Ang luyang dilaw o tumeric sa English ay maraming benefits sa kalusugan ng isang tao. Inilista namin ang ilan sa mga benepisyo ng halamang gamot na ito.
Talaan ng Nilalaman
Luyang Dilaw o Turmeric
Ang turmeric o luyang dilaw sa Tagalog/Filipino ay isang spice root na galing sa Curcuma longa. Nagtataglay ito ng kemikal na kung tawagin ay curcumin, na maaaring makapagpabawas ng pamamaga o swelling. Isa rin itong antioxidant.
Mayroon itong mapait na lasa at kadalasang ginagamit na pangpakulay sa mga curry powder, mustard, butter, at mga keso. Sapagkat ang curcumin at iba pang kemikal na taglay ng luyang dilaw ay maaaring makapag-decrease ng pamamaga. Ginamit din ito kadalasan sa mga sakit na may kinalaman sa pananakit ng katawan o bahagi ng katawan at inflammation
Kadalasang ginagamit ang luyang dilaw para sa osteoarthritis, hay fever, depresyon, mataas na cholesterol at type ng liver disease.
14 health benefits ng Luyang Dilaw
Ano nga ba ang makukuhang benepisyo ng luyang dilaw o turmeric? Ito ang ilang mga luyang dilaw benefits sa kalusugan ng isang tao
1. Nakakatulong ito sa allergic rhinitis o hay fever
Sinasabing nakakatulong ang luyang dilaw sa mga taong nakakaranas ng allergic rhinitis. Nire-reduce nito ang mga sintomas ng allergic rhinitis katulad ng sneezing, pangangati, runny nose, at nasal congestion.
2. Depresyon
Ilang mga pag-aaral ang nagsasabi na isa sa mga luyang dilaw benefits ay nakakatulong sa pagpapawala o nakakatulong na makapag-reduce ng sintomas ng depresyon sa isang tao.
3. Pagpapatibay ng memorya
Sinasabi ng isang pag-aaral na nakakatulong ang luyang dilaw sa pagpapatibay ng memorya ng isang tao. Ang pag-in take ng 90 milligrams ng curcumin ng dalawang beses kada araw sa loob ng 18 na buwan makakatulong para tumibay ang memorya ng isang tao na walang karamdaman katulad ng dementia o alzhemiers.
4. Gamot sa mamaso
Hindi lamang nakakatulong ang luyang dilaw sa mga taong nakakaranas ng pamamaga o pananakit ng katawan o kaya naman lalamunan. Kundi nakakatulong din ito sa mga sakit katulad ng mamaso.
Sapagkat mayroon itong antioxidant properties na nakakatulong sa pagpatay ng mga bacteria. Kaya naman nakakatulong ito sa mga sakit na sanhi ng isang bacterial infection katulad ng mamaso.
5. Nakakatulong sa pagpapababa ng cholesterol
Ang curcumin na taglay ng luyang dilaw ay may benefits din para sa pagpababa ng cholesterol. Sa pamamagitan ng pag-inom ng turmeric nakakatulong itong mapababa ang fats sa dugo na tinatawag na triglycerides.
Pero hindi ibig sabihin nito ay isa na itong gamot sa may mga mataas na cholesterol levels, subalit ang sinasabi ay nakakatulong lamang ito.
6. Nakakatulong sa may mga fatty liver disease
Ang mga taong may sakit sa liver na hindi naman pala-inom ng alak ay nakakatulong para mabawasan ang tiyan ng injury sa liver sa mga taong may ganitong kundisyon.
Sinasabi na nakakatulong din ito para ma-prevent ang build-up ng taba o fats sa liver ng isang tao.
7. Gamot sa pamamaga ng lalamunan
Ang pag-inom ng luyang dilaw ay mga benefits sa mga pamamaga ng lalamunan. Dahil sa taglay nitong curcumin ay matatagpuan din sa mga lozenge o mouthwash na nakakatulong para maiwasan ang pamamaga ng lalamunan o kaya ng mga sores sa lalamunan.
8. Nakakatulong sa mga mayroong osteoarthritis o rayuma
Ang pag-take ng luyang dilaw extracts at iba pang herbal medicine ay nakakatulong para mabawasan ang pananakit ng tuhod dulot ng osteoarthritis o rayuma. Sinasabi na kasing epektibo nito ang pag-inom ng ibuprofen sa pag-reduce ng sakit.
9. Mabisa na makatulong sa pangangati
Isa pa sa benefits ng tumeric ay nakakatulong ito sa mga pangangati ng katawan sa ilang mga kundisyon. Ang pa-inom nito mula sa bibig ay mas magiging epektibo para sa pangangati.
10. Nakakatulong para makaiwas sa pagkakaroon ng cancer
Ayon sa Healthline, ang curcumin na isang taglay na kemikal ng luyang dilaw ay isa umanong beneficial herb para sa cancer treatment. Nakakatulong ito sa pagpapabagal ng growth at development ng cancer.
Ayon sa pag-aaral napapakita ang benepisyo nito sa mga sumusunod:
- May contribution ito sa death ng mga cancerous cells
- Nakaka-reduce ng metastasis o pagkalat ng cancer
- Nakakatulong bilang isang gamot sa bukol ang luyang dilaw o nakaka-reduce ito ng angiogenesis o growth ng new blood vessel sa mga tumor na cancerous.
11. Mayroon itong natural anti-inflammatory compound
Nakakatulong ito na labanan ang mga foreign invadeers na pumapasok sa ating katawan at may malaki ring role ang curcumin na taglay ng luyang dilaw sa pag-repair ng damage sa ating katawan.
Kahit na acute ito, ang short-term inflammation ay benefical, pero maaari ring ipag-aalala lalo na kung ito ay chronic at inaatake na ang tissues sa ating katawan.
Ilang mga scientist ang naniniwala na ang chronic low-level ng inflammation ay may mahalagang role sa ilang mga kundisyon sa kalusugan at mga sakit.
Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:
- Sakit sa puso
- Caner
- Alzheimer’s Disease
- Metabolic syndrome
Kaya naman ang kahit anong makakatulong para labanan ang chronic inflammation ay mahalaga. Makakatulong din ito para ma-prevent at makatulong sa paggamot ng mga sakit.
12. Ang luyang dilaw ay nakakatulong para tumaas ang antioxidant capactiy ng katawan
Sapagkat ang curcumin na taglay ng luyang dilaw ay sinasabing mayroong antioxidant properties na maaaring ma-neutralize ang mga radicals dahil sa mga chemical structure.
Nakakatulong ito para ma-boost ang antioxidant capacity ng ating katawan na makakatulong sa atin upang maiwasan ang pagkakaroon ng ilang mga sakit.
13. Nakakatulong para makaiwas sa sakit sa puso
Ayon sa World Health Organization, ang sakit sa puso ay pangunahing dahilan ng pagkamatay sa mundo.
Kaya naman mahalaga na pangalagaan natin ang ating puso lalo na ang kalusugan nito. Sinasabi ng pag-aaral, na ang curcumin na taglay ng luyang dilaw ay nakakatulong para ma-reverse ang maraming steps sa pagkakaroon ng sakit sa puso.
Ang pinakabenepisyo ng curcumin sa puso ay pag-improve nito ng function ng endothelium, ito ay ang lining ng ating mga blood vessels.
Isa ang endothelial dysfunction sa driver ng pagkakaroon ng sakit sa puso. Kung saan ang ating endothelium ay hindi nakaka-regulate ng blood pressure, blood clotting at iba pang factors.
Nakita sa ilang pag-aaral na ang curcumin ay nakakatulong para ma-improve ang mga ganitong kundisyon.
14. Para sa mga kababaihan: Nakakatulong ito sa post-menopausal na nararanasan ng kababaihan.
Nakita rin sa pag-aaral na ang pag-inom ng luyang dilaw na may taglay na curcumin kasabay ng ehersiyo ay nakakatulong sa vascular endothelia function ng mga kababaihan.
Turmeric tea o salabat na luyang dilaw recipe
Ang isa sa mga paraan para ma-intake ng turmeric o luyang dilaw ay pag-inom nito o paggawa ng salabat o tea. Kaya naman inilista namin ang paraan sa tamang paggawa ng luyang dilaw salabat para sa pag-inom nito. Ito ay ang mga sumusunod:
Mga sangkap:
- Luyang dilaw
- Lemon Juice
- Honey
Paraan ng paggawa:
- Balatan ang luyang dilaw at hiwain ito, depende kung gaano kalaking hiwa ang inyong gagawin.
- Maglagay ng tubig sa isang kaldero o kaya naman kettle at ilagay dito ang hiniwang luyang dilaw.
- Hintayin itong kumulo at kapag kumulo na ito ilagay ito sa baso o mug.
- Puwede mong salain ang mga luya para purong katas ng luyang dilaw ang iyong maiinom.
- Pagkatapos nito, ilagay ang lemon juice at honey at haluin ito.
Pagkatapos ng procedure na ito maaari nang inumin ang inyong Turmeric Tea o Salabat na gawa sa luyang dilaw. Maaari itong inumin dalawang beses sa isang araw. Sa umaga kapag gising at sa gabi bago matulog.
Iba’t ibang produkto ng luyang dilaw na mabibili online:
Kung nais mo naman ay instant o mabilis na pag gawa ng inumin mula sa luyang dilaw, may mga available na products sa online market. Narito ang ilan sa mga best brands:
Ginger Powder Pure Organic and Natural
Kung hanap mo ay powdered ginger, i-add mo na sa iyong online shopping cart ang budget-friendly na Ginger Powder Pure Organic and Natural product na ito!
Gawa ito sa natural na luyang dilaw at walang kahit na anong halo. Pinong-pino rin ang powder na ito kaya’t napakadaling lusawin sa tubig. Bukod pa roon ay maaari mo rin itong ihalo sa iba’t ibang pagkain. Puwede rin itong gamitin kung nais mong gumawa ng ginger facial mask.
Talaga namang sulit ang produktong ito!
Features we love:
- Made from pure, natural, and organic ginger.
- Finely grounded powder.
- Can be mixed with other foods or drinks.
Stash Tea Lemon Ginger Herbal Tea
Kung nais mo naman ay luyang dilaw tea na may mild at refreshing na lasa, subukan ang Stash Tea Lemon Ginger Herbal Tea. Ang produktong ito ay gawa sa 100% natural ingredients gaya ng ginger root, lemon grass, natural lemon flavor, hibiscus, citric acid, safflower, at natural ginger flavor.
Mayroon itong soothing blend na may katamtamang anghang at citrus na lasa na tiyak ay magugustuhan mo!
Features we love:
- Caffeine-free.
- Made from natural ingredients.
- Has a tangy, sunny citrus, and warmth taste.
May masamang epekto ba ang ng luyang dilaw?
Wala namang sinasabing masamang epekto ang luyang dilaw subalit mayroon itong mga maaaring side effects sa isang tao lalo na kung naparami ang pag-inom nito. Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:
- Pagdudumi
- Acid reflux
- Diarrhea
- Pagkahilo
- Pananakit ng ulo.
Sa kabuuan ang luyang dilaw o turmeric ay maraming benepisyo sa ating katawan. Maraming mga scientifically proven studies ang nasasabi sa benepisyo at dulot nito sa ating kalusugan.
Ang taglay nitong curcumin at pagiging antioxidant nito, maraming mga sakit ang maaari ma-improve sa pag-inom o pag-take ng luyang dilaw.
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.