X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

14 na benefits ng Luyang Dilaw sa kalusugan

8 min read

Ang luyang dilaw o tumeric sa English ay maraming benefits sa kalusugan ng isang tao. Inilista namin ang ilan sa mga benepisyo ng halamang gamot na ito. 

Talaan ng Nilalaman

  • Luyang Dilaw o Turmeric
  • 14 health benefits ng Luyang Dilaw 
  • Turmeric tea o salabat na luyang dilaw recipe
  • May masamang epekto ba ang ng luyang dilaw?

Luyang Dilaw o Turmeric

Ang turmeric o luyang dilaw sa Tagalog/Filipino ay isang spice root na galing sa Curcuma longa. Nagtataglay ito ng kemikal na kung tawagin ay curcumin, na maaaring makapagpabawas ng pamamaga o swelling. Isa rin itong antioxidant.

Mayroon itong mapait na lasa at kadalasang ginagamit na pangpakulay sa mga curry powder, mustard, butter, at mga keso. Sapagkat ang curcumin at iba pang kemikal na taglay ng luyang dilaw ay maaaring makapag-decrease ng pamamaga. Ginamit din ito kadalasan sa mga sakit na may kinalaman sa pananakit ng katawan o bahagi ng katawan at inflammation

Kadalasang ginagamit ang luyang dilaw para sa osteoarthritis, hay fever, depresyon, mataas na cholesterol at type ng liver disease. 

14 health benefits ng Luyang Dilaw 

luyang dilaw benefits

Larawan mula sa Shutterstock

Ano nga ba ang makukuhang benepisyo ng luyang dilaw o turmeric? Ito ang ilang mga benepisyo ng luyang dilaw sa kalusugan ng isang tao: 

1. Nakakatulong ito sa allergic rhinitis o hay fever

Sinasabing nakakatulong ang luyang dilaw sa mga taong nakakaranas ng allergic rhinitis. Nire-reduce nito ang mga sintomas ng allergic rhinitis katulad ng sneezing, pangangati, runny nose, at nasal congestion. 

2. Depresyon

Ilang mga pag-aaral ang nagsasabi na isa sa mga benefits ng luyang dilaw ay nakakatulong sa pagpapawala o nakakatulong na makapag-reduce ng sintomas depresyon sa isang tao. 

3. Pagpapatibay ng memorya 

Sinasabi ng isang pag-aaral na nakakatulong ang luyang dilaw sa pagpapatibay ng memorya ng isang tao. Ang pag-in take ng 90 milligrams ng curcumin ng dalawang beses kada araw sa loob ng 18 na buwan makakatulong para tumibay ang memorya ng isang tao na walang karamdaman katulad ng dementia o alzhemiers. 

4. Gamot sa mamaso 

Hindi lamang nakakatulong ang luyang dilaw sa mga taong nakakaranas ng pamamaga o pananakit ng katawan o kaya naman lalamunan. Kundi nakakatulong din ito sa mga sakit katulad ng mamaso. 

Sapagkat mayroon itong antioxidant properties na nakakatulong sa pagpatay ng mga bacteria. Kaya naman nakakatulong ito sa mga sakit na sanhi ng isang bacterial infection katulad ng mamaso.

5. Nakakatulong sa pagpapababa ng cholesterol 

Ang curcumin na taglay ng luyang dilaw ay may benefits din para sa pagpababa ng cholesterol. Sa pamamagitan ng pag-inom ng turmeric nakakatulong itong mapababa ang fats sa dugo na tinatawag na triglycerides. 

Pero hindi ibig sabihin nito ay isa na itong gamot sa may mga mataas na cholesterol levels, subalit ang sinasabi ay nakakatulong lamang ito. 

6. Nakakatulong sa may mga fatty liver disease

Ang mga taong may sakit sa liver na hindi naman pala-inom ng alak ay nakakatulong para mabawasan ang tiyan ng injury sa liver sa mga taong may ganitong kundisyon. 

Sinasabi na nakakatulong din ito para ma-prevent ang build-up ng taba o fats sa liver ng isang tao. 

7. Gamot sa pamamaga ng lalamunan 

Ang pag-inom ng luyang dilaw ay mga benefits sa mga pamamaga ng lalamunan. Dahil sa taglay nitong curcumin ay matatagpuan din sa mga lozenge o mouthwash na nakakatulong para maiwasan ang pamamaga ng lalamunan o kaya ng mga sores sa lalamunan. 

luyang dilaw benefits

Larawan mula sa Shutterstock

8. Nakakatulong sa mga mayroong osteoarthritis o rayuma

Ang pag-take ng luyang dilaw extracts at iba pang herbal medicine ay nakakatulong para mabawasan ang pananakit ng tuhod dulot ng osteoarthritis o rayuma. Sinasabi na kasing epektibo nito ang pag-inom ng ibuprofen sa pag-reduce ng sakit. 

9. Mabisa na makatulong sa pangangati 

Isa pa sa benefits ng tumeric ay nakakatulong ito sa mga pangangati ng katawan sa ilang mga kundisyon. Ang pa-inom nito mula sa bibig ay mas magiging epektibo para sa pangangati. 

10. Nakakatulong para makaiwas sa pagkakaroon ng cancer

Ayon sa Healthline, ang curcumin na isang taglay na kemikal ng luyang dilaw ay isa umanong beneficial herb para sa cancer treatment. Nakakatulong ito sa pagpapabagal ng growth at development ng cancer.

Ayon sa pag-aaral napapakita ang benepisyo nito sa mga sumusunod: 

  • May contribution ito sa death ng mga cancerous cells
  • Nakaka-reduce ng metastasis o pagkalat ng cancer
  • Nakakatulong bilang isang gamot sa bukol ang luyang dilaw o nakaka-reduce ito ng angiogenesis o growth ng new blood vessel sa mga tumor na cancerous. 

BASAHIN:

Salabat: 10 na benepisyo nito sa kalusugan

Mahilig ka ba sa Avocado? Nakakatulong daw ito para mapababa ang risk sa pagkakaroon ng sakit sa puso

12 health benefits na makukuha mula sa saging

11. Mayroon itong natural anti-inflammatory compound

Nakakatulong ito na labanan ang mga foreign invadeers na pumapasok sa ating katawan at may malaki ring role ang curcumin na taglay ng luyang dilaw sa pag-repair ng damage sa ating katawan. 

Kahit na acute ito, ang short-term inflammation ay benefical, pero maaari ring ipag-aalala lalo na kung ito ay chronic at inaatake na ang tissues sa ating katawan. 

Ilang mga scientist ang naniniwala na ang chronic low-level ng inflammation ay may mahalagang role sa ilang mga kundisyon sa kalusugan at mga sakit. 

Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod: 

Partner Stories
Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
This SPAMtastic™ Christmas Gift Idea Will Surely Be a Hit
This SPAMtastic™ Christmas Gift Idea Will Surely Be a Hit
Give Yourself the Care You Deserve!
Give Yourself the Care You Deserve!
  • Sakit sa puso
  • Caner
  • Alzheimer’s Disease
  • Metabolic syndrome

Kaya naman ang kahit anong makakatulong para labanan ang chronic inflammation ay mahalaga. Makakatulong din ito para ma-prevent at makatulong sa paggamot ng mga sakit. 

12. Ang luyang dilaw ay nakakatulong para tumaas ang antioxidant capactiy ng katawan

Sapagkat ang curcumin na taglay ng luyang dilaw ay sinasabing mayroong antioxidant properties na maaaring ma-neutralize ang mga radicals dahil sa mga chemical structure. 

Nakakatulong ito para ma-boost ang antioxidant capacity ng ating katawan na makakatulong sa atin upang maiwasan ang pagkakaroon ng ilang mga sakit. 

13. Nakakatulong para makaiwas sa sakit sa puso

Ayon sa World Health Organization, ang sakit sa puso ay pangunahing dahilan ng pagkamatay sa mundo. 

Kaya naman mahalaga na pangalagaan natin ang ating puso lalo na ang kalusugan nito. Sinasabi ng pag-aaral, na ang curcumin na taglay ng luyang dilaw ay nakakatulong para ma-reverse ang maraming steps sa pagkakaroon ng sakit sa puso. 

Ang pinakabenepisyo ng curcumin sa puso ay pag-improve nito ng function ng endothelium, ito ay ang lining ng ating mga blood vessels. 

Isa ang endothelial dysfunction sa driver ng pagkakaroon ng sakit sa puso. Kung saan ang ating endothelium ay hindi nakaka-regulate ng blood pressure, blood clotting at iba pang factors. 

Nakita sa ilang pag-aaral na ang curcumin ay nakakatulong para ma-improve ang mga ganitong kundisyon. 

14. Para sa mga kababaihan: Nakakatulong ito sa post-menopausal na nararanasan ng kababaihan.

Nakita rin sa pag-aaral na ang pag-inom ng luyang dilaw na may taglay na curcumin kasabay ng ehersiyo ay nakakatulong sa vascular endothelia function ng mga kababaihan. 

Turmeric tea o salabat na luyang dilaw recipe

luyang dilaw benefits

Larawan mula sa Shutterstock

Ang isa sa mga paraan para ma-intake ng turmeric o luyang dilaw ay pag-inom nito o paggawa ng salabat o tea. Kaya naman inilista namin ang paraan sa tamang paggawa ng luyang dilaw salabat para sa pag-inom nito. Ito ay ang mga sumusunod: 

Mga sangkap:

  • Luyang dilaw
  • Lemon Juice
  • Honey

Paraan ng paggawa:

  • Balatan ang luyang dilaw at hiwain ito, depende kung gaano kalaking hiwa ang inyong gagawin. 
  • Maglagay ng tubig sa isang kaldero o kaya naman kettle at ilagay dito ang hiniwang luyang dilaw. 
  • Hintayin itong kumulo at kapag kumulo na ito ilagay ito sa baso o mug. 
  • Puwede mong salain ang mga luya para purong katas ng luyang dilaw ang iyong maiinom. 
  • Pagkatapos nito, ilagay ang lemon juice at honey at haluin ito. 

Pagkatapos ng procedure na ito maaari nang inumin ang inyong Turmeric Tea o Salabat na gawa sa luyang dilaw. Maaari itong inumin dalawang beses sa isang araw. Sa umaga kapag gising at sa gabi bago matulog. 

May masamang epekto ba ang ng luyang dilaw?

Wala namang sinasabing masamang epekto ang luyang dilaw subalit mayroon itong mga maaaring side effects sa isang tao lalo na kung naparami ang pag-inom nito. Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod: 

  • Pagdudumi 
  • Acid reflux
  • Diarrhea 
  • Pagkahilo
  • Pananakit ng ulo. 

Sa kabuuan ang luyang dilaw o turmeric ay maraming benepisyo sa ating katawan. Maraming mga scientifically proven studies ang nasasabi sa benepisyo at dulot nito sa ating kalusugan. 

Ang taglay nitong curcumin at pagiging antioxidant nito, maraming mga sakit ang maaari ma-improve sa pag-inom o pag-take ng luyang dilaw. 

 

Healthline, WebMD, NCBI

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Marhiel Garrote

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagkain at nutrisyon
  • /
  • 14 na benefits ng Luyang Dilaw sa kalusugan
Share:
  • Mister hindi inakalang kapatid niya ang babaeng kaniyang napangasawa at ina ng dalawa niyang anak

    Mister hindi inakalang kapatid niya ang babaeng kaniyang napangasawa at ina ng dalawa niyang anak

  • Walang ibang gustong kainin ang bata kundi ang favorite food niya? Baka sign na ito ng ARFID

    Walang ibang gustong kainin ang bata kundi ang favorite food niya? Baka sign na ito ng ARFID

  • 7 na mga pagkain na mayaman sa VITAMIN D

    7 na mga pagkain na mayaman sa VITAMIN D

  • Mister hindi inakalang kapatid niya ang babaeng kaniyang napangasawa at ina ng dalawa niyang anak

    Mister hindi inakalang kapatid niya ang babaeng kaniyang napangasawa at ina ng dalawa niyang anak

  • Walang ibang gustong kainin ang bata kundi ang favorite food niya? Baka sign na ito ng ARFID

    Walang ibang gustong kainin ang bata kundi ang favorite food niya? Baka sign na ito ng ARFID

  • 7 na mga pagkain na mayaman sa VITAMIN D

    7 na mga pagkain na mayaman sa VITAMIN D

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.