Marian Rivera to Dingdong Dantes on their 9th wedding anniversary: “Happy Anniversary mahal, ikaw ang aking walang hanggang biyaya. ♥️??☝?”

Dingdong may hinanda ring appreciation post para sa misis na si Marian Rivera.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Marian Rivera at Dingdong Dantes nagpalitan ng sweet na mensahe sa kanilang 9th wedding anniversary.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Marian Rivera at Dingdong Dantes 9th wedding anniversary.
  • Mensahe ni Dingdong sa misis na si Marian.

Marian Rivera at Dingdong Dantes 9th wedding anniversary

Larawan mula sa Facebook account ni Marian Rivera

Maliban sa pagiging successful na aktor at aktres ay successful rin ang pagsasama nina Marian Rivera at Dingdong Dantes bilang mag-asawa. Sa katunayan nitong December 30 ay ipinagdiwang nila ang kanilang 9th wedding anniversary.

Si Marian idinaan ang pagbati sa mister na si Dingdong sa pamamagitan ng maikling mensahe. Ibinahagi niya rin kung ano ang naging takbo ng pagsasama nila ni Dingdong sa nakalipas na siyam na taon.

“Siyam na taon ng pagmamahal, tawanan, at walang katapusang pasasalamat. Happy Anniversary mahal, ikaw ang aking walang hanggang biyaya. ♥️??☝?”

Ito ang caption ng post ni Marian na tampok rin ang wedding portrait nila sa kanilang naging kasal noong December 30, 2014.

Nag-comment naman si Dingdong dito na linya mula sa isang sikat na kanta ngayon.

“Hanggang sa susunod na habambuhay…”, sabi ni Dingdong kay Marian.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Facebook account ni Marian Rivera

Mensahe ni Dingdong sa misis na si Marian

Si Dingdong sa kaniyang Instagram ay nagbahagi rin ng wedding photos nila ni Marian. Ibinahagi niya rin kung gaano siya kasaya sa naging success ng pelikula nilang dalawa ni Marian na “Rewind”. Mayroon din siyang message at appreciation post kay Marian na tinawag niyang best mom, wife at leading lady.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Facebook account ni Marian Rivera

“Being able to tell the story of John and Mary is a gift. Sharing it successfully with millions of people fulfills a mission. Accomplishing this mission alongside you, my wife, is a rare privilege, one that I believe comes once in a lifetime. I am genuinely grateful for this extraordinary experience, which will always hold a special place in my heart.

On our wedding anniversary, I have nothing but gratitude to you, my Mary, for being the best mom, wife, friend, and leading lady anyone could ever ask for.

Happy 9th. Lundagin mo pa, Beybe!”

Ito ang mensahe ni Dingdong kay Marian sa kanilang wedding anniversary.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Si Marian nag-comment sa post na ito ni Dingdong na tinawag niya ring “best” sa buhay niya.

“Love you my BEST ♥️.”

Ito ang sabi pa ni Marian.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement