Lady pills paano inumin? Isa ang lady pills sa mga kilalang contraceptive pills sa Pilipinas. Anu-ano nga ba ang benepisyo at side effects ng pag-inom ng lady pills? Paano ang tamang pag-inom ng lady pills? Alamin dito!
Talaan ng Nilalaman
Lady pills paano inumin? Ano ang Lady Pills
Ang Lady pills ay isa sa mga contraceptive pills na ginagamit ng karamihan sa mga babaeng Pilipino.
Isa itong combined oral contraceptive na mayroong 28 piraso ng pill sa isang pakete. Ito ay may 21 active beige tablet pills na may taglay na levonorgestrel 150 mcg at ethinyl estradiol, 30 mcg. Habang ang 7 white tablet pills naman nito ay nagtataglay ng 40 mg na lactose.
Ang ethinyl estradiol ay synthetic version ng estrogen. Samantala ang levonorgestrel naman ay artificial form ng hormone na progestin.
Maaari din itong gamiting emergency contraceptive pills kung saan posible nitong mapigilan ang pagbubuntis kapag nainom sa loob ng 72 hours matapos ang unprotected sex.
Lady pills paano inumin? Ano ang side effect ng lady pills?
Ano ang side effect ng lady pills? Ang oral contraceptive pills ang isa sa mga inaral at sinaliksik mabuti sa kasaysayan ng modern medicine, at matagal nang napatunayan ang kaligtasan ng pag-inom nito. Pero tulad ng iba pang oral contraceptive pills, mayroon ding side effects ang pag-inom ng lady pills.
Ilan sa mga lady pills side effects ay:
- Pananakit ng ulo
- Pananakit ng tiyan
- Pagduduwal
- Pagsusuka
- Pananakit ng puson
- Pagbabago sa appetite
- Breast tenderness
- Pagbabago sa timbang
- Libido o kawalan ng gana sa sex
- Depressive moods
- Problema sa atay
Kung ang birth control pill ay nagdulot ng mga side effects, magpakonsulta sa doktor at magpalit ng pills hanggang sa mahanap ang pills na hiyang sa’yo.
Benepisyo ng pag-inom ng Lady pills
Lady pills paano inumin? Ang tamang pag inom ng lady pills ay nakapagdudulot ng mabuting epekto sa katawan ng babae. Bukod sa ito ay birth control pills, mayroon din itong benepisyo sa kalusugan. Narito ang ilan sa mga benepisyo ng tamang pag inom ng lady pills:
Birth control
Tulad ng ibang pills ang Lady pills ay ginagamit upang mapigilan ang pagbubuntis. Umeepekto ito sa pamamagitan ng pagpigil sa ovary ng babae na mag-release ng egg cell. Pinapakapal din nito ang vaginal fluid ng babae na hinaharangan at pinipigilan din ang sperm cell ng lalaki na marating at ma-meet ang egg cell ng babae. Binabago rin nito ang lining ng uterus ng babae dahilan upang hindi kumapit dito ang fertilized egg.
Iba pang benepisyo ng lady pills:
- Iniibsan ang sakit na dulot ng dysmenorrheaat ginagawang regular ang regla
- Pag-iwas na magkaroon ng ovarian cysts
- Pinakikinis ang balat, nalulunasan ang acne breakout, at posibleng magpalaki ng suso
Gamot sa pcos
Ginagamit din ang Lady pills bilang gamot sa mga sakit tulad ng polycystic ovary syndrome (PCOS) at endometriosis o uterine fibroids. Sinasabing nakakapagpababa rin ito ng risk sa pagkakaroon ng ovarian cancer, uterine cancer, at colon cancer.
BASAHIN:
10 na maling paniniwala tungkol sa pag-inom ng contraceptive pills
Lady pills paano inumin? Tamang pag-inom ng Lady pills
Ang tamang pag-inom ng Lady pills ay dapat simulan sa unang araw ng regla o menstruation ng isang babae. Saka tuloy-tuloy na inumin ito araw-araw at hanggat maari sa parehong oras.
Ang regla ay maaring dumating dalawang araw matapos inumin ang kulay beige na tablet pills. At kailangang magsimula ng panibagong pakete sa oras na maubos na ang huling puting tablet pill.
Kung sakali namang malimutang uminom ng isang pill sa oras ay agad na inumin ang missed pill kapag ito ay iyong naalala. Dapat ito ay hindi lalagpas ng 12 oras mula sa scheduled time ng iyong pag-inom.
Saka inumin ang sumunod na pill sa parehong oras. Nangangahulugan ito na maaring uminom ng dalawang pill sa isang araw. Siguraduhin lang na ang mga susunod na pill ay iinumin sa parehong oras na araw-araw.
Sa oras naman na makalimutan mong uminom ng dalawang active pills sa una o pangalawang linggo ng pag-inom ng Lady pills ay uminom ng tig-dalawang pills sa isang araw sa loob ng dalawang araw na magkasunod.
Saka ipagpapatuloy ang pag-inom ng mga natirang pills ng isa kada araw sa parehong oras. Mas makakabuti ring gumamit ng back-up birth control method tulad ng condom sa mga susunod na pitong araw para makasigurado.
Kung nakalimot namang uminom ng 3 active beige pills ay agad na komunsulta sa iyong doktor para malaman kung ano ang dapat gawin.
Sa ganitong pagkakataon, mas mabuting umiwas munang makipagtalik o gumamit ng back-up contraceptive method tulad ng condom.
Lady pills paano inumin? Sino ang maaaring gumamit nito
Kung ikaw ay mayroong high blood pressure, diabetes, high cholesterol, o kung overweight. Mataas ang panganib ng stroke o blood clot sa unang taon ng pag-inom ng birth control pills. O kaya naman kapag muling gumamit nito matapos huminto ng apat na linggo o higit pa.
Kaya naman mahalagang kumonsulta muna sa iyong doktor bago uminom nito gayundin bago ihinto ang paggamit nito.
Lady pills paano inumin? Mga dapat tandaan sa pag-inom ng lady pills
- Huwag gumamit kapag naninigarilyo- Mas mataas ang panganib ng pagkakaroon ng blood clots, stroke at heat attack kung ikaw ay naninigarilyo.
- Bawal sa buntis –Kung ikaw naman ay bagong panganak, maghintay muna ng apat na linggo bago ulit gumamit nito.
Huwag ding gumamit ng birth control pills kung ikaw ay may:
- Hindi nagamot o nacontrol na high blood pressure;
- Sakit sa puso;
- Circulation problems (lalo na kung dahil sa diabetes);
- History ng hormone-related cancer, o breast cancer, uterus/cervix, o vagina;
- Hindi pangkaraniwan na pagdudugo na hindi pa napapakonsulta sa doktor;
- Sakit sa atay o liver cancer;
- Umiinom ng gamot para sa Hepatitis C na may ombitasvir/paritaprevir/ritonavir (Technivie).
Ang paggamit din ng pills na ito ay nakakapagpababa ng produksyon ng gatas kaya’t huwag gumamit nito kung ikaw ay nagpapasuso.
Nakakataba ba ang lady pills
Narinig mo na rin siguro ang ilang sabi-sabi na nakakataba ang pag-inom ng contraceptive pills. Ngunit ayon sa artikulo ng Healthline na may pamagat na “Oral Birth Control and Weight Gain: What You Need To Know,” maraming pag-aaral ang tumataliwas sa kaalaman na ang birth control pills ay nagdudulot ng weight gain o pagtaba.
Nakakataba ba ang lady pills? Ang pagdagdag ng timbang sa mga babaeng umiinom ng hormonal birth control ay temporary o pansamantala lamang at ito ay posibleng dahilan ng water retention sa katawan at hindi actual weight gain.
Karagdagang ulat mula kay Shena Macapañas
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan, at napapanahon, ngunit, hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.