Mas makakatipid nga ba sa paggamit ng cloth diaper kay baby?
Mababasa sa artikulong ito:
- Cloth diapers para kay baby
- Tatlong uri ng cloth diapers
- Paano gumamit ng cloth diapers
I am Aralei Ampongan, content creator of Momma Ara, rasing a 7 year old and a 1 year old girls. Exclusive breastfeeding and Exclusive Cloth Diapering.
Mas makakatipid ba sa cloth diaper?
Noong buntis pa lang ako, desidido na talaga ako na mag-breastfeed at cloth diapers para sa aking bunso.
Mas makakatipid ba sa cloth diaper? | Image from Mommy Aralei Ampongan
Una, dahil hindi ko ito naiparanas sa panganay ko. Pangalawa, dahil tipid kami sa gatas and disposable diapers. Sumali ako sa mga Cloth Diapering groups tulad ng Cloth Diaper Advocate of the Philippines at Cloth Nappies Philippines.
Nakaka-overwhelm and mga informations and learning sa cloth diapering tulad ng madami pa lang types ito: Cover Type, Pocket Type, Fitteds, Hybrid Fitteds at All in One.
Ngayong 16 months na kaming user ng cd, tatlo sa types na ‘yan ang nasubukan ko at hanggang ngayon ay ginagamit pa rin namin.
BASAHIN:
LIST: 6 cloth diaper na perfect kay baby
Kung paano tumigil gumamit ng diapers ang anak ko in 1 week
#TipidTips: Mga paraan para maka-menos sa gastos sa diapers
Tatlong uri ng cloth diapers para kay baby
1. Pocket Type
Ito ang basic type of cloth diaper, lalo sa mga beginners. Waterproof ito at may bulsahan na paglalagyan ng insert na mag a-absorb naman sa ihi. Usually ang default insert ng pocket type diapers ay microfiber and bamboo charcoal. One size fits most type ito, kasya from newborn to toddler.
Materials:
- Outer: PUL (Polyurethane Lamination) or Waterproof fabric
- Inner: Microsuede
- Insert: Microfiber/ Bamboo Charcoal
Sample brands: Alvababy, Naughtybaby, Babyland, Happy flute, Booldeet, Quigglebum, Ecopwet
2. Fitted Diapers
Ginagamit naman ito for presko time, para mapahinga ang bum at private part ni baby mula sa pagkakababad magdamag sa nappy. With sewn in inserts ito, good for 1-2 wiwi lang but you can add soaker for extra absorption.
Materials:
- Nappy: Cotton Terry/ Micro FCT Brushed
- Sewn In soaker: Cotton Terry
Sample Brands: Whimsy Filly, Bum Luke, Nip Nappies
3. Hybrid fitted cloth diapers
Still a fitted nappies, breathable and it isn’t totally waterproof. The difference is ang hybrid fitted ay may water repellant fabric, kaya kapag yung wiwi or liquid na hit niya ‘yung fabric na ‘yon, magde-deflect lang siya pabalik sa soaker or sa absorbent fabric. Madami ring prints na available compared sa PUL, pero mas pricey din siya compared sa ibang types of CD.
Variations:
Pocket and Snap In. May side snapped HF’s din, means ‘yung wing closure niya nasa each side ng nappy.
Materials:
- Outer: woven, spoonflower, swimknit, spandex
- Hidden: Windpro, Fleece
- Inner: Athletic Wicking Jersey, Super Soft Votton Velour
- Soakers: Iba iba din ang fabric depende sa wahm. Usually trifold ang kasama ng mga Made to Order nappies. Yung iba may awj on top para stay dry sa bum.
Sample Brands: Sean&Shawn, Butt-oms Up, Fluffed Up at marami pang iba.
Nakatipid nga ba ako sa paggamit nito sa loob ng 16 months? The answer is, YES!
Kasi bumibili rin ako ng preloved but well loved. I know may iba na hindi pabor sa preloved nappies but there is a way to disinfect preloved nappies before using them. Also good investment din ito. Why? Tulad ngayon, semi potty train na kami, from 60+ stash ngayon ay may 20+ stash na lang kami, and the rest naibenta ko pa lahat. Bumalik pa rin ‘yung at least half ng na-spend ko noong binili ko itong mga ito.
Pagdating naman sa konsumo ng kuryente at tubig na ginagamit sa paglalaba ng nappies, masasabi kong nakakatipid pa rin ako, kasi every 3-4 days kami naglalaba kasabay ng laba day namin. Paano malalaman kung ilang diaper ang kailangan mo? Bilangin kung ilang diaper ang nagagamit sa isang araw at i-multiply ito sa kung ilang days bago ang inyong laba day.
Mas makakatipid ba sa cloth diaper? | Image from Mommy Aralei Ampongan
Halimbawa:
Nakaka 8-10 diapers kami a day kasi every 3 hours kami magpalit (for hygienic purposes) and nakaka dalawang nappy kami sa magdamag, plus pa rito ‘yung pamalit kapag nagpoop si baby.
So 10 diapers x 4 days na laba = 40 cds ang kailangan ko, pero if tight ang budget at starting pa lang pwedeng-pwede mag wash and wear.
1. Paano gamitin ang cloth diaper?
Ang cloth diaper ay tinatawag din na modern lampin. Kung cover type ang gagamitin pwedeng suotan muna ng lampin si baby then tyaka isuot ang cover type diaper, kung walang snappi or diaper clamp pwedeng ipatong na lang sa nappy ang lampin.
Ganoon din sa Fitted Cloth Diapers, madalas may mga sewn in insert na ito and pwede na gamitin, pero kung magdadagdag ng soakers for extra absorbency ipapatong lang din sa nappy or isusuot kay baby with diaper clamp tapos tyaka isusuot ang fitted nappy.
Kung PUL type, ipapasok muna ang insert sa pocket o bulsahan ng nappy then pwede na isuot like normal diaper.
Sa Hybrid Fitteds naman dahil pwedeng pocket type ito ipapasok muna ang insert at kung snap in naman ito pwede na isuot like normal diaper.
Mas madali naman sa All in One diaper, dahil nakatahi na ang insert nito sa mismong nappy, isusot na lang ito kay baby like disposable diaper.
Ang cloth diapers ay mayroong snaps for leg and waist adjustment, pwede palitan ang setting from newborn, small, medium and large since ito nga ay one size fits most na maaring gamitin mula newborn hanggang toddler age.
Mas makakatipid ba sa cloth diaper? | Image from iStock
2. Magkano ang natitipid mo mula nang gumamit ka ng cloth diaper?
My baby is now 18 months old. Kung disposable diaper ang gamit namin at halimbawang gumagastos ako ng 1,000 per week, 4,000-5,000 per month, sa loob ng 18 months that will cost me around 72,000 – 90,000.
Nagsimula ako sa 7 pieces na cloth diaper hanggang sa nakabuo ako ng stash na 21 pieces good for 3 days dahil every 3 days ang laba day namin na nagkakahalaga in total ng 2,500
2,500 vs. 72,000-90,000
So ganun kalaki ang natipid namin at naitulong namin sa nature.
3. Mayroon bang disadvantage sa pag gamit ng cloth diapers?
Yes. Madami din factors kase what might work to others might not work with other babies.
- Laba ng laba, kaya for me mas okay to build a stash good kung ilang days before ang laundry day para isang labahan na lang.
- Mabusisi at maarte ang paglaba at pagsampay. Kase if not, your cloth diapers won’t last.
Win-win situation ito kasi nakatipid kana, nakatulong ka pa kay Mother Earth! Kaya mommies, ano pang hinihintay nyo? Let’s do the switch!!
Happy CDying!
About the author
Aralei Ampongan. Mother of two dazzling girls. Talks about motherhood and parenting. A Breastfeeding and Cloth Diapering Advocate. Mommy influencer for a year now to promote breastfeeding and encourage other mommies to do the switch and use washable diapers.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!