Mahirap ang pinagdadaanan ng mga ina na nakaranas ng depresyon dala ng stillbirth, paano ba nila ito malalampasan? Maaaring maisip niya na ginawa naman niya ang lahat. Sinunod niya ang mga payo ng kanyang doktor, pinaghandaang mabuti ang kanyang pagbubuntis subalit nawala pa rin ang kanyang anak dahil sa stillbirth.
Taon-taon maraming mga mag-asawa ang nakakaranas ng ganitong karanasan kung saan namamatay ang kanilang anak dahil sa stillbirth. Sa kabilang banda ayon sa mga medical expert hindi nila maugat ang dahilan kung ano ang nararanasan na hirap ng mga magulang sa pagharap sa ganitong sitwasyon.
Kumausap kami ng isang health professional upang mas maunawaan pa kung paano mas makakatulong sa mga mag-partners na nakaranas ng stillbirth. Ano ba ang mas magandang environment at support system upang mailabas nila ang kanilang nararamdam . Sa gayo’y maharap at malampasan nila ang pagsubok na ito.
“Maaaring may dahilan”
Sa isinagawang panayam ng theAsianparent sa isang counsellor at psychotherapist na si Silvia Wetherell. Binigyang diin niya kung paano sinisi ng isang babae ang kanyang sarili matapos maranasan ang stillbirth. “The self-blame can turn into shame. And whenever there is shame, there is silence.”
Ipinaliwanag ng maternal mental health professional kung paanong ang paninising ito ay ‘di na makatuwiran. Ito’y isang tipo nang pag-kontrol sa isip, na maaaring humantong sa mga ‘di magandang pakiramdam. Katulad ng kahihiyan at pagsisi.
Ayon kay Wetherell may pinagmumulan kung bakit ganito ang pagharap ng mga magulang sa pagkawala ng kanilang anak.
Dagdag pa niya, “And so, if the doctor’s not telling me what happened, they’re just saying these things just happen, we don’t know.”
Bigyan ng pagpipilian ang babae
Sa pagpapaliwanag ni Silvia sinabi niyang ang mga babaeng nakaranas ng stillbirth ay dumadaan sa normal na pagsilang ng sanggol. Ang delivery na ito ay kasing sakit din ng normal na panganganak, isa itong karanasan na hindi sila handa.
“So not only are they grieving, they know they’re going to deliver a dead baby. They’re in a lot of pain. They don’t get the same level of support as if they are delivering a live baby.”
Ibinahagi rin niya ang ilang sa karanasan ng kanyang mga kliyente na nakitang inilagay na lang sa isang surgical tray and parang tinapon lamang.
Image source: iStock
Hindi na raw kailangang maranasan iyon ng isang babae ayon kay Silvia. Kaya kailangan na may plano at pag-uusap kung paano ang gagawin.
“The nurse could carry the baby as a live baby in the blanket until she can then put the baby in a trolly, in a tray, and do what she needs to do. It is giving women options that’s really important, the flexibility.” Dagdag pa niya sa iba pang paraan upang maiwasan ang ganoong tagpo.
Halaga ng Magandang Support System
Iba-iba ang kultura at social attitude sa iba’t ibang bahagi ng mundo patungkol sa usapin ng depresyon dala ng stillbirth at kung paano ito malalampasan. May mga kultura at bansang mas bukas sa ganitong usapin. Pero ayon kay Silvia mas masarado pa rin asa mga ganitong usapin ang mga bansa sa Southeast Asia.
May pagtingin kasi umano sa isipin ng stillbirth na maaaring mas magdulot pa ng dusa sa isang ina o mga magulang. Sinasabi rin umano na na maaaring magdala ng bad luck sa pamilya kung pag-uusapan ito ayon kay Silvia.
Mahalaga aniya ang pagbubukas ng mga magulang sa ganitong usapin, kinakailangan ng isang supportive environment na mas mainam na magsimula sa pamilya at mga medical professional.
“The way in which the doctor is able to engage in this, support the women and make them feel understood and be okay to actually answer questions throughout the process, and even afterwards if there’s anything that needs to be clarified, is really important (sic),” wika pa ni Silvia.
Subalit binigyan din niya ng espasyo na maaaring ang pagtatangkang matulungan ang mga magulang na mas maging bukas sa ganitong sitwasyon ay magsulta ng negatibo. Sinabi niya na ang mga magulang na sinabihan halimabawa na, “Kailangan mong maging matatag, kailangan mong maging okay” ay para bang sinasabi mong hindi normal at okay ang kanilang pinagdadaanan at nararamdaman.
“We have to give them the space to grieve and we have to normalise this process—whether it’s health professionals, family members or friends,” binigyan diin ni Silvia.
Halaga ng pag-iyak sa pagluluksa
Ang mamatayan ng anak ang isa sa pinakamasakit na maaaring maranasan ng isang tao ayon kay Silvia. “It’s ok to cry, it’s ok to grieve and you take as long as you need.”
Sabi pa niya na mahalaga ang pag-iyak bilang bahagi ng pagluluksa. Ang mga magulang na hindi umiiyak ‘di ibig sabihin ay hindi nagluluksa o nakalimutan na ang magluksa.
Sa pagharap sa pagluluksa sinabi ni Silvia na kailangang kahit may isang tao sa mundo na maaaring malabasan ng ganitong mga emosyon.
Maaaring ang inyong mga partner, isang malapit na kaibigan, o ang inyong nanay.
Para sa mga taong wala ganoong support system pinapayuhan ni Silvia na mas maging bukas sa opsyon na humingi ng mental health professional. Maaaring sa mga counsellor o psychologist na may karanasan sa stillbirth at pregnancy loss.
Naglukuksa rin ang mga Tatay
Kahit na walang natatanging ugnayan si Tatay katulad ni Nanay sa loob ng kanyang sinapupunan habang pinagbubuntis niya ito. Maaari ring makaranas ng pagluluksa at helplessness ang isang tatay.
“When this loss happens there are two things that happen for the father,” Sabi ni Silvia. “They feel this loss for their baby, but then they are watching their partner, their wife going through so much grief and pain and the man feels so helpless.”
Karamihan sa mga lalaki iniisip na kailangan nilang mas maging matatag kaysa sa kanilang asawa o partner. Nakikita ni Silvia na maaaring kinakalimutan ng mga lalaki ang pakiramdam ng pagluluksa at kalungkutan.
Hindi raw ito nakakatulong dahil parehas aniya silang nagluluksa bilang mga magulang na nawalan ng anak. Nariyan kasi ang stigma na ang mga lalaki ay mas mahirap magbahagi ng kanilang mga nararamdaman kaysa sa mga babae.
Image from iStock
Salitang makakapagpagaan ng loob sa mga nawalan ng anak – Huwag matakot na banggitin ang tungkol sa nawalang anak
Lahat ay may natatanging paraan upang at karanasan sa pagluluksa sa pagkawala ng kanilang anak.
Sa usapin kung paanong makakapagbigay ng suporta ang mga kaibigan at pamilya sa mga magulang na nawalan ng anak. Sinabi niyang huwag matakot na banggitin ang tungkol sa pagkawala ng kanilang baby. Huwag matakot na sabihin at tanungin patungkol sa nangyari.
Dahil kadalasang mas nagpapasalamat pa ang mga babae kung sa mas senstibong paraan mo ito bubuksan ang usapin na ito.
Imbis na sabihin na, “Oh I thought you were over this, I thought you were okay already,” mas mainam na sabihin na; “How have you been, how much are you thinking about what happened?”
Mas mainam din na tawagan ang mga taong nakakaranas ng lungkot, depresyon at pagluluksa dala ng stillbirth. Huwag lamang basta mag-text.
“Don’t be afraid to do that because they get a million messages but then nobody really calls them and has a conversation.”
Subalit binanggit din ni Silvia na kahit maaaring maging daan ito upang maging imbitasyon sa pagbubukas nila sa usapin ng depresyon o lungkot dala ng stillbirth at sa gayo’y maaaring makapagbigay ng payo kung paano nila ito malalampasan. Huwag kalimutan na hindi dapat sila pinupuwersa sa ganitong usapin. Dapat kusa nila itong gagawin.
Huwag humantong sa tuluyang pag-iwas.
Sa karanasan ni Silvia sa pagkikitungo sa mga nagluluksang magulang. Binahagi niya na ang mga magulang na ayaw itong pag-usapan ay nagluluksa pa rin sa kanilang kalooban.
Pinaalahan niya na kahit kailangang respetuhin natin ang bawat indibidwal sa pagharap nito sa pagkawala ng kanilang anak. Hindi rin dapat na iwasan ang ganitong usapin.
Hinihimok din niya ang mga mag-asawa at mag-partner na maglakad-lakad magkasama. Sa isang tahimik at peaceful na lugar.
Naisin man o hindi ng mga magulang na pag-usapan ang pagkawala ng kanilang anak dala ng stillbirth. Naglilikha ito ng opurtunidad ng pagkakaroon ng espasyo patungkol sa usapin na iyon.
“Or sometimes having a meal, somewhere that’s not too busy or hectic,” sa mga pagkakataong nais mo itong ibahagi sa iyong mga kaibigan.
Image from iStock
Isang grupo ng mga babaeng nagluluksa at dalawang kaibigan ay isang ideal na pwedeng mapagsabihan. Hindi kinakailangan ng pressure upang pag-usapan ang ganitong usapin. Sinabi rin niya na kailangan maging maingat dahil baka minamdali ang isang nagluluksang babae sa pagbubukas ng ganitong usapin.
Sa pag-approach ng dalawang kaibigan sa kanilang kaibigan nagluluksa. Pinayuhan niyang, “Look, why don’t we go for a little walk? Let’s just sit in the park for a bit. You don’t need to talk about it if you don’t want to, but we’d love to hear if you want to share. We’ll find out more about your baby.”
Panghuli, pinaalahanan ni Silvia ang mga magulang na ang pagluluksa ay isang proseso. Kailangan maging maayos ang pagharap sa ganitong sitwasyon.
“I wish there was in some ways, but there is no shortcut,”
Translated with permission from theAsianparent Singapore
BASAHIN:
Hindi mo kasalanan mommy: Ang dahilan kung bakit dapat pag-usapan ang stillbirth
Stillbirth Story: “Hindi ko naramdaman na gumagalaw si baby sa loob ng tiyan ko”
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!