TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Paano naapektuhan ng labis na kalungkutan ang ating kalusugan

3 min read
Paano naapektuhan ng labis na kalungkutan ang ating kalusugan

Huwag mag-atubili na lumapit sa iyong mga kaibigan dahil malaki ang maitutulong nila sa iyong kalusugan. Alamin kung paano.

Dumating na ba sa punto ng iyong buhay na ikaw ay nagmukmok at nagnais na maging mapag-isa dahil sa labis na kalungkutan? Marahil ay oo dahil lahat tayo ay may iba’t-ibang mabibigat na pinagdadaanan sa buhay.

Ngunit alam mo bang may masamang epekto pala sa kalusugan ang labis na kalungkutan? Isang pag-aaral sa Estados Unidos ang nagpatunay na nakakapagpaiksi ng buhay ng tao ang kalungkutan kung hindi ito maaagapan.

labis na kalungkutan

Epekto ng labis na kalungkutan sa kalusugan ng tao

Itinuturing na isang epidemya sa mundo ang labis na kalungkutan sa mga tao. Lumabas sa isang survey ng American Association of Retired Persons (AARP) noong 2018 na higit one third ng mga adult na may edad 45 pataas ay kinokonsiderang malungkot.

Iniuugnay ang kalungkutan sa pagkakaroon ng mahinang kalusugan. May physiological effect ito ayon sa pag-aaral ng University of Chicago kung saan lumabas na nababago ng labis na kalungkutan ang istruktura ng mga cells sa katawan ng tao na nagiging dahilan ng pagkakasakit nito.

Sinang-ayunan din ito ng isa pang pag-aaral na ginawa sa National Academy of Sciences kung saan napatunayan na ang stress dulot ng labis na kalungkutan ang siyang nagpapahina sa immune system ng tao at nagsasapanganib ng pagkakaroon ng inflammations sa iba’t-ibang parte ng katawan. Ilan sa mga halimbawa nito ay ang pagkakaroon ng sakit sa puso, type 2 diabetes, rayuma at alzheimer’s disease.

Nagbubunsod din ang kalungkutan ng paggawa ng mga maling desisyon sa buhay at pagkakaroon ng unhealthy lifestyle ng isang tao gaya ng paglalasing, paninigarilyo, pagkain ng hindi masusustansiyang pagkain, at paggamit ng mga ipinagbabawal na gamot.

Sa madaling salita, kinakailangan ng bawat tao ng mahihingahan ng kanyang loob upang mailabas ang kalungkutan na nararamdaman nito.

labis na kalungkutan

Paano nakakatulong ang pamilya at mga kaibigan upang maiwasan ang labis na kalungkutan

“Having a reliable support system goes a long way to decrease stress in our lives, and less stress means that we are happier and healthier overall,” sabi ni Nathalie Theodore, isang licensed clinical social worker at therapist sa Chicago, Illinois.

Nailathala sa Journal of Health and Social Behavior na ang pagkakaroon ng positibong relasyon sa kapwa ay nagdudulot ng kapanatagan sa isang tao. Napapababa ng pakikisalamuha ang blood pressure, stress hormones at nagiging normal ang heart rate ng isang tao.

Bilang paalala, may mga kaibigan o kamag-anak na ‘toxic’ sa ating buhay na kailangan nating iwasan kaya tulad ng payo ng ating mga magulang, pumili ng mabubuting kaibigan na may mabuti ring impluwensiya sa iyo.

Bagaman madali na ang pakikipag-usap ngayon sa ibang tao sa pamamagitan ng social media at Internet, ipinapayo ni Theodore na mas mainam pa rin ang harapang interaksyon sa kapwa.

“Communicating with friends online doesn’t fulfill our needs for connection and intimacy the same way that socializing in person can,” aniya.

“However, that alone may not be sufficient to prevent friendships eventually dying naturally if they are not occasionally reinforced by face-to-face interaction.” dagdag niya.

 

Ikaw, kailan ka huling lumabas kasama ng iyong pamilya at mga kaibigan? Subukang makipag-bonding muli sa kanila upang maiwasan ang pagkakaroon ng labis na kalungkutan sa buhay.

 

Source: Livestrong, University of Chicago

Images: Shutterstock

BASAHIN: Mental Health Law: Mga benepisyo para sa may postpartum depression

Partner Stories
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
Alamin ang Vitamin Combo na Para Sayo at sa Nerves Mo!
Alamin ang Vitamin Combo na Para Sayo at sa Nerves Mo!
Fact vs. Myth: What Every Filipino Parent Needs to Know About Obesity
Fact vs. Myth: What Every Filipino Parent Needs to Know About Obesity
The Effect of Pure Vitamin E on One’s Beauty and Immunity
The Effect of Pure Vitamin E on One’s Beauty and Immunity

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Yddette Civ Alonzo-Cruz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Kalusugan
  • /
  • Paano naapektuhan ng labis na kalungkutan ang ating kalusugan
Share:
  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • 8 Mahahalagang Bagay na Dapat Tandaan Tungkol sa Meningitis at Meningococcemia

    8 Mahahalagang Bagay na Dapat Tandaan Tungkol sa Meningitis at Meningococcemia

  • This Mom Couldn’t Drink Coffee While Breastfeeding—So She Built an Empire Around It

    This Mom Couldn’t Drink Coffee While Breastfeeding—So She Built an Empire Around It

  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • 8 Mahahalagang Bagay na Dapat Tandaan Tungkol sa Meningitis at Meningococcemia

    8 Mahahalagang Bagay na Dapat Tandaan Tungkol sa Meningitis at Meningococcemia

  • This Mom Couldn’t Drink Coffee While Breastfeeding—So She Built an Empire Around It

    This Mom Couldn’t Drink Coffee While Breastfeeding—So She Built an Empire Around It

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Vietnam flag Vietnam
© Copyright theAsianparent 2026. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko