Stressful nga naman ang walang tigil na pag-iyak ng bata. Narito ang payo ng eksperto kung paano ang mabilis na pagpapatahan kay baby.
Mga mababasa sa artikulong ito:
- Mabilis na pagpapatahan kay baby? Heto ang say ng experts
- Tips on how to give your baby a good night’s sleep
Mabilis na pagpapatahan kay baby? Heto ang say ng experts
Narito ang susi sa mabilis na pagpapatahan kay baby. | Larawan mula sa Pexels
Nagsi-share ng parehong struggle ang bawat magulang pagdating sa kanilang supling. Darating kasi sa puntong magiging iyakin ang bata. Magkakaroon ng sleepless nights ang parents dahil sa walang humpay na pag-iyak nito sa gabi. Kung nasa kasalukuyang experience ka nito, maaaring kailanganin mo na ng payo mula sa experts.
The “to soothe and promote sleep” sleep method
Sa bagong pag-aaral na nailathala sa Current Biology, mayroon silang bagong iminungkahi na way para sa pagpapatahan kay baby. Ito ang tinatawag nilang “to soothe and promote sleep.” Kung saan layunin nitong matulungan ang parents kung ano ba ang most effective way upang mapatulog muli ang mga bata.
Nakuha nila ang resultang ito mula sa datos sa 21 na nanay at baby nila na may edad na hanggang pitong buwang gulang. Sa pamamagitan ng electrocardiograms at video cameras, napaghambing nila ang heart rates at behavior ng mga bata. Sinubukang gawin ng mga nanay ang apat na iba’t ibang paraan sa pagpapatulong ng anak. Ito ang mga sumusunod:
- Naglalakad habang buhat-buhat ang baby
- Karga-karga ang bata habang nakaupo
- Inilalagay ang sanggol sa isang cot
- Hinehele ang supling gamit ang isang stroller
Sa lahat ng ito, natagpuang ang pinaka-effective upang patigilin ang pag-iyak niya ay ang una. Nasa 45.5% ang nakakatulog kaagad sa loob lamang ng limang minuto. Habang 18.2% ng mga baby lang ang humihinto at nakakatulog matapos umiyak kung nakaupo ang nanay.
Kaya rin nasabi ng experts na “trick” na maituturing ang way ng paglalakad upang tumahan ang bata. Sa tingin ng researchers, kaya raw ito gumagana kaagad ay dahil malapit sa parent ang katawan ng bata. Para rin daw tuloy-tuloy ang tulog ng bata, mahalagang patagalin ang paglalakad sa loob ng lima hanggang walong minuto bago ihiga.
Para sa pediatrician na si Lisa Hoang, MD, nalaman daw nilang pareho kasi ang motion sa loob ng uterus at paglalakad kaya ito ang preferred ng infants.
“It makes sense that the findings showed carrying a crying infant while walking helps to soothe them. This is a motion that babies…often find comforting, and measuring objective data like heart rate outside the womb validates this.”
Iba-iba ang individual needs ng bata para matigil sila sa kanialng pag-iyak ayon sa experts. | Larawan mula sa Pexels
Sa kabila nito, sinabi rin ng experts na maaaring hindi ito effective para sa lahat. Mas mainam pa rin daw na alamin first hand ng parents kung ano ang mas nararapat para sa kanilang anak. Naniniwala raw kasi silang iba-iba pa rin ang pangangailangan ng bata as individuals.
Tips on how to give your baby a good night’s sleep
Subukan ang ilang ways na ito para makatulog nang mahimbing si baby | Larawan mula sa Pexels
Ang mahimbing na tulog ni baby ay nangangahulugan ng isang bagay: mahimbing na tulog din para kay mommy at daddy. Bukod sa nabanggit ng experts na “to soothe and to promote sleep” method, maraming factors pa ang helpful for a good night sleep. Hindi lang naman kasi ang paghehele ng parents ang dahilan kung bakit hindi nakakatulog nang maayos ang bata sa gabi.
Narito ang ilang tips na maaaring gawin sa mga panahong hirap na makatulog ang inyong little ones:
- Siguraduhing natutulog ang iyong anak kasama sa iyong room ngunit nakabukod na crib.
- Sundan ang isang consistent na schedule o ng bed time niya para makilala ng kanyang katawan ang body clock.
- Subukang magpatugtog ng lullaby at iba pang malumanay na kantang nakakaantok.
- Maaari ring yakapin siya madalas at kantahan.
- Bigyan siya ng time na umiyak at hanapin muna ang comfortable position na para sa kanya.
- Paglaanan ng time ang sarili upang maunawaan na may iba’t ibang kahingian ang bata para siya makatulog.
- Siguarduhing hindi mainit o sobrang lamig ang temperature sa loob ng kanyang tinutulugan.
- Pagsuotina ng bata ng mga komportableng damit na mabilis siyang makakahimbing.
- Kung dumarami ang concerns, mainam na lumapit na sa inyong doktor at mga eksperto.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!