Maggie Wilson, ipinahayag sa pamamagitan ng social media ang kaniyang pagkadismaya nang siya ay tanggihan na mabigyan ng access sa mga litrato kuha noong 10th birthday party ng anak.
Mababasa sa artikulong ito:
- Maggie Wilson magkasama sa birthday ng anak na si Connor
- 5 Co-parenting tips
Maggie Wilson magkasama sa birthday ng anak na si Connor
Matatandaan na nito lamang nakaraan buwan ay muling nagkita sina Maggie Wilson at ang kaniyang ex-husband na si Victor Consunji para sa 10th birthday party ng kanilang anak na si Connor.
Underwater ang theme ng party ni Connor na ginanap sa M Residences Clubhouse sa Acacia Estates, Taguig city. Sa Instagram story ni Maggie, ni-repost niya ang litrato niya kasama si Victor at kanilang anak.
Ayon sa PinknPeach Party, ang event organizer para sa birthday ni Connor, saludo sila sa “hands-on dad” na si Victor dahil kasama siya sa paghahanda para sa birthday party ng anak.
“We’re just happy doing venue transformation again after more than 2 years. Salute to the hands-on dad for being there from preps ’til on the day,” pagbabahagi ng kanilang party organizer.
“One of the best parties we had! Thanks boss @victorconsunji. Happy birthday Connor!” dagdag pa nito.
Binati rin ni Maggie ang anak sa pamamagitan ng isang Instagram post, ito ang sinabi niya sa kaniyang post,
“I can’t believe you are now 10 years old. Where has the time gone? My pregnancy and journey to have you was not an easy one but it was all worth it.
I remember everything like it was just yesterday. I am so proud of the little man you have become. Seeing you grow into the beautiful young man that you are brings me so much joy.
You are so kind, gentle and extremely loving. I cherish every hug, every kiss and all of our tender moments of lambing. I love so much my Connor. Happy birthday bubba!”
Ito ang mensahe ni Maggie sa anak si Connor. Masayang-masaya si Maggie na makasama ang anak sa birthday nito.
Daing ni Maggie patungkol sa mga larawan sa pictures noong birthday ng anak
Samantala, nito lamang nakaraan ay muling naglabas ng saloobin si Maggie sa pamamagitan ng kaniyang Instagram story nang siya ay tanggihan na magkaroon ng access para sa birthday photos ni Connor.
“Okay…. Here we go again!” panimula ni Maggie.
Mula dito, ipinakita na ng former beauty queen ang screenshot ng conversation sa pagitan niya at ng isang empleyado mula sa photo company noong birthday ng anak.
Makikita sa screenshot na ito ang maayos na pag-uusap sa pagitan ng dalawa matapos humingi ni Maggie ng mga litrato kuha sa 10th birthday party ni Connor. Agad naman pumayag ang kaniyang kausap at ayon pa sa kaniya,
“Yes will send the full set po once ready. Thank you so much po”
Screencapture mula sa Instagram account ni Maggie Wilson
Subalit matapos ang ilang araw ay bigla itong binawi ng kumpanya na siya namang ikinasasama ng loob ng former beauty queen na si Maggie Wilson. Humingi ng paumanhin ang empleyado ng kumpanya, ayon sa kaniya,
“Hi Ms Maggie, our sincere apology po but we were instructed by […] not to upload the rest of the set from Connor’s party.”
Pinili na lamang ni Maggie na hindi mag-drop name at takpan na lamang ang pangalan sa conversation sa pagitan nila. Dagdag pa nito,
“We were also instructed not to send any photos po. Kindly ask copy na lang daw po kay […]”
Dito na inilabas ni Maggie Wilson ang kaniyang naging saloobin sa likod ng pangyayari. Ayon sa kaniya,
“Another day…
You might think everything is nice and peachy on the outside but this is what I have to deal with and have been dealing on the inside for far too long now.
Control.”
Hindi ito ang unang pagkakataon na naglabas ng sama ng loob at pagkadismaya si Maggie sa kaniyang social media account. Matatandaan na nito lamang nakaraan pasko, ibinahagi niya na hindi niya nakasama sa kabila ng maayos na usapan bago pa man ito mangyari.
“Unfortunately, I was denied that. Over Xmas eve and Xmas day, I was refused time with my son Connor despite an agreement being made prior.” pagbabahagi niya.
Official na sinabi ni Maggie Wilson at Victor Consunji ang kanilang hiwalayan noong Setyembre nakaraang taon at nagkasundo para sa kanilang co-parenting set-up. Ayon pa kay Maggie,
“We remained really good friends and partners and will continue to do so.”
Larawan mula sa Instagram account ni Maggie Wilson
BASAHIN:
LOOK: Maggie Wilson at Victor Consunji, nagsama para sa 10th birthday ng kanilang anak
Maggie Wilson reveals separation from husband Victor Consunji
Jake Ejercito on co-parenting: “Hindi siya madali. Marami kaming pinagdaanan bago kami dumating dito.”
5 co-parenting tips
Ang co-parenting ay isang paraan na ginagawa ng dating mag-asawa o mag-partner na hiwalay na sa pagpapalaki ng kanilang anak.
Ito ay ginagawa upang patuloy pa ring magawa ng magkabilang panig ang kanilang tungkulin at obligasyon sa kanilang anak.
-
Ang inyong anak dapat ang #1 priority
Kahit ano pa man ang pinagdaanan niyo, importante na palaging isaalang-alang ang kapakanan ng inyong anak.
Ang bawat desisyon ay nararapat lang na hindi naaapektuhan ng personal na emosyon at sariling interes. Ito ay dapat nakabase lamang sa kung ano ang makabubuti sa inyong anak.
-
Effective communication
Isa sa mga simple ngunit mahalagang tuntunin sa co-parenting ay ang epektibong pakikipag-komunikasyon ng bawat magulang sa isa’t isa.
Mahalaga ang malinaw na usapan upang maiwasan ang hindi pagkakaintindihan na maaaring maging dahilan ng malaking problema.
Tandaan na ang inyong anak ang maaapketuhan sa mga bagay na inyong ginagawa.
-
Maging tapat sa inyong parenting schedule
Iwasang makagulo sa schedule na nai-set na upang maiwasan ang conflict sa parehong side. Ang pagsunod sa tamang oras ay isang paraan ng pagpapakita ng respeto sa iyong anak at sa kaniyang magulang.
-
Huwag magsabi ng masasamang bagay sa anak tungkol sa iyong co-parent
Kung kinakailangan mong maglabas ng sama ng loob o hinaing sa iyong co-parent, huwag itong gawin sa harap ng inyong anak. Sa halip, humanap na lamang ng kaibigan, therapist, o isang tao na nasa sapat na gulang upang maintindihan ito.
-
Panatilihin ang respeto
Maaaring nagkaroon kayo ng hindi pakakaintindihan noon ng iyong co-parent. Subalit hindi kailanman dapat na mawala ang respeto ninyo sa isa’t isa at inyong anak.
Ang pagkakaroon ng respeto ay may malaking tulong sa maayos na relasyon at pakikipag-komunikasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!