Loss of unborn baby: Mga dapat at hindi dapat sabihin sa mga stillbirth parent

Moms, hindi kayo nag-iisa. Handa kaming tumulong sa'yo.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Loss of unborn baby” doble ang sakit kapag naririnig ng mga magulang na dumaan sa pagsubok na ito. Mahirap pag-usapan ang pagkawala ng anak—tungkol ba ito sa stillbirth o miscarriage. Iba ang dala nitong sakit sa mga magulang.

Sensitibong usapin pa rin sa mga magulang na dumaan sa sitwasyon na ito ang pag-usapan ang traumatic experience na pagkawala ng kanilang baby.

Para matulungan ang ating mga magulang na makalabas sa kanilang kalungkutan, kinausap namin si Ms. Jasmine Yeo, Head Consultant Psychologist mula sa The Private Practice. Dito natin tatalakayin kung ano paano ang stillbirth recovery at tamang bagay para sa ating mga nanay.

Loss of unborn baby: Epekto nito sa mga magulang

Ang pagkawala ng anak dahil sa stillbirth ay mayroong psychological effects sa mga magulang. Ayon kay Ms. Yeo, ito ang pangunahing naoberba nila sa mga dumaan sa pagsubok na ito.

Loss of unborn baby | Image from iStock

Depression

Sa pagkawala ng baby, nakakaramdam ang mga magulang ng lungkot at emptiness. Hindi rin maiiwasan na maisip nila na sila ay nabigo bilang isang ‘magulang’ dahil sa pagkawala ng kanilang anak. Ito ay tinatawag na ‘sense of biological failure’. Ayon kay Ms. Yeo,

“Depression can also develop from minimisation by others or a lack of validation from others about the loss,”

Dagdag nito na makakaramdam ng pagkalungkot ang mga magulang na parte ng grief process sa pagkawala ng kanilang anak. Ito ay pinagmumulan ng depression.

Anxiety

Dahil sa iniwang matinding epekto ng pagkawala ng anak, nabubuo na rin ang pag-alala o pagkatakot sa susunod na pagbubuntis at pagiging magulang.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ambivalent emotions

May pagkakataon na nais umalis na ng magulang sa kanilang ‘grieving stage’ ngunit kahit anong gawin nila, bumabalik pa rin ang alaala at sakit sa kanila.

Trauma

May mga magulang na nagkakaroon ng takot dahil sa stillbirth.

Loss of unborn baby | Image from iStock

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Constant triggers

Kapag nakakakita ng malusog na sanggol ang mga magulang, bumabalik sa kanila ang lungkot at hindi maiiwasang maalala ang maagang pagkawala ng kanilang anak.

Ayon kay Ms. Yeo, mahirap ito lalo na kung nasa recovery stage na ang isang magulang.

“Seeing their friends having a smooth and easy pregnancy, social media of births and families,”

Social pressure

Nakakaramdam ng matinding pressure ang mga magulang na dumaan sa pagsubok na ito sa mga taong nakapaligid sa kanila—pressure sa pagbubutis ulit.

Paano makaka-recover ang magulang mula sa stillbirth?

Ibinigay ni Ms. Yeo ang mga mahahalagang bagay mula sa traumatic experience na ito. Narito ang mga kailangang tandaan para makawala sa kalungkutan na dala ng pagkawala ng iyong anak:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • Pagkakaroon ng emergency emotional at environmental psychological first aid.
  • Pagbibigay ng agarang therapeutic clarification at guidance para matulungan ang mga magulang na maging matatag at makawala sa traumatic experience na ito.
  • Compassion-based interventions

Napag-alaman na ang ‘compassion’ ay nagbibigay ng maraming benepisyo para sa physiological health katulad ng mental health at pagpapabuti ng social relationship sa iba. Nakapaloob sa compassion-based interventions ang breathing practice, friendly voice tone, kasama na ang tamang facial at body expression na makakatulong sa’yo na maging kalmado.

Loss of unborn baby: Paano suportahan ang mga nanay na nakaranas ng stillbirth?

Marami ang puwede nating maitulong sa mga nanay na dumaan sa ganitong sitwasyon. Katulad na lamang ng psychoeducation na tumatalakay para maintindihan lalo ang kahulugan ng stillbirth.

Loss of unborn baby | Image from iStock

Narito ang mga paaran kung paano bigyan ng suporta ang mga stillbirth parent:

  • Hayaang mag-grieve ang mga magulang sa pagkawala ng kanilang anak.
  • Bigyang halaga ang identity ng batang nawala.
  • Pagbibigay ng practical support katulad na lamang ng pagkumusta sa kanila o pagkikipag-usap sa pagbabalik trabaho.
  • Emotional support – hayaan sila na kilalanin ang sariling emosyon.
  • Siguraduhin na kumustahin lagi sila. Makinig, tanggapin, intindihin at suportahan ang kanilang concern.

Loss of unborn baby: Mga dapat at hindi dapat sabihin sa mga stillbirth parent

Ayon kay Ms. Yeo, nakakaapekto rin sa kanila ang mga sinasabi ng mga taong nakapaligid sa kanila.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Narito ang mga hindi dapat sabihin:

  • “Hindi kita tinawagan kasi akala ko gusto mong mapag-isa.”
  • “Plano ito ni God.”
  • “Maging malakas ka lang.”

Imbes na sabihin ang mga katagang ito, mas gawing open at nagbibigay ng encouragement ang iyong mga salita. Makakatulong din ito sa kanilang healing process:

  • “Alam ko kung gaano mo kamahal ang iyong anak at kung gaano mo kagustong maging magulang.”
  • “Hindi ko maisip ang nararamdaman mo ngayon pero nandito ako, handang makinig sa ‘yo.”

Ang pagkawala ng anak ay isang pagsubok para sa lahat ng magulang. Kinakailangan ng panahon para makawala sa traumatic experience na ito.

 

Translated with permission from theAsianparent Singapore

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

BASAHIN:

6 stillbirth myth na hindi dapat paniwalaan

Paano nakaapekto ang magandang environment at support system upang malampasan ang depresyon dala ng stillbirth?

Hindi mo kasalanan mommy: Ang dahilan kung bakit dapat pag-usapan ang stillbirth

Sinulat ni

Mach Marciano