Nahuli na ng mga pulis ang isang lalaking nanghipo ng isang 4-taong gulang na bata sa isang tren sa New York. Naaresto raw ang suspek nang mayroong nagbigay ng anonymous na tip at sinabi kung saan mahahanap ang lalaki.
Ano ang ginawa ng lalaking nanghipo ng batang babae?
Nangyari ang insidente ng 11:24 ng tanghali sa loob ng subway train sa New York. Nakaupo raw ang bata at ang kaniyang ina sa loob ng subway train, nang sumakay ang suspek na natukoy na si Kwame Johnson.
Tumabi raw ang lalaki sa batang babae, at dahan-dahang nilagay ang kamay niya sa puwit ng bata. Nang makita ito ng ina, kaagad niyang kinonpronta ang suspek dahil sa ginagawa nito sa kaniyang anak.
Dahil dito, nagalit ang lalaki at pinagbantaan pa ang ina na babarilin daw niya ito. Dahil sa pagbabanta, lumayo ang nanay at ang kaniyang anak sa suspek, ngunit nakuhanan ng ina ang suspek bago pa ito makababa ng tren.
Ang larawan ng suspek na nakuha ng ina. | Source: New York Post/DCPI
Nahuli rin ng mga pulis ang suspek
Mabilis na kumalat ang larawan ng suspek sa internet, at di nagtagal ay napag-alaman ng mga pulis ang pagkakakilanlan nito. Mayroon daw nagbigay ng anonymous na tip kung saan matatagpuan ang lalaking nanghipo ng bata.
Napag-alaman din na dati nang galing sa kulungan ang suspek. Nakulong siya noong 1999 para sa kasong pagnanakaw, at pinalaya noong 2004 nang siya ay mabigyan ng parole.
Dahil sa kaniyang ginawang panghihipo, haharap siya sa judge para sa patong-patong na kaso ng sex abuse, forcible touching, acting in a manner injurious to a child, menacing at 2 bilang ng of harassment.
Mahalaga ang kaligtasan ng iyong anak
Importante sa mga magulang na palaging isaalang-alang ang kaligtasan ng kanilang mga anak. Hindi basta basta dapat binabalewala ang sexual abuse, dahil marami itong masamang epekto sa mga bata.
Ito ang mga posibleng maging epekto ng sexual abuse sa mga bata:
- Pagkalito. Kadalasan, ang mga bata ay sinanay upang isipin na ang pang-aabuso ay ayos lamang. Salungat sa iniisip ng karamihan, hindi lahat ng sekswal na pang-aabuso ay nagtatapos sa sakit o kirot. Ang resulta, nawawala sa mga bata ang konsepto ng pagkakaroon ng hangganan o boundaries at nalilito sila sa kung ano ang tama at maling uri ng hipo. Hindi maproseso sa isip nila kung ano ang nangyari sa kanila dahil hindi nila ito lubusang nauunawaan. Mali ba talaga ito? Ito ba ay makakapagparumi sa akin? Ano ang mangyayari kung magsumbong ako ngayon? Ano ang iisipin ng pamilya at mga kaibigan ko sa akin?
- Pagsisi sa sarili. Kapag ang bata ay sinanay sa pang-aabuso, magsisimula na silang maniwala na sila ang responsable sa naranasan nilang pang-aabuso. Napapaniwala sila na ang may kasalanan sa pang-aabuso ay sila mismo at hinayaan nila ang sarili nilang molestiyahin.
- Kahihiyan. Hindi man nila lubusang nauunawaan ang mga nangyayari, ang kakila-kilabot na karanasan ay makakapagparamdam sa kanilang wala silang kwenta at marumi.
- Pagkatakot. Ang mga abusado ay laging naninindak at ipinapahiya ang mga bata upang pigilan silang magsumbong sa iba. Nakalulungkot, inaabot ng maraming taon bago nila maramdamang ligtas na sila.
- Pagkalumbay. Kung ang nang-abuso ay miyembro ng pamilya o kamag-anak, ang mga bata ay maaaring magdalahamhati sa nasirang relasyon. Oo, ang malapit na ugnayan ay maaaring mangyari sa pagitan ng biktima at nang-abuso.
- Pagkapoot. Ang ilang bata ay maaaring magpakita ng matindi at hindi mapigilang galit. Dahil hindi nila masabi ang tungkol sa pang-aabuso, maaari nilang sisihin ang mga nag-aalaga sa kanila kung bakit hindi nila napigilan ang pang-aabuso o naprotektahan man lang sila mula rito.
- Kawalan ng tulong. Gayundin kapag inabot ng maraming taon bago nila malagpasan ang pang-aabuso, ito ay nangangahulugan din ng kawalan ng tulong sa isang biktima. Paano kung mangyari ito ulit sa kanila?
- Depresyon o matinding kapighatian. Kung hindi agad naaksyunan ang estado ng pag-iisip ng isang batang inabuso, maaari silang maging mailap sa mga tao at mawalan ng interes sa buhay.
Source: NY Post
Basahin: Mother jailed for “permitting” husband to abuse child
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!