Maraming anak din ba ang gusto mo? Para sa 29-anyos na inang si Anna, ito ang pangarap niya.
Mababasa sa artikulong ito:
- Pangarap ng isang na magkaroon ng maraming anak.
- Benepisyo ng panganganak ng maaga.
Dito sa Pilipinas ay masasabing pangkaraniwan na ang pamilya na mayroong maraming anak. Bagama’t sa ngayon ay unti-unti ng nababago ito dahil sa epekto ng kahirapan ng buhay na nararanasan nating mga Pilipino.
Sapagkat hindi biro ang pagpapalaki ng bata. Maliban sa dapat ay masiguro mong mapalaki sila bilang responsableng indibidwal pagdating ng araw, hindi rin biro ang gastusan sa pagpapaaral sa kanila at sa pagtalima sa kanilang mga pangangailangan.
Ina pangarap ang magkaroon ng maraming anak
Pero para sa inang si Anna Mukhtar, ang pagkakaroon ng maraming anak ay pangarap niya. Sa edad na 29-anyos ay mayroon na siyang pitong anak – limang babae at pitong lalaki.
Para kay Anna ay hindi pa ito ang dami ng anak na gusto niya. Kung mabibigyan pa nga daw ng pagkakataon ay nais niyang mas marami pa.
“I’m 29 years old and I have 7 kids. Kung kaya pa, sana madagdagan pa sila.”
Ito ang sabi ni Anna sa kaniyang Facebook account na hinihiling din na sana ang pangarap niyang magkaroon ng sampung anak ay magkatotoo pa.
Kuwento pa ni Anna, siya ay nakasal ng bata pa at hindi siya nagsisisi na iwan ang pagkadalaga ng batang edad. Bagama’t maraming kumekwestyon sa desisyon niya, pagbabahagi ni Anna masaya siya sa buhay niya na may asawa at maraming anak.
“Minsan sinasabihan ako ng mga tao sa paligid ko, ang aga ko na nga daw nag-asawa, ang dami ko pang anak. Hindi na daw ako makakapag-enjoy. Pero sagot ko sa kanila masaya ako. Gusto ko nga sampung anak pa.”
Ang panganay ni Anna sa ngayon ay 12-anyos na. Ang pangalawa ay 11-anyos, 9-anyos ang pangatlo, 7-anyos ang pang-apat, 4-anyos ang panglima at 3-anyos ang pang-anim niyang anak.
Sa kasamaang palad, ang pang-pitong anak niya na 14-days old ay sumakabilang buhay kamakailan lang. Ito ay dahil ang sanggol niya ay nagkaroon ng problema sa kaniyang puso, liver at kidney.
BASAHIN:
STUDY: Mas maraming anak, mas mahabang buhay
10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang
Teenage pregnancy: Mga maaaring maging epekto ng maagang pagbubuntis
Advantage ng pag-aasawa ng maaga at pagkakaroon ng maraming anak
Mas marami, mas masaya. Ito ang dahilan ng ilan sa atin sa pagkakaroon ng maraming anak. Dahil kakaiba nga naman talaga ang pakiramdam na may maingay na mga batang masayang naghahabulan sa loob ng inyong bahay.
Habang sila ay lumalaki ay mas marami ka ring maasahan sa gawaing-bahay pati na rin sa pagsusustain ng gastos ng pamilya kapag sila ay malalaki na.
May advantage rin ang pag-aasawa ng maaga. At ang mga ito ay makakamit kung isasapuso ng mag-asawa ang tungkulin at pinangako nila sa isa’t isa.
1. Umiwas sa pangangaliwa o magtaksil sa inyong pagsasama.
credit to sources
Ang pinakamahalagang bagay na dapat tandaan ng mag-asawa para mas tumagal ang pagsasama ay ang umiwas na magtaksil sa kanilang relasyon. Dapat magkaroon din ng makatotohanang ekspektasyon sa takbo ng pagsasama.
Sapagkat hindi sa lahat ng oras ay puro saya at ligaya lang ito. May mga pagkakataon na susubukin ang mag-asawa ng problema na malalagpasan naman kung magtutulungan sila.
2. Maging mature at responsible.
Ang pagiging magulang at pagkakaroon ng anak ay isang napakalaking responsibilidad na kailangan mong gampanan habang buhay. Sa pagdaan ng panahon, ito ay magtuturo sa iyo na maging mas mature at responsible.
Napakahalaga nito dahil bilang mag-asawa ay bumubuo na kayo ng inyong sariling pamilya. Habang ang inyong mga anak ay nakadepende ang paglaki sa tamang nutrisyon at pagmamahal na ibibigay ninyo sa kanila.
Mahalaga na matutunan ng mag-asawaa ng maging mature at responsible sa pamilyang binubuo nila. Sapagkat kung hindi ay madalas itong pinagmumulan ng problema.
Partikular na ng hindi pagkakaintindihan at pagsusumbatan ng mag-asawa sa mga dapat ay ginagampanang tungkulin ng bawat isa.
3. Mas matahimik ang buhay kung laging isasaisip ang kapakanan ng iyong pamilya.
Sa bawat bagay o hakbang na ginagawa ay laging isaisip ang kapakanan ng iyong pamilya. Ito ay para magabayan ka na gumawa lang sa lahat ng oras ng para sa ikabubuti nila.
Sa ganitong paraan ay nakakaiwas ka sa gulo. Tahimik at masaya ang pagsasama ninyong mag-asawa, ganoon rin ang buhay ng inyong mga anak at ng inyong buong pamilya.
Ang artikulong ito ay orihinal na nailathala sa theAsianparent Malaysia at isinalin sa wikang Filipino ni Irish Mae Manlapaz.
Source:
Dedah.co, Bidadari
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!