ito ang sabi pa ni Kylie.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang hirap at sakit na ito ay tiniis ni Kylie hanggang sa huli. Pero hindi parin napigilan ng sakripisyo niya ang paghihiwalay nila ni Aljur. Magkaganoon pa man ay hindi ito naging dahilan para ilayo ni Kylie ang mga anak sa ama. Sabi pa nga ng aktres, wala siyang pagsisisi sa mga nangyari.

Larawan mula sa Instagram account ni Aljur Abrenica

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Walang pagsisisi, wala, kasi my kids have a really good relationship with their dad until now. And one thing that I don’t want them to go through is wala silang tatay or maramdaman nila na wala silang tatay so wala akong pagsisisi.”

Si Kylie bilang isang single mom ay may mensaheng iniwan para sa mga anak niya.

“Kung ano man ‘yung challenges natin in our family, just know that we’ll always be a family and buo tayo. I’ll always be here for you,” she said. “I’ll always be your mother. Mahal na mahal ko kayo and tanggap ko kayo kung sino kayo.”

Pagdating naman sa naging karanasan sa pagsasama at hiwalayan nila ni Aljur, ito ang natutunan ni Kylie.

“I wish nagtira ako para sa sarili ko kasi I gave my all talaga.”

Ito ang sabi pa ni Kylie.

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement