Venice at Lorin Bektas ipinahayag ang suporta sa love life ngayon ng kanilang inang si Ruffa Gutierrez.
Mababasa dito ang sumusunod:
- Love life ni Ruffa Gutierrez.
- Lorin Bektas sa inang si Ruffa Gutierrez.
Love life ni Ruffa Gutierrez
Hindi man masyadong nagbabahagi sa publiko ng tungkol sa relasyon nila ng komedyanteng si Herbert Bautista ayon kay Ruffa Gutierrez ay napakasaya niya ngayon. Mas pinili niya nga daw na gawing pribado ang relasyon nila ni Herbert para narin mas ma-enjoy nila ang kanilang pagsasama.
Ayon pa nga sa celebrity mom at dating beauty queen, tulad ng iba niyang naging relasyon ay seryoso ang sa kanila ni Herbert. Kaya naman naiyak siya ng marinig ang nararamdaman ng kaniyang mga anak na sina Lorin at Venice tungkol sa buhay pag-ibig niya.
Lorin Bektas sa inang si Ruffa Gutierrez
Ayon kay Lorin, wala siyang masabi sa ka-relasyon ng kaniyang ina ngayon. Dahil sa nakikita nila kung gaano ito kasaya.
“My mom usually, most of the time has a good judgement and picking who’s right for her and who’s wrong. Her current partner now is lovely. He is a really nice guy. I am happy for her.”
Ito ang pahayag ni Lorin tungkol sa love life ngayon ng ina niyang si Ruffa.
Kung sakali nga daw na magpakasal ang ina ngayon sa ka-relasyon ay susuportahan nila ito. At anuman daw ang desisyon ng ina basta’t alam nilang masaya ito ay masaya rin sila ng kapatid niyang si Venice.
“I don’t want any specific for her. I just want her to be happy. Whatever it looks like for her, if it’s getting married, having a long-time partner whatever. I just want her to be happy.”
Ito ang sabi pa ni Lorin na sinabing isa siya sa magsisigurado na hindi na muli pagdaananan ng ina ang pananakit na naranasan nito noon sa kaniyang ama.