Buntis ba ako o delayed lang?

Buntis ba ako o delayed lang?

Narito ang mga early signs ng pagbubuntis. Pati na ang ibang dahilan ng delayed period maliban sa pagdadalang-tao.

1 week delay buntis na ba o may ibang dahilan pa?

1 Week Delay Buntis Na Ba

Image from Freepik

1 week delay buntis na ba?

Ang delayed period ang isa sa pangunahing sintomas ng pagbubuntis sa mga babae. Ngunit, ito ay maaring palatandaan rin ng pagkakaroon ng irregular period na maaring dulot naman ng ilang kondisyong pangkalugusan. Ang mga dahilan na ito ay ang sumusunod:

Mga dahilan ng delayed period ng isang babae

1. Stress

Ang pagiging sobrang stress ay maaring magdulot ng malaking pagbabago sa normal na takbo ng ating katawan. Maari itong magdulot ng hormone imbalance at kaya nitong maapektuhan ang hypothalamus o parte ng utak na responsable sa pagreregulate ng regla.

Kung pakiramdam mo stress ang dahilan ng pagka-delay ng iyong regla ay mag-praktis ng relaxation techniques at magkaroon ng pagbabago sa iyong lifestyle. Ayon sa mga eksperto, isa sa pinakamagandang paraan ng pag-aalis ng stress sa katawan ay pag-eexercise.

2. Low body weight o pagiging overweight

Ang pagkakaroon ng 10% na mas mababang body weight sa normal range ng katawan ng tao sa iyong height ay maari ring makaapekto sa pagkakaroon ng delayed period. Dahil binabago nito ang functions ng katawan at tinitigil ang ovulation. Kaya naman kung nakakaranas ng eating disorder ay dapat ng humingi ng tulong sa isang eksperto upang ito ay maitama.

Ganito rin ang epekto sa katawan ng isang babaeng labis ang katabaan o obese. At tulad ng stress isa sa pinakamagandang paraan upang masolusyonan ito ay pag-eexercise at pagkakaroon ng healthy diet plan.

3. Polycystic ovary syndrome (PCOS)

Isa naman sa maaring seryosong dahilan ng pagkakaroon ng delayed period ay ang Polycystic ovary syndrome o PCOS. Ito ang kondisyon na kung saan nagproproduce ng mas maraming male hormones ang isang babae. Bumubuo ito ng cyst sa ovaries na nagdudulot ng hormone imbalance. Ito ang nagpapatigil o nagiging dahilan upang maging irregular ang buwanang regla ng isang babae.

1 Week Delay Buntis Na Ba

Image from Freepik

4. Paggamit ng birth control

Ang paggamit ng birth control pills ay maari ring magdulot ng delayed period sa mga babae. Dahil ito ay may taglay na estrogen at progestin hormones na maaring magdulot ng pagbabago sa ovaries. Ganito rin ang epekto ng mga implants at injectable na uri ng birth control. Lalo na kung biglang tumigil ang isang babae sa paggamit ng mga birth control method na ito.

5. Diabetes

Maaring dulot rin ng chronic disease ang pagkakaroon ng delayed period. Ito ay maaring dahil sa diabetes o celiac disease na naapektuhan ang menstrual cycle ng isang babae. Dahil ang pagbabago ng blood sugar ng katawan ay may kaugnayan sa hormonal changes na malaki ang papel sa pagreregulate ng menstrual cycle.

Habang ang celiac disease naman ay maaring ma-damage ang iyong small intestine at pigilan itong makaabsorb na kinakailangang nutrients ng katawan. Ito rin ay nagdudulot ng missed period.

6. Early peri-menopause

Para sa mga babaeng edad 45-55 gulang, ang delayed period ay maaring senyales rin ng nakakaranas na sila ng early peri-menopause. Ang kondisyon na ito ay nagpapababa ng supply ng egg cells ng isang babae na nakakaapekto sa menstruation.

7. Problema sa thyroid

Ang isang babaeng may thyroid issues ay maari ring makaranas ng delayed period. Dahil sa ang thyroid ng katawan ay niniregulate ang metabolism na naapektuhan naman ang hormone levels ng katawan,

Pero kung ang isang babae ay nakaranas ng mga sumusunod na sintomas maliban sa delayed na regla ay maaring siya nga ay nagdadalang-tao na.

1 Week Delay Buntis Na Ba

Image from Freepik

1 week delay buntis na ba symptoms

  • Breast tenderness o pagsakit ng suso
  • Pagkaramdam ng matinding pagod at laging inaantok o tinatawag na fatigue.
  • Pagduduwal kadalasan sa umaga na maaari ring maramdaman ito sa kahit anong oras.
  • Matinding pagkatakam o pagkaumay sa pagkain.
  • Madalas na pag-ihi.
  • Spotting o pagkakaroon ng kaunting dugo ilang araw matapos magtalik.

Kung makakaramdam ng mga sinasabing sintomas ay mas mabuting magsagawa ng home pregnancy test para makasigurado. O kaya naman ay magpunta at magpa-konsulta na sa doktor upang masagot na ang katanungan mong- “1 week delay buntis na ba ako?”

Source: Healthline, The Asian Parent

Photo: Freepik

Basahin: 10 apps na makakatulong mag-track ng period at fertile days

 

 

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

Article Stories
app info
get app banner