LOOK! Luis Manzano dinepensahan ang kaniyang baby sa mga basher

Hindi pinalampas ni Luis Manzano ang panlalait ng isang netizen sa kaniyang anak na si baby Peanut. Sinagot niya ng pang-aasar ang pasaring.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa ikalawang pagkakataon ay nag-post ng picture si Luis Manzano kung saan buhat-buhat niya ang anak nila ni Jessy Mendiola na si Baby Peanut.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Baby peanut dinepensahan ni Luis Manzano mula sa bashers
  • Jessy Mendiola pinasilip ang baby room ng anak

Baby peanut dinepensahan ni Luis Manzano mula sa bashers

May bagong post sa kaniyang social media si Luis Manzano kung saan ay makikitang karga-karga nito ang anak na si Isabella Rose Tawile Manzano na kilala sa palayaw na baby Peanut.

Sa nasabing picture, may nakatakip na rose emoji sa mukha ni baby Peanut. Hindi pinalampas ng mga naglipanang basher sa social media ang pagkakataong ito para punain ang desisyon nina Luis Manzano at Jessy Mendiola na huwag munang ipakita sa publiko ang mukha ng kanilang anak.

Larawan mula sa Instagram ni Luis Manzano

Tanong ng marami, bakit pa umano kailangan takpan ang mukha ng baby. Ano raw ba ang nais palabasin ng celebrity couple.

May isa pang social media user ang nagsabi na baka umano “pisot” ang mukha ng anak ni Luis Manzano kaya ayaw itong ipakita sa publiko.

“Bakit dimo pinakikita mukha ng anak mo pisot ba yan? Dami nyo arte (laughing emojis) by the way congrats na lang sainyo Lucky Manzano,” saad ng basher.

Ayon sa Bandera, ang salitang “pisot” sa Visaya ay nangangahulugang hindi pa tuli pero madalas din itong gamitin bilang pang-insulto sa mukha o itsura ng tao.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Dahil sa below-the-belt na pang-uuyam ng basher, hindi na pinalampas ni Luis Manzano ang komento nito. Sinagot ng TV host ang pasaring ng netizen.

“Kayo nga po pinagisa niyo pisngi, leeg, at baba niyo di namin po kayo pinapakialaman,” saad ni Luis kasunod ang isang laughing emoji.

Matatandaang hindi ito ang unang beses na nag-post ng picture ni baby Peanut si Luis. Kung saan ay hindi ipinakita ang mukha ng sanggol. Noong January 7 ay nagpost din si Luis ng unang larawan kung saan buhat niya si baby Peanut habang nakabalot sa lampin ang sanggol.

Larawan mula sa Instagram ni Luis Manzano

Isinilang ni Jessy Mendiola ang anak nila ni Luis Manzano noong December 28, 2022 at January 7 unang ipinakita sa publiko ang larawan nito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Baby room ni Peanut pinasilip ni Jessy Mendiola

Sa latest vlog ni Jessy Mendiola, masayang ipinasilip nito ang baby room ng kanilang anak na si baby Peanut.

Nirecord ang nasabing video bago pa man manganak si Jessy Mendiola. Pero ngayong January lang din ipinost ni Jessy ang nasabing video.

Sa video makikita na handang-handa talaga si Jessy sa pagdating ng anak nila ni Luis Manzano.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kumpleto sa mga kagamitan ang kwarto ni baby Peanut at malawak ito.

May espasyo rin kung saan pwedeng humiga si Jessy habang binabantayan ang kaniyang anak. Pero sabi ni Jessy tiyak na di niya rin naman matitiis na iwan si baby Peanut. Kaya sigurado siyang minsan ay patutulugin niya rin sa master’s bedroom ang anak.

Hindi rin nakalimutan ni Jessy Mendiola na banggitin na bilang newborn pa si baby peanut ay hindi pa puwedeng maglagay ng mga unan, stuffed toys, at kumot sa crib nito.

Kailangang panatilihing tight ang bed sheet ng crib. Para matiyak na hindi matatabunan ang anak na maaaring magresulta na mahirapan itong makahinga.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram ni Jessy Mendiola

Maaari kasing magdulot ng SIDS o sudden infant death syndrome ang paglalagay ng mga unan, stuffed toys at kumot sa paligid ng baby kung ito ay natutulog. Ang sudden infant death syndrome ay ang hindi maipaliwanag na biglaang pagkamatay ng sanggol.

Sa nasabing vlog din unang ni-reveal ni Jessy Mendiola na may kinalaman sa bulaklak ang pangalan ng kaniyang anak.

Dagdag pa rito, may mga nakahanda na ring laruan at libro sa nursery room. Sabi ni Jessy ihinanda na niya ito kahit na sa ngayon ay hindi pa naman ito magagamit ng anak.

May makukulay na laruan si Peanut na makatutulong daw sa brain development ng kaniyang anak. Gayundin ang mga librong tungkol sa iba’t ibang emosyon na dapat matutunan ng bata. Gusto raw kasi nina Jessy Mendiola at Luis Manzano na matutunan ng anak kung paano i-handle ang sariling emosyon.

“Gusto ko kasi si baby, maaga pa lang maging aware na siya sa emotions niya. Para din habang lumalaki siya mas marunong siyang mag-express sa aming mga parents niya. O sa mga tao sa paligid niya,” pagbabahagi ni Jessy.

Mayroon ding balcony sa kwarto ni baby peanut kung saan pwede umanong paarawan ang sanggol. Sa mga detalye ng baby room ng anak ni Jessy at Luis ay masasabing pinaghandaan talaga ng dalawa ang pagdating ng kanilang anak. Kumpleto sa lahat ng gamit, maging sa mga gamot na posibleng kailanganin ng anak ang kwarto.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Jobelle Macayan