Ang toxic na kaibigan ay maaring makasama sayo imbis na makatulong at maging kaagapay mo.
Ito ay ayon kay Dr.Andrea Bonior, isang clinical psychologist at author ng The Friendship Fix: The Complete Guide To Choosing, Losing And Keeping Up With Your Friends.
Dagdag pa ni Dr. Bonior, masasabing toxic ang isang kaibigan, kung ito ay nagdudulot ng stress, sadness at anxiety sa ‘yo. Lalo pa kung hindi siya nakakatulong sa kahit anong paraan para sa improvement ng pagkatao mo.
Ang isang toxic na kaibigan din ay maari maka-drain sayo at higit sa lahat ay maging dahilan upang mawalan ka ng tiwala sa sarili mo.
Bilang isang ina, ang dami na rin nating kailangang alalahanin—asawa, mga anak, pagpapatakbo ng bahay, at career. Hindi na natin kailangan ng additional stress mula sa mga toxic na kaibigan na nagbibigay lamang ng negativity sa buhay natin.
Napapaisip ka ba kung sino sa mga list of friends mo ang toxic? Huwag kang mag-alala, narito ang mga sensyales ng toxic na kaibigan na dapat mo ng agad iwasan ayon sa mga psychologist.
13 signs ng toxic na kaibigan
1. Hindi mutual o balance ang inyong relationship.
Kung ang iyong kaibigan ay palaging nangangailangan ng tulong pero hindi naman kayang suklian kahit ang pinakamaliit na pabor na hinihingi mo, isa siyang “certified toxic.”
Ayon nga kay Dr. Bonior, ang malaking imbalance na ito sa dapat ninyong give and take relationship ay isang palatandaan na ng isang toxic friendship. Gaya nalang din ng isang kaibigan na laging bida sa kuwentuhan pero kapag ikaw na ang magsasalita ay biglang umaalis at may ibang lakad na.
Dagdag pa ni Dr. Bonior, napaka-importante na dapat bawat isa sa atin ay maintindihan na ang pagkakaibigan ay flexible. Ngunit kung ang pattern ay ikaw nalang lagi ang nabibigay at hindi ito nasusuklian sa loob na ng mahabang panahon, isa na itong palantandaan na ang inyong friendship ay hindi magiging sustainable.
2. Hindi mo na sila pinagkakatiwalaan.
Sabi ni Dr. Bonior, kung hindi mo pinagkakatiwalaan ang iyong kaibigan isa na itong palantandaan na hindi magtatagal ang inyong friendship.
Halimbawa, ang isang toxic na kaibigan ay maaring sabihin na susundin ka sa airport pero biglang magba-back-out sa last minute.
Bagamat normal lang naman na makasira ng pangako ang isang tao ngunit kung ito ay paulit-ulit ng ginagawa ng kaibigan mo sayo, mahihirapan ka ng magkaroon ng level ng affection na magpapanatili ng magandang pagkakaibigan sa pagitan ninyo.
Ayon naman iyan kay Dr. Jill Squyres na isa ring clinical psychologist.
3. Ayaw mo ng i-check ang cellphone mo dahil baka nag-text o tumawag ang kaibigan mo.
Ayon parin kay Dr. Squyres, ang isang mabuting kaibigan ay dapat nagbibigay sayo ng happiness sa tuwing siya ay tatawag o magtetext.
Pero kung ang kaibigan mo ay nagpapainit lang ng ulo mo at nagbibigay lang sayo ng rolling eyes reaction sa tuwing magtetext o makaka-alalang tumawag sayo, ito ay isang palatandaan na kailangan mo ng pindutin ang “Do not disturb” button sa inyong pagkakaibigan.
4. Hindi ka na masayang kasama sila.
Ayon naman kay Dr. Elizabeth Lombardo, isa pa ring clinical psychologist, ang isang kaibigan na nagbibigay lang sa ‘yo ng anxiety, headaches o stomach disturbance kapag kasama mo ay hindi na worth ng iyong friendship.
Dapat ang isang kaibigan ay nagbibigay sayo ng kasiyahan at kasama mong nangongolekta ng magagandang karanasan at hindi puro negative thoughts lang ang laging iiwan.
5. Hindi mo gusto ang sarili mo kapag kasama mo sila.
Ang isang toxic na kaibigan ay madaling makahawa ng kanilang toxicity sa iba, ayon ulit iyan kay Dr. Bonior.
Sila ang mga kaibigan na nagiging dahilan upang gumawa ka ng mga bagay na hindi kaaya-aya tulad ng paglalasing, pagtsitsismis o pagiging agresibo na hindi tulad ng dating ikaw. Ito daw ay palantandaan ng isang toxic na kaibigan na dapat ay naglalabas ng “the best in you” at hindi ang bad side mo.
6. Alam mong nagsasabi sila ng hindi maganda tungkol sayo.
Ayon parin kay Dr.Bonior, may mga dahilan kung bakit may mga kaibigan na may nasasabi sayo pero hindi ito kayang sabihin sa harap mo. Ito ay dahil concerned sila pero hindi lang nila masabi ito ng diretso dahil maaring makasakit ng feelings mo.
Pero may mga kaibigan naman na gagawing katuwaan ang mga pagkakamali mo at ipagkakalat sa iba ang mga hindi magagandang kuwento sayo. Ang gawing ito ay isang palatandaan ng toxic na kaibigan na hindi worth ng oras at pagtitiwala mo.
7. Nakikipag-kumpetensya ka sa kanila.
Hindi maiiwasan ang competition sa pagitan ng magkakaibigan lalo pa kung nasa pareho kayong fields. Pero magka-ganun pa man dapat ay mayroon parin kayong good feelings sa isa’t-isa at hinahangad lagi ang ikabubuti ng bawat isa.
Ayon parin kay Dr. Bonior, normal din daw na makaramdam ng pagseselos paminsan-minsan pero hindi na ito healthy kung lagi nalang kayong nagpapaligsahan at gusto mong manalo lang ng paulit-ulit laban sa kaniya o kanila. Isa rin daw itong palantandaan na nasa isang toxic friendship zone ka na.
8. Pakiramdam mo ay wala na silang magandang intensyon sa pagkakaibigan ninyo.
Walang pagkakaibigan ang perfect. Ang isa sa bawat magkakaibigan ay nakakagawa ng pagkakamali sa friendship nila. Pero ang mga ito ay normal lamang, nagkakaiba lang ito kung ang pagkakamaling ginawa ng kaibigan mo ay may mabuting dahilan para sayo o ginawa dahil sinasadya niyang saktan o gumawa ng masama sayo, dagdag ni Dr. Bonior.
9. Hindi ka nagde-depend sa advice nila.
Magulo ang buhay kaya naman minsan kailangan natin ng payo mula sa ibang tao na madalas ay nakukuha natin sa ating mga kaibigan. Pero kung humingi ka ng advise sa iyong kaibigan at agad na pinagsisihan ito, isa na itong palatandaan na toxic ang kaibigan mo.
Ito daw ay dahil nararamdaman mong ang payo na ibinibigay niya sa iyo ay one sided at minsan ay hindi realistic. Dito masasabi mo na hindi nakikinig o hindi sila nakikisimpatiya sa mga nararamdaman mo, ayon iyan kay Dr. Squyres.
10. Nahihiya ka sa kung paano nila itinatrato ang iba.
Isa pa sa palatandaan ng toxic na kaibigan ay ang hindi marunong rumespeto sa mga taong mahalaga sa ‘yo gaya nalang sa partner o iba pang kaibigan mo. Sila rin ang mga kaibigan na laging nagdudulot ng gulo at nagpapahiya sayo.
Kahit na ba minsan ay mabait silang makitungo ngunit mas madalas namang idinadamay ka lang sa gulo, ang toxic na kaibigan na ito ay hindi na worth ng friendly time mo.
11. Gumagawa ka ng excuses para sa kanila.
Dagdag pa sa lagi kang dinadamay at binibigyan ng sakit ng ulo, ang isang toxic na kaibigan ay laging magtutulak sayo ng gumawa ng excuses para sa kanila lalo na sa mga bad o hindi kaaya-ayang behavior na pinapakita nila sa ibang tao.
12. Feeling mo ay ginagamit ka lang.
Ang isang kaibigan ay dapat laging iniisip na may pantay na responsibility kayo sa inyong pagkakaibigan. Pero kung feeling mo ay ginagamit ka lang lalo na kapag bayaran na ng bill sa pagkaing kinain niyo hindi na ito healthy.
Tulad nga ng sinabi ni Dr. Bonior ang isang pagkakaibigan ay dapat balanse at hindi dapat isa lang ang laging nagbibigay.
13. Hindi mo alam kung bakit kaibigan mo sila.
Minsan ay mapapaisip ka kung bakit mo sila naging kaibigan samantalang wala na silang magandang naidulot sayo. Pero hindi mo na responsibilidad na baguhin sila dahil kung talagang tunay ang pagtingin nila sa pagkakaibigan ninyo sila mismo ang magaadjust para mas maging matibay at pang-matagalan ang relasyon ninyo.
Pero paano nga ba putulin ang relasyon mo sa mga toxic na kaibigan na pumapaligid sayo?
Ayon kay Dr. Squyres kung hindi ka pa sigurado kung puputulin mo na ba ang friendship sa pagitan ninyong dalawa ay maari kang makipagusap sa ibang tao para makumpirma ang mga naiisip mo tungkol sa iyong toxic na kaibigan.
Maari ka ring mag-set ng limitasyon o boundaries sa pagitan niyo gaya ng pagtanggi sa mga oras na kinakailangan ka niya lalo na kung small matters lang naman ito na kaya niya namang i-handle mag-isa.
Mula diyan ay dahan-dahan kang mawawala sa toxic friendship na mag-wowork lang kung marerealize ng pareho niyong side ang naging problema sa friendship ninyo.
At kung sakali namang magreach-out ang toxic na kaibigan mo na ito at gusto pang i-workout ang friendship ninyo, ito ay maaring dahil hindi siya aware noong una sa kaniyang ginawa na ngayon ay napag-isipan niya na at deserving pang bigyan ng second chance.
Ngunit kung sa paniniwala niya ay ikaw parin ang may kasalanan sa failure ng friendship niyo ay dapat mo ng siyang kumprontahin. Mula doon ay ipaalam sa kaniya ang mga pagkakamali niya at panindigan ang desisyong puputulin mo na ang unhealthy na friendship sa pagitan ninyong dalawa.
Source: Women’s Health
Basahin: This sweet dad proves that friendship after divorce is possible!
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!