5 sintomas na maaaring may luslos ang lalaki at gamot para rito

Madalas marinig ang salitang luslos sa lalaki. Ano nga ba ang epekto ng luslos sa kalusugan? Alamin ang sanhi, sintomas at lunas sa luslos sa lalaki.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ano ba ang luslos sa mga lalaki? Paano ito nagkakaroon at ano ang lunas para rito. Alamin ang sintomas ng luslos sa lalaki at lahat ng kailangan mong dapat malaman tungkol rito.

Ano ang luslos sa lalaki?

Madalas marinig ang salitang luslos sa lalaki. Sa medical term, ito ay tinatawag na inguinal hernia.

Isa itong uri ng hernia kung saan ang inguinal canal na dinadaluyan ng spermatic cord at blood vessels ay lumuluwa papunta sa scrotum dahil sa mahina ang abdominal muscles. Masakit ito lalo na kung umuubo at lumalala kapag nagbubuhat ng mabigat.

May apat na uri ng luslos o inguinal hernia sa mga lalaki. Ang mga ito ay ang sumusunod:

Indirect inguinal hernia

Ito ang pinaka-most common na uri ng luslos sa lalaki. Madalas itong nangyayari sa mga baby na ipinanganak na premature na kung saan ang inguinal canal ay hindi pa nagsasara o nabubuo. Ang uri ng luslos na ito ay maari ring maranasan ng kahit anong edad. Subalit mas common ito sa mga sanggol.

Direct inguinal hernia

Ito naman ang uri ng hernia o luslos na kung saan konektado sa edad ng isang lalaki. Dahil habang tumatanda ay humihina ang muscles sa katawan na maaring mauwi sa direct inguinal hernia kung hindi pagkakaingatan.

Incarcerated inguinal hernia

Ang hernia naman na ito ay nangyayari kapag ang tissue ay na-stuck sa singit. Ang tissue na ito ay hindi na maibalik sa dati niyang posisyon na kinalaunan ay maaring maging luslos.

Strangulated inguinal hernia

Ang strangulated inguinal hernias naman ay mas seryosong uri ng luslos. Dahil sa maaring matigil ang flow ng dugo sa intestine na apektado ng nasabing luslos. Ito ay napakadelikado at itinuturing na emergency sapagkat maaari itong ikamatay ng pasyente.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ano nga ba ang sanhi ng luslos sa lalaki?

Background photo created by master1305 – www.freepik.com 

Kapag mahina ang muscles at tissue sa cavity wall, karaniwan sa may abdomen, nagkakaron ng luslos sa lalaki. Ito ay sanhi ng pressure sa abdomen.

Bagamat karaniwang naaapektuhan ang mga nagbubuhat nang mabigat, puwede rin itong mangyari sa mga madalas mag-ehersisyo, may malubhang ubo, o maski sanhi ng napupwersa kapag dumudumi, pati na rin kapag aktibo sa sex.

Puwede rin magkaroon ng luslos ang mga baby o isang congenital condition na taglay na ng lalaki ng siya ipinagbubuntis at naipanganak.

Ang luslos sa lalaki ay maaring sanhi rin ng constipation kung saan kailangan mamuwersa sa tuwing dumudumi. Ito ay maaring dahil rin sa pagiging overweight o obese.

Kaya naman ay mayroong fluid sa tiyan ang lalaki o ascites. Ito ay maaring epekto rin ng edad ng lalaki na kung saan humihina ang katawan habang tumatanda.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ayon kay William P. Homan, MD, PhD, sa kaniyang librong The Hernia Book, ang karaniwang pakiramdam ng luslos ayon sa mga nagkaroon na nito, ay parang may bumuka o bumigay sa loob, kaya’t lubhang masakit.

Karaniwang mga lalaki ang nagkakaroon ng luslos, pero may mga babae rin na nagkaka-luslos, subalit ito’y bibihira lamang. Habang tumatanda, mas posibleng magkaroon ng luslos ang lalaki. Namamana rin ito, kaya’t kung mayrong isa o higit pang kamag-anak na nagkaroon ng luslos, posibleng magkaroon din nito. 

Hindi naman ito delikado, basta’t naagapan at maiwasan ang komplikasyon. Madalas ay surgery ang lunas kapag labis na ang pananakit at lumalaki na ito.

Mga senyales at sintomas ng luslos sa lalaki

Ilan sa mga symptoms na may luslos sa lalaki, ayon kay Dr. Homan, ay ang mga sumusunod:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  1. May bukol na makakapa sa may bandang ari ng lalaki, sa may scrotum o bayag, na mas mahahalata kung nakatayo at umuubo
  2. Mahapdi at masakit ang bukol
  3. May pananakit din sa singit lalo kapag nagbubuhat o umuubo
  4. Minsan ay namamaga din ang paligid ng testicles kapag ang nakaluwang bituka ay bumaba na sa scrotum
  5. Nawawalan ng ganang kumain

Luslos sa lalaki: Sa mga sanggol at batang lalaki

Nagkakaron ng luslos sa lalaki na mga sanggol at bata kung mula pa sa pagkapanganak ay mahina na ang abdominal wall. Napapansin ang luslos kapag umiiyak, umuubo o dumudumi ng matigas ang sanggol. Mapapansin iyakin ang bata at walang ganang kumain.

Kailan dapat magpatingin sa doktor

Delikado ang luslos sa lalaki kapag nanatili sa abdominal wall ang laman nito at hindi makalabas. Nahahadlangan ang daloy ng dugo at nagiging delikado ito.

Kapag nahihilo, nagsusuka, may mataas na lagnat, lumalala ang pananakit, at nagiging mapula’t maitim ang bukol, ibig sabihin ay malala na ang luslos. Kumunsulta kaagad sa doktor para malaman ang dapat na paggamot dito.

People photo created by jcomp – www.freepik.com 

Paano nada-diagnose ang hernia?

Para matukoy kung may luslos ang isang lalaki, una ay kailangan niyang sumailalim sa physical examination. Sa examination, ay hahanapin at kakapain ng doktor kung may bukol sa tiyan o singit ang lalaki na lumalaki kapag siya ay tumatayo, umuubo o gumagamit ng puwersa.

Kapag nakapa o natukoy na mayroong bukol ay saka naman sunod na kukunin ng doktor ang medical history ng pasyente. Ilan sa mga tanong na maari niyang tanungin ay ang sumusunod:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • Kailan unang napansin ang bukol?
  • May iba pang sintomas ang naranasan maliban sa nakapang bukol.
  • Ano ang palagay na dahilan kung bakit nagkaroon ng bukol o nakakaranas ng sintomas ng luslos.
  • Ano ang lifestyle ng pasyente, ano ang trabaho. Nagbubuhat ba ng mabigat, nag-i-exercise ng kailangan ng labis na puwersa o kaya naman ay naninigarilyo.
  • Sumailalim na ba sa operasyon o surgery sa bandang tiyan o singit noon.
  • At mayroon bang miyembro ng pamilya ang una ng na-diagnose na may luslos.

Matapos ang pagtatanong ay sunod ng hihingi ng imaging test ang doktor para mapatunayan kung may luslos nga ang isang lalaki. Kabilang rito ang pagsailalim niya sa abdominal ultrasound, CT scan at MRI scan.

Paano malulunasan ang luslos?: Luslos Treatment

Ang tanging lunas sa luslos o hernia ay ang pagsasailalim sa surgery o operasyon. Bagama’t may mga paraan o therapy na maaring sabihin ang doktor upang maiwasan lang na palalain ang kondisyon ng luslos.

Pero may mga pagkakataon na kinakailangan talagang i-repair o operahan ang luslos. Ang tatlong uri ng hernia surgery na maaring isagawa sa lalaking may luslos ay ang sumusunod:

Open surgery

Sa open surgery ay hinihiwaan ang bahagi ng katawan na mayroong luslos. Saka ibabalik ang protrude tissue o lumuwa na laman sa tamang posisyon nito.

Tatahiin rin ang weakened muscle sa bahagi ng katawan na may luslos. Minsan ay nilalagyan ito ng mesh bilang implant para sa dagdag na suporta.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Laparoscopic surgery

Halos katulad rin ito ng open surgery. Pero ang hiwa sa bahagi ng katawan na may luslos ay hindi ginagawa upang ibalik sa dating posisyon ang protrude tissue o lumuwa na laman. Bagkus, ang incisions ay ginagawa upang doon ipasok ang surgical tools na magkukumpleto sa ginagawang procedure.

Robotic hernia repair

Mayroon narin ngayong tinatawag na robotic hernia repair na ung saan tulad ng laparoscopic surgery ay kailangan lang hiwaan ng maliit ang pasyente at gamitan ng laparoscope.

Sa uri ng surgery na ito ay nakaupo ang surgeon sa isang console sa operating room na kung saan doon niya hina-handle ang mga surgical instruments. Ang uri ng surgery na ito ay ginagamit rin para i-reconstruct ang abdominal wall.

Para sa mas maayos na recovery ay mahalagang sumunod ang sinumang sumailalim sa surgery repair ng luslos sa sinasabig ng kaniyang doktor. Dahil maling galaw niya ay maaring makaapekto na sa kaniyang opera.

Asahan rin na kung sumailalim sa surgery para malunasan ang luslos ay hindi makakakilos muna ng normal sa loob ng ilang linggo. At kailangang iwasan ang mga activities na kailangan ng puwersa.

Home remedy sa luslos

Background photo created by valeria_aksakova – www.freepik.com 

Bagamat hindi nito malulunasan ang luslos, may mga home remedies na maaring gawin para maibsan ang sintomas na dulot ng luslos. Ang mga ito ay ang sumusunod:

  • Pagkain ng mga pagkaing mayaman sa fiber. Sa pamamagitan nito ay naiibsan ang constipation at naiiwasan ang pamemewersa sa tuwing dumudumi. Ang mga pagkaing mayaman sa fiber ay ang whole grains. Pati na ang mga prutas at gulay.
  • Makakatulong rin ang pagkakaroon ng pagbabago sa diet. Dapat ay iwasan ang mga heavy meals.
  • Hindi dapat humiga agad pagkatapos kumain.
  • Panatilihin ang malusog na weight o timbang.
  • Iwasan ang pagkakaroon ng acid reflux na maaaring makapagpalala ng luslos sa pamamagitan ng pag-iwas sa pagkain ng maanghang at tomato-based foods.
  • Kung naninigarilyo ay mabuting tigilan na ito.

Luslos sa lalaki: Paano ito maiiwasan

Walang magagawa sa uri ng luslos na congenital (mga ipinanganak na mayroon nito), pero maiiwasan ang mga komplikasyon at mababawasan ang pressure sa abdominal muscles at tissues kung gagawin ang mga sumusunod:

  • Iwasan ang paninigarilyo. Kapag naapektuhan ang baga at nagsimula ang sobrang pag-ubo, mas malaki ang posibilidad na magkaron o maging malubha ang luslos.
  • Panatilihin ang tamang timbang, para hindi mapuwersa ang bituka. Kung posibleng may luslos, itanong sa doktor ang nararapat na ehersisyo at diet plan para hindi na ito lumala.
  • Kumain ng pagkaing high-fiber tulad ng prutas, gulay at whole grains para maiwasan ang constipation.
  • Iwasan ang pagbubuhat ng mabibigat na bagay, lalo na ang pagbubuhat ng weights sa pag-eehersisyo. 

 

The Hernia Book ni William P. Homan, MD, PhD, MayoClinic, MedinePlus, Healthline, Cleveland Clinic, WebMD

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.